“Thanks for coming, Miss Celestine.” Kinamayan ako ng may-ari ng publishing house na nagbigay sa akin ng oportunidad na gawing libro ang aking nobela. “Walang anuman po. At pwedeng Celeste nalang po…” sabi ko habang nangingiti itong tiningnan. Nasa isang office kami. Si Mrs. Genna Perez ang may-ari ng Genesis Publishing House, ang isa sa pinaka malaking publishing house ngayon sa buong Pilipinas. Nakakagulat at hindi pa rin magsink-in sa akin na napabilang ako sa ganito ka laking oportunidad. Kasama ko si Vincent na pumunta lalo na’t siya rin ang nagkumbinsi sa akin na ayusin ito sa personal para mas maintindihan ko rin daw ang kontrata. Nakaupo siya sa sofa habang tahimik lamang at nasa harap ako ng table kung saan din nakaupo si Ma’am Perez. “You never expose yourself right? Ever

