Panay ang aking pag-iyak. Ang naninikip kong dibdib ay hindi na ata luluwag pa. Sobrang nadidismaya ako sa nangyayari. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Ang lupit lupit ng tadhana sa akin at pakiramdam ko ay malaki akong atraso kaya pinagbabayaran ko ito ng malaki. Na sa tuwing makakabangon ako ay sisingilin akong muli at hihilain pababa. The cruelty of the world is too much. Parang pinipiga ako sa sobrang tindi ng hinahampas sa akin. Baling bali na ako. Durog na durog na. Sa tuwing sinisikap kong maging matapang, mas lalo lamang akong binibigyan ng rason para maging mahina. Iyon na ata ang magiging cycle ng aking buhay. Bibigyan ako ng panandaliang kasiyahan, sa huli ay babawiin rin sa malupit na paraan. Wala akong naalalang may ibinigay sa akin na nanatili sa akin ng mata

