chapter four

1110 Words
Habang tumatagal, ay mas lalo silang naging close. Lumalalim ang pagkakaibigan nila. Mas lalo rin lumalalim ang nararamdaman ni Meri kay Andrew pero nanatiling lihim ang nararamdaman niya rito. Lalo na nang lubos niya itong makilala. Para sa kanya, si Andrew ay hindi katulad ng ibang lalaki na kilala niya..... Hindi ito mayabang hindi rin ito pala salita, minsan lang ito umimik at magkwento saka hindi ito mahilig magpatawa—pero kapag natawa ito, ma-feel mo na totoo. At higit sa lahat ay marunong itong makinig sa tuwing may nagsasalita sa harap nito. Kahit na nasa sitwasyon pa na abala ito, talagang titigilan ang ginagawa para ma-acknowledge na napansin ka niya. Yong hindi mo feel na-OP ka or out of place. Kaya mas lalo siyang humanga. — “Try mo ‘to,” sabi ni Andrew minsan, inaabot yung fries kay Meri. “Hindi naman ako nagugutom,” nahihiya pang sagot ni Meri. “Hindi ko tinatanong kung gutom ka. Sinasabi ko lang, na try mo.” giit nito. Napatingin si Meri kay Andrew at kumuha nga rin siya ng fries na inalok nito. “Okay naman,” sabi niya pagkatapos na kainin ang fries na kinuha. “Oh, Diba?” saad nito. Napangiti si Meri ng hindi niya namamalayan o pwedeng sabihin na lihim siyang kinilig. After two weeks… Isang araw, kumalat ang balita sa campus. “Uy, sumali raw si Andrew sa varsity basketball!” sabi ni Kath habang naglalakad sila papuntang school, umaga iyon. Napatingin si Meri. “Really? Mahilig din pala siya sa sports!” Ani Meri na lalong humanga sa lalaki. Gusto niy pa naman ang lalaki na mahilig sa sports lalo na kung magaling maglaro ng basketball. “Yeah. Sumali siya sa tryouts kahapon. Nakapasok siya kaagad.” Ani Kath na parang pinagmamalaki pa ang pinsan. " Simula dati, mahilig at magaling naman si Andrew maglaro ng basketball" patuloy pa niio. Hindi na umimik si Meri, pero naramdaman niya ang pagtaba ng puso niya sa sinabi ni kath. - Nang hapon nang araw na iyon, dumaan siya sa gym. Nakita niya si Andrew, nakasuot ng jersey at pawis na pawis ito habang naglalaro. Gaya ng sabi ni Kath, nagaling nga ito. Hindi niya maiwasang mapatitig sa lalaki. “Nanood ka?” tanong ni Andrew matapos ang practice. “Ah—hindi. Napadaan lang.” agad na sagot ni Meri, pero sa totoo lang ay sinadya niyang pununta sa gym para panoorin si Andrew. Nagulat pa siya nang hindi niya namalayan na nasa likuran na niya pala si ito. “Ang galing mo pala,” patuloy ni Meri na may kimi na ngiti pa sa mga labi. “Thanks,” sabi nito na may bahagyang rin ngiti sa labi nito. At nang tumagal noon, nagiging palaging l present si Meri sa buhay ni Andrew. Hindi lang bilang kaklase. Hindi lang bilang kaibigan. Kundi bilang… siya. “May practice ulit ako mamaya,” wika ni Andrew isang araw sa kanya. “Manonood ako?” Tanong niya sa lalaki habang inaayos ang mga gamit nito. Katatapos lang nila sa second subject nila nang hapon na yon. Ang totoo kahit hindi nito sabihin ay talagang manonood siya. “If you want.” simpleng sagot nito. Pumunta nga siya, nang hapon na yon. Hindi lang isang beses na present siya. Always siyang present sa mga laro at practice ni Andrew. Ang mga ginagawa niya… Minsan may dala siyang tumbler na may laman na tubig. Minsan may dala siyang towel. At minsan naman simpleng “Good luck” lang bago mag-start ng laro si Andrew. “Thank you nga pala,” sabi ni Andrew habang naglalakad sila palabas ng gym “Ha? Saan?” naka-kunot noo na tanong niya. “Lagi kang nandun.” “Support lang,” simpleng sagot ni Meri. “Support?” ulit ni Andrew, bahagyang nakangiti. “Friend support,” mabilis na dagdag niya. - Hindi iyon nagsimula sa dramatic na eksena ang lahat. Walang background music na magsasabi na “ito na." Pero minsan, doon nagsisimula ang mga bagay na hindi mo na kayang kontrolin— sa mga simpleng tingin, sa mga hindi sinasadyang pagkakataon, sa mga sandaling akala mo wala lang… pero unti-unti ka na palang hinahatak papasok sa isang mundo na makakalikha ng kakaibang damdamin at pagpintig ng puso mo. High School Graduation Graduation day na—yung araw na matagal nilang hinintay. Yung araw na ilang beses nilang in-imagine habang pagod sa requirements, habang puyat sa exams, at habang iniisip kung makakaabot ba sila hanggang dulo. Naka-toga si Meri, hawak ang cap, nakatayo sa gilid kasama ang batchmates niya. Pero kahit ganoon— parang may kulang. Simula nang makilala niya si Andrew, parang may hinahanap siya kapag wala ito sa paningin niya. Hindi naman dapat ganun. Anang isupan niya ...pero ang puso niya? Parang may sarili na mga mata. “Friend,” bulong ni Kath mula sa tabi niya, halatang napapansin ang pagiging distracted niya, “hinahanap mo ba siya?” Napatingin si Meri sa kaibigan, kunot-noo agad. “Ha? Hindi ah.” Agad na tanggi niya, denial mode kaagad. “Sure ka?” dagdag ni Kath, nakangisi. Hindi na sumagot si Meri. Kasi kahit anong sabihin niya—alam niyang hindi rin maniniwala. At tanging si Kath lang ang nakakaalam. At bago pa siya makapag-deny ulit may dumaan sa harap nila. Si Andrew. Naka-toga rin, maayos pero effortless ang dating....ang gwapo talaga sa paningin niya. At syempre para sa puso niya. Kaya biglang sumaya ang puso ni Meri, nang makita ang binata. Pagkatapos ng ceremony, naging busy ang bawat isa sa pagpapapicture. “Group pic!” sigaw ng isa. At bago pa makapag-isip si Meri, nahatak na siya ni Kath. “Wait—Kath—” “Dito ka na, bilis!” anito. Kasama si Andrew. Napunta sila sa gitna. Si Kath, naturally, nasa pagitan nila nung una—parang feeling safe, pero may balak ito Habang nag-aayos— “Uy, move ka nga, ang sikip,” sabi ni Kath sabay tulak kay Meri… papalapit kay Andrew. Kaya bigla siyang napadikit sa braso ni Andrew. Ramdam niya yung init nito kahit may suot silang toga. Ramdam niya kung gaano sila kalapit, halos wala ng space sa pagitan nila. “Smile!” sigaw ng photographer. Pag -Click... Ang totoong nangyari? Hindi ngiti ang na-capture. Kundi yung sandaling— pareho silang aware. Na masyado silang magkalapit. — Read the next chapter.. Kungjinikig ka at nagustuhan ang kwento, don't fotget to follow and add in your library Paki-hit na rin ng hear and please vote by typing #Vote# kung nagustuhan ang story please comment naman dyan kung napapangiti ka sa story. Thank you ;-))
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD