Almost fifteen years na iniwan siya ng kanyang ama. Nine years old lamang siya noon. Masyado pang bata para maintindihan kung bakit may mga taong kayang umalis kahit mahal ka naman daw. Her dad is a foreigner. Kaya naging Smith ang apelyido niya. Ito rin ang nagbigay sa kanya ng pangalang “Meri Florence Smith.” Ang “Meri” ay mula sa pangalan ng kanyang lola na si Meriam—ang Filipina grandmother niyang sobrang mahal na mahal siya noon. Kaya mula pagkabata hanggang paglaki, Meri na rin ang itinawag sa kanya ng lahat. At noon… masaya siya. Kompleto siya. Daddy’s girl siya noon. Sa tuwing umiiyak siya dahil nadapa siya habang naglalaro, agad siyang bubuhatin ng kanyang ama habang marahang hinihipan ang sugat niya. Kapag may batang umaaway sa kanya, agad itong sumusulpot na parang super

