Wala akong tulog. Kahit anong pilit kong matulog ay hindi ko talaga magawa. Tulala na lamang akong nakatanaw sa bintana ng kwarto, wala na ring maramdamang iba. “You didn’t sleep?” tanong ni Vincent nang magkasalubong kami kinaumagahan. Tanging iling ang aking nagawa. I couldn’t speak. Malamig ang aking paninitig sa kanya at pakiramdam ko ay nakalutang ako sa ere, na kahit ang aking paningin ay sobrang bagal na parang mahihilo na ako ano mang oras. Hindi ko na namalayan ang pagdating ng isang doktor at nahuli na lamang ang sariling nasa harap nito habang chinicheck-up ako. Sa kanyang gilid ay si Vincent na nakatayo at seryosong nakatingin sa akin. “Her past trauma triggered her current situation kaya parang nagkakaroon ng shock ang pasyente…” Ilang beses ko na bang naririnig lagi

