Pinagmasdan ko ang pangiti ngiting si Daniel habang nakatayo at may kausap sa cellphone habang ang kanyang kamay ay nasa gilid ng kanyang baywang. Noong matapos ang tawag ay tiningnan niya pa ang screen. “Yes!” Mabilis akong nilapitan ni Daniel at biglaang iniangat ang aking baywang lalo na’t nakaupo ako. Napatili ako ngunit nasundan agad ng halakhak lalo na’t masyado siyang masaya. “Dan, ano ba!” natatawa kong sabi habang nakahawak sa magkabila niyang balikat lalo na’t inikot ikot niya pa ako. “I closed the deal! Tumawag si Ma’am at sobrang natuwa sa performance ko! Ang sabi niya ay bibigyan niya raw ako ng party at siya ang sasagot,” ani Dan habang hindi pa rin nabubura ang ngisi sa kanyang labi at tinitingala ako. Nang marinig iyon ay para na rin akong nahawa sa kanyang kasiy

