Natataranta akong bumaba nang mahimasmasan sa nangyari. "What did you do?!" sigaw niya sa galit na tinig at itinulak ako habang niyayakap na ang kanyang tiyan. "H-Hindi ko sinasadya," halos nanginginig kong sambit at nagtangka ulit siyang lapitan para tulungang makatayo. Ngunit katulad ng kanyang ginawa kanina ay tinulak niya akong muli. She screamed with pain. Ilang sandali lamang ay dumating agad si Daniel, buhaghag ang buhok at natatarantang sumunod habang nakashorts lang, iyon lamang ang nakayang isuot sa kakamadali. "Daniel! That b***h pushed me!" she cried at itinuro akong bigong nakatayo, hindi alam kung ano ang magiging reaksyon sa lahat lahat. Umaagos ang aking luha habang tinitingnan si Daniel na mabilis na nilapitan ang babae at sinuro ng maigi kung nasaktan ba ito o a

