Si Aldrin Matias na isang sikat na direktor. Na nagkataon ay masigasig na manliligaw ni Meri at naging malapit na kaibigan.
Ang masama pa don, ipinagpalit nito ang pagiging matalik na magkaibigan nila sa isyu na nakasira sa kanya.
Akala niya, isa ito sa mga taong mapagkatiwalaan niya. At isa rin itong kaibigan na tunay niyang masasandalan...hindi pala!
Habang nakatayo si Meri sa gilid ni Andrew, lumapit si Kath.
'Kamusta ka na?' tanong nito na hindi agad nakasagot rito si Meri. Hindi niya kasi alam kung totoo ba ang tanong nito o plastic lang? Kung totoo ngang concern ito sa kanya, dahil ang tono nito parang concern...pero alam niyang pakitang tao lang yon.
“I'm fine, salamat sa pagtanong” sagot ni Meri kay Kath na seryoso ang mukha ngunit she still act like diligent.
“I called you how many times, pero hindi mo sinasagot ang mga tawag ko…” Wika ni Kath na may bakas ng pag-alala sa mukha nito.
'For what para sagutin ko ang mga tawag mo?’ Iyon ang sa isip ni Meri, she didn't know kung sinadya ba nito na marinig iyon ni Andrew ang pagkasabi nito. Dahil ang paraan ng pagbigkas ni Kath ay sapat para marinig iyon ni Andrew.
“Busy lang seguro ako that time kaya hindi ko nasagot ang mga tawag mo” nasabi niya na lamang kahit na gusto niya itong taasan ng kilay.
Napaka-plastic mo, Kath!
Ang galing mo mag-arte at magdrama.
Iyon ang laman ng kanyang isipan.
-
Hindi ka pa rin marunong makihalubilo.”
Napalingon siya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
Nakatayo si Andrew sa likuran niya. Nakasuot ito ng black long sleeves na nakatiklop hanggang siko.
Nang sandaling iyon, nasa gilid lang siya mag-isa. Wala siyang kasama o kausap man lang. Si Aldrin Matias na nakapalagayan niya ng loob at itinuring na rin na malapit na kaibigan ay hindi niya kasama nang sandaling iyon. May mahalaga itong taping na inaasikaso para sa teleserye na ipapalabas sa sunod na buwan.
Katulad noon… siya pa rin ang unang bumilis ng paglagabog ng puso, ng palihim.
“Busy ka kasi, alam kong abala ka sa magiging wife mo,” simpleng sagot niya habang umiinom ng wine para itago ang kaba.
“Teka lang, bakit hanggang ngayon hindi pa lumalabas ang lucky girl?” Patuloy niya na idinaan pa sa biro ang huling salita. Pero ang totoo, parang tinutumbok na ang puso niya.
Bahagyang natawa si Andrew.
“Selos ka ba?”
Napatingin siya rito. “Feelingero.”
Ngumiti lang si Andrew habang sumandal sa tabi niya. “Three years kang nawala tapos ganyan agad ang bungad mo?” anito.
“Kasalanan ko bang umalis ka?” balik tanong niya rito.
Sandaling natahimik si Andrew.
“You disappeared too, Meri.”
Nawika nito nang sumagot sa kanya.
Napaiwas siya ng tingin.
Dahil totoo naman. Pagkatapos niyang umamin noon ng pagmamahal niya kay Andrew.…lumayo rin siya.
Naglayas at matagal na hindi nagpakita.
“Anong ineexpect mo?” mahinang tanong niya.
“Na maghihintay ako habang buhay?” Patuloy niya.
Hindi agad nakasagot si Andrew.
Napakuyom ito ng kamao bago bahagyang ngumiti. Pero pilit lang.
“I tried contacting you.” anito.
“But you stopped trying.” lumabas lang iyon sa bibig niya at nakita ang bahagyang pagbabago ng ekspresyon ni Andrew.
Habang tinititigan ito…Tinitingnan ang maamong mukha ng sandaling iyon.
Naalala niya…
Makalimutan ba nya kung sa simula pa lang ng kanilang pagkakaibigan. Iba na ang nararamdaman niya para kay Andrew? Sa simula pa lang….May lihim na siyang pagtingin rito..naalala niya nang nagsimula ang friendship nila.
Ipinakilala ni Kath sa kanya si Andrew nang nasa canteen sila, isang araw. And Kath also told her na magpinsan ang mga ito.
Si Andrew.
Nasa harap niya at nakipag-shake hand pa sa kanya.
And this time, hindi na aksidente. Hindi na banggaan sa hallway.
Hindi na classroom glances na mabilis lang everyday sa silid ng paaralan na lagi at lihim niyang ginagawa.
This time… pinakilala ito sa kanya ng bestfriend niyang si Kath.
At si Kath, nakatayo lang sa tabi, na parang proud pa.
“Wait…” mahina na sabi ni Meri, nakatingin kay Kath.
“Magpinsan pala kayo?”
“Yeah,” casual na sagot ni Kath. “Bakit? Akala mo stranger lang?”
Napansin ni Kath yung tension sa pagitan nila.
At for some reason… naaliw ito. Dahil gusto nya si Meri para kay Andrew. She knew, that Meri has a hidden feelings kay Andrew. Kaya masaya ito kapag sina Andrew at Meri ang magkatuluyan.
“Okay,” sabi ni Kath, clapping her hands lightly.
“So since pinsan ko si Andrew at nagkakilala na kayo, wala ng weird intro-intro.”
“Ikaw talaga Kath.” May simpleng ngiti na sabi ni Andrew.
“Anong ako?” balik ni Kath, ngiting may lihim na panunukso.
At simula noon…
nagsimula ang lahat…
Hindi sila agad naging close.
Pero lagi silang nagkakasabay sa…
Lunch breaks.
Group activities.
At unti-unti ay nagiging natural ang lahat.
—
“Uy, Meri!” tawag ni Kath isang hapon sa cafeteria.
“Dito ka, may extra seat pa dito.” wika ni Kath na itinuro pa ang bakanteng upuan sa tabi nito.
Paglapit niya, nandun si Andrew. At nakatabi niya ang binata dahil ang bakanteng upuan ay katabi rin nito.
Kaya naman nakaeamdam siiya ng kilig dahil makakatabi niya si andrew.
Nakatitig ito sa phone, kaya hindi agad nito napansin nang dumating siya sa cafeteria…pero napansin agad siya nang umupo siya sa tabi nito.
Hey,” casual na sabi nito.
“Hi,” tipid na sagot ni Meri na deep inside ay nakakaramdam ng kilig.
Nasa isipan pa niya: Ang swerte naman niya nagkaibigan sila ni Kath, dahil naging malapit din siya kay andrew.
—
Please read the next chapter and like the story. And add in your library.
Don't forget to vote by typing #Vote#.
Thank you.