“You’re quitting?” medyo gulat na tanong ni Dira nang makwento ko sa kanya ang balak kong pagtigil sa pagsusulat. Gabi na at kakatapos ko lamang magsulat ngunit hindi pa rin dinadalaw ng antok dahil sa bumabagabag sa aking isipan. Niyakap ko ang aking mga tuhod habang tinitingnan si Dira na kumakain ng taco at seryoso ang tingin sa akin. “Gusto ko na sanang mag-apply nalang…” sabi ko sa mahinang tinig. Nanliit agad ang kanyang mga mata at lumapit lalo sa camera ng laptop kaya nagzoom ang kanyang mukha sa akin. Kahit na wala siya sa aking harapan ay basang basa ko ang pagdududa roon. “Be honest, Cee. Is it because of your boyfriend? Pinapatigil ka ba niya sa pagsusulat?” Namilog agad ang aking mga mata lalo na’t hindi naman ako nagkukwento ng ganoong bagay sa k

