Pwede pa naman sigurong ayusin. Pwede ko pang ayusin ang gusot sa relasyon namin. Hinayaan ako nang magkapatid kahit labag sa kanilang loob na ipagpatuloy ko pa ang relasyon namin ni Daniel. Ayoko namang masira ang binuo naming pangarap dahil lang sa akin, dahil lang mas pinili kong takasan kaysa ang ayusin ito. “Sige na, Dan… Magbakasyon tayo. Matatapos na next week ang pagsusulat ko. At…” Kinagat ko ang labi lalo na’t sa susunod na buwan ay limang taon na kami. Mukha siyang iritado at halatang wala sa mood lai na’t magkasalubong ang kanyang kilay habang hawak ang kanyang cellphone. Bumuntonghininga ako at umupo sa kanyang kandungan. Medyo kumalma ang kanyang ekspresyon ngunit wala sa akin ang mga mata. Hinawakan ko ng magkabila ang kanyang pisngi at sinimangutan siya. “Bakit a

