Doon lang siya natauhan.
“T-thanks…” mahina niyang sagot. Ngumiti ang lalaki. Iyong klase ng ngiti na kayang magpabilis ng lagadab ng puso niya. O baka sa kanya lang may ganoong epekto ang ngiting iyon. “Ingat ka,” sabi nito. Pagkatapos nun ay tumalikod na ito at nagsimulang maglakad palayo.
Naiwan siyang nakatayo sa gitna ng hallway.
-
Hindi mapakali si Meri buong araw.
Hindi dahil sa professor niyang kilala sa pagiging strict at na-late pa siya sa pagpasok sa first subject niya kanina.
Ang rason dahil sa isang pangalan na paulit-ulit na bumabalik sa isip niya.
Andrew Ferrer.
Ang bagong transferee. Ang lalaking bumangga sa kanya.At ngayon… kaklase pala niya.
Ganoon ba katindi mag-take into action si tadhana? Araw-araw naman siyang naghihintay, pero parang hindi niya napaghandaan. Iyon ang bumubulabog sa kanyang nalilito na isip.
Nalilito siya dahil hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. Simula nang makita niya ito, ganoon na lang katindi ang distraction sa kanya, at first time niyang naramdaman iyon. Kanina, ilang beses syang napapatingin sa direksyon nito.
Ito ang tipo na kahit hindi nagsasalita, parang may presence na hindi mo kayang i-ignore.
At ang mas nakakainis!
Sa tuwing magtatama ang tingin nila..siya ang unang umiiwas. Baka isipin nito, panay ang tingin niya para mapansin. Pero ang tanong, ano nga ba ang ginagawa niya?
Pag-uwi sa apartment, tinatanggal ni Meri ang school shoes niya habang si Kath naman, abala sa cell phone nito, nakahiga sa kama. “Okay ka lang?” tanong ni Kath nang mapansin ang kakaibang katahimikan niya. “Oo naman. Okay lang ako,” sagot ni Meri.
Napatingin si Kath sa kanya.
“Hindi ’yan ‘okay’ na ‘okay’. Kasi parang iba ang katahimikan mo ngayon, friend. Hmm… kilala kaya kita.” Sagot ni Kath na ayaw pang maniwala sa kanya. Hindi agad sumagot si Meri. Tumayo siya, naglakad papunta sa maliit nilang kusina, kunwari kukuha ng tubig. Pero ang totoo, iniiwasan niya ang titig ni Kath. Dahil kilala siya nito.
At alam niyang hindi siya makakatakas sa mga tanong nito.
Hanggang sa....
Parang hindi na niya kinaya na ma-open up ang gumugulo sa isipan dito. Dahil nakasanayan na niyang i-share sa kaibigan kung may problema siya. “Ang transferee na sinasabi mo kanina, classmate ko pala siya,” bigla niyang sabi. Napaupo siya sa tabi ni Kath. Napa-upo rin si Kath mula sa pagkakahiga. Napakunot-noo si Kath.
“Ha? Wait—seriously? So classmate mo pala siya?” Tumango si Meri, nakahawak pa rin sa baso niya. “Hindi ko alam, pero nang makita ko siya, parang may something…” aniya. “Parang… every time tumingin ako sa kanya kanina sa classroom, may weird na feeling. Hindi ko nga maintindihan, friend.” patuloy niya.
“Crush?” agad na banat ni Kath, sabay ngiting may kahulugan. “Hindi!” mabilis na tanggi ni Meri.
Napangiti si Kath.
Parang mas lalo itong na-amuse sa naging reaction ng kaibigan. Sa totoo lang, na-curious ito dahil first time nitong makita si Meri sa ganoong reaction. Ito kasi ang nababasa niya sa pocketbook—kapag in love, ganito ang nararamdaman at ganito ang mga kilos. “Sure ka?” Tanong nito.
“Hindi talaga,” giit ni Meri, pero umiwas siya ng tingin kay Kath..
Naisip ni Kath.
Parang hindi lang simpleng attraction iyon. Hindi kaya in love ang kaibigan niya? Naitanong nito sa sarili. “Anong itsura?” tanong ni Kath, ngayon ay mas interesado na. “Matangkad,” simula niya. “Parang hindi siya yung type na maingay… pero mapapansin mo pa rin siya kahit hindi siya palasalita.” patuloy pa niya. “Gwapo?” singit ni Kath. Napahinto si Meri saglit.
“…Oo.” ilang saglit ay mahinang wika niya.
Natawa si Kath. “Ahh. So ’yun pala.” Anito.
“Hindi!” agad na depensa ni Meri, sabay hagis ng unan sa kay kath. “Hindi ’yun about doon.”
—
Kinabukasan, sa school.
Lunch break nila. Magkasama sina Meri at Kath sa canteen. “Sandali lang...,” sabi ni Kath nang makaupo na sila sa may bakanteng mesa. Tangka na sanang kumilos si Meri para bumili ng ulam.
Napatingin si Meri. “Bakit?” Aniya.
“May gusto akong ipakilala sa’yo.” wika ni Kath. “Sino ba ang ipapakilala mo?” kunot-noo na tanong ni Meri. “Ang pinsan ko, gusto niya raw makisabay mag-lunch sa atin,” sagot ni Kath. “Uy, baka kung ano na ’yan, friend ha?” pahayag ni Meri, iniisip na baka gustong ireto siya ni Kath sa pinsan nito. “Relax,” sabi ni Kath. At saka biglang may pumasok sa canteen.
Si Andrew Ferrer!
Napahinto si Meri, napatigil siya nang makita ito. Ngumiti si Andrew at naglakad palapit sa kinaroroonan nila ni Kath
“Friend,” sabi ni Kath, “pinsan ko nga pala si Andrew.” pakilala nito nang makalapit na ang binata sa kanila.
What? Magpinsan sina Kath at Andrew?Gulat na wika niya sa kanyang isipan.
Tapos feeling niya habang tinitingnan ang binata ay parang slow motion pa ang mga kilos nito. "Naku! Meri...umayos ka nga! Parang ngayon ka lang nakakita ng tao* pinagalitan pa niya ang sarili sa loob ng kanyang isipan.
---
Yon ang dahilan kung bakit naging malapit na magkaibigan sina Meri at si Andrew. Dahil magpinsan ito at si Kath. Na lingid sa kaalaman ng mga kaibigan ang totoong nararamdaman ni Meri kay Andrew.
At si Kath din ang naging dahilan kung bakit nasira ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Meri. Nina Kath at ni Meri, samantalang si Andrew ay naging tahimik sa isyu na yon.
Kasalanan ba niya kung sa kanya nagkagusto ang lalaking hinahangaan nito noon?
Si Aldrin Matias.
------------
Ano nga ba ang isyu na nakasira kay Meri? Sa pagkakaibigan nila ni Kath? Aside sa kay Aldrin Matias? May malalim ba na dahilan kung bakit nasira ang closeness nina Meri at Kath. Bakit ganun na lamang ang galit ni Meri sa dating kaibigan?
Huwag kalimutang i-follow ang story para malaman ang mga katotohanan at ang magandang kwento. Sa susunod na kabanata Marami pang twist kayong matutunghayan at habang humahaba ang kwentong ito ma-feel nyo rin ang tensyon ng mga eksena.
Don't forget to click the heart kung bet mo ang kwento. Please comment para malaman ko rin kung n feel nyo rin ang mga karakter.