Sobrang ganda ng Mati City. Ang sarap huwag umalis sa ganoong klaseng lugar ngunit nagtungo rin naman kami sa Surigao sa sumunod na araw para sa susunod naming destinasyon na Siargao. Mahaba ang byahe patungo roon. Pagdating sa Siargao ay kailangan pang sumakay ulit ng barko para ihatid kami. Excited ako lalo na’t nakwento ni Vincent na mags-surf siya at tuturuin niya ako. May ideya naman ako kahit papaano sa ganoong bagay ngunit hindi ako marunong. O baka nga kahit kaonting balanse man lang ay hindi ko kaya. Sa Siargao na ang huli naming plano at uuwi rin pabalik sa Manila. May mga aasikasuhin pa ako roon para sa librong ilalabas. Noong nakita ko ang mga dagat sa Mati City, akala ko ay wala ng makakapantay sa linaw at tubig doon. Ngunit nang makaapak ako sa buhangin at halos kumik

