You are not answering my calls. Ano na bang nangyayari sa'yo?" Ang galit na si Daniel ang nagpagising sa akin sa tanghaling iyon. Namilog agad ang aking mga mata nang mapagtantong masyadong napahaba ang aking tulog at halos hindi ko na namalayang tanghali na pala lalo na't ang tagal ko ring natulog kagabi dahil sa pakikipag-usap kay Indira at pagsusulat. "Lagi mo nalang talagang inuuna 'yang lintik na pagsusulat mo!" bulyaw niya sa kabilang linya bago pa man ako makahinga ng tawag. Bumuntong ako ng hininga at nasapo ang noo. Kulang ako lagi ng tulog kaya gusto kong bumawi paminsan minsan. Sana kahit kaonti man lang ay magbigay siya ng konsiderasyon lalo na't alam niya namang trabaho ko rin ang pagsusulat. Dito ako kumikita. Ito na ang nagpapabuhay sa akin, at nagtutustos sa mga gastu

