Nasa bar siya matapos umalis sa Ferrer Grand Hotel. Meri, answer my call. Are you drunk? Nasa bar ka ba? Sunud-sunod na text messages ni Andrew sa kanya dahil hindi niya sinasagot ang mga tawag nito. Napatawa siya, habang nakatingin sa screen ng cellphone. “Concerned ka ngayon?” mapait niyang sambit. “Kung kailan ikakasal ka na saka ka mag-aalala sakin…” Hindi niya namalayang may luha na palang tuluyang tumulo mula sa kanyang mga mata. Mabilis niya iyong pinunasan bago muling inumin sana ang wine. Ngunit bago pa niya maitaas ng tuluyan ang baso ay may isang kamay na biglang humawak doon. Kaya nagulat siya… Napakunot-noo siya saka marahang napalingon. Si Andrew iyon! Nakatayo si Andrew sa tabi niya. Bakas sa mukha ang pag-aalala. “Enough,” seryosong saad nito habang inaalis a

