Unti-unting gumagaan ang pakiramdam ni Vincent. Nararamdaman kong nawawala na ang dumadagang tabang sa kanyang ekspresyon at napapalitan na ng saya ang kanyang kalamigan kanina. Nagbihis ako para sa aming surfing. Nakatanaw si Vincent habang kinakalkal ko ang aking dalang damit. Naiwan agad ang reserbang crop top na laces sa likod at may partner na shorts short. Dahan dahan kong nilingon si Vincent. Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa gilid ng pinto at hinihintay akong matatapos. “Uh…” Siguro ay naramdaman niyang nag-aalangan ako kaya nagtungo siya sa akin. Ngumuso ako at hindi alam kung hihingi ba ng permiso sa kanya o susuotin na lamang agad iyon. “You wanna wear this?” tanong niya nang tiningnan ang aking hawak na nipis nitong tela. “Hindi ko pa ‘to nasusuot,” mungkahi

