Hindi agad nakasagot si Sophia. Nanatili lamang ang tingin niya kay Andrew, wari ay sinusubukang hanapin sa mga mata nito ang dating binatang minsang lihim niyang hinangaan. Marami na ang nagbago. Mas naging matatag ang tindig nito. Mas naging seryoso ang ekspresyon. Ngunit may isang bagay na hindi kailanman nawala. Ang paraan ng pagbanggit nito sa pangalan ni Meri. Naroon pa rin ang lambing. Naroon pa rin ang pag-asang pilit nitong itinatago. Bahagyang napayuko si Sophia. Noong high school pa lamang sila... Hindi man sila malapit ni Meri, alam niyang may paghanga ito kay Andrew. At alam din niyang walang ibang nakikita si Andrew kundi si Meri. Kahit noon pa. Kahit hindi ito inaamin. Kaya pinili niyang itago ang sarili niyang nararamdaman. Mas madali iyong gawin kaysa masaksi

