Hindi ko alam kung bakit kuryoso si Vincent sa bagay na iyon at kung bakit kailangan niya pang malaman. Knowing him, sigurado akong may gagawin siya lalo na’t sa nangyari sa amin ni Daniel ay hindi na agad ‘yan magtitiwala sa ibang tao ng basta basta. Maaga ang flight namin sa Huwebes na iyon. Ramdam ko ang lamig at humihikab pa ako sa airport habang suot ang makapal na sweatshirt para hindi gano’n ka lamig ang aking nararamdaman. Tulala pa ako habang tahimik lamang na kumikilos. Seryoso si Vincent na dinadala ang aming gamit at sumusulyap lang sa akin minsan para tingnan ako. Humikab akong muli noong makapasok kami sa eroplano at umuupo na. “You didn’t sleep well?” tanong ni Vincent nang umupo siya sa aking tabi. Tiningnan ko ang labas ng bintana habang umiiling. Paano ba naman, n

