Ilang oras naming kausap si Dira hanggang sa sumapit ang hatinggabi at masarap pa rin ang aming usapan. Kung hindi pinutol ni Vincent, talagang hindi na ata mapuputol. "She still wants to watch the sunrise in Cloud 9 early in the morning. Sa susunod na ulit kayo mag-usap ng girlfriend ko," si Vincent sa mayabang na tinig kaya ngumiwi agad si Dira. "Ang hirap talagang paniwalaan. And hey, pinagdadamot mo agad si Cee sa akin, ha! How dare you, Kuya!" Sinamaan niya ng tingin ang kapatid. "Goodnight," si Vincent sa tamad na tinig. Inirapan niya ito at ibinalik sa akin ang atensyon sa kalmadong paraan. "Goodnight, Cee! Sa susunod ulit! Call me right away pag nasa Manila na kayo ha! We'll talk more! We have so many things to talk about!" Itinuro niya ako. Humagikhik ako at tumango. "

