Island hopping na ang pinagkaabalahan namin kinabukasan. Maraming isla sa Samal kaya nakakawili ring bisitahin ang bawat isda. Masyadong malinaw ang tubig at kulay puti pa ang buhangin. May mga pagkakataong humihinto kami sa isang isla para makunan iyon ng picture. Hindi rin pinalampas ni Vincent ang snorkeling. Sumisid siya sa ilalim habang ako naman ay hinihintay lamang siyang umahon at balikan ako. Active si Vincent sa outdoor activities. Simula noong bata pa ako ay nakikita ko na siyang nawiwili sa mga ganito. Ngayon na pinapanood ko siyang muli ay parang may parte sa aking puso ang natutunaw. Nawili ako sa bawat oras na lumilipas. Nag-eenjoy ako sa aking mga pinaggagawa. Habang nasa dagat kami ay kung ano ano nalang ang pumapasok sa aking isipan at na-inspire pa akong magsulat.

