Namasyal kaming dalawa ni Vincent sa labas. Balak naming subukan ang mga activities nila. May ideya ako lalo na’t paborito rin talaga ni Vincent ang mga beach activities sa tuwing lumalabas kami noon kasama ang iba pa. Nakikita ko siyang sinusubukan lahat ng mga extreme activities sa dagat. Lalong lalo na ang jetski na paboritong paborito niya. Panay ang aking picture sa paligid. Si Vincent naman ay nakapamulsa lamang sa aking gilid at hinahayaan ako sa ginagawa. “You’re not taking photos of yourself,” aniya nang mapansin ang bagay na ‘yon. “Uh… Kailangan bang kasali pa ako? Eh maganda na ‘yung view,” sabi ko. Umangat agad ang kanyang kilay at ramdam ko ang pagtutol sa kanyang mga mata. Parang may nasabi akong hindi maganda. Inilahad niya ang kamay sa akin. “Give it to me. I’ll

