Prologue

627 Words
Isang malaking kasalanan ang pag-iibigan sa pagitan ng isang taong-lobo at bampira, kaya hindi nakapagtataka na tinutugis sila ng kanilang mga kalahi. Kapwa sila pinuno pero sa nangyayari sa kanila ay para silang mga tulisan na hindi dapat makatakas. They're running for their lives. Kasalukuyang nakasakay si Elena sa likod ni Michael na ngayon ay nasa wolf form. Tahimik namang nakaidlip sa mga bisig niya ang kanilang anak na walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari. "Michael, hurry!" Kailangan nilang makalabas ng kakahuyan upang makatakas sa mga ito. Dose-dosenang bampira at mga taong-lobo ang tumutugis sa kanila! Mukhang nagkakaisa ang mga ito para lang maabutan sila. "We're here!" sigaw na sagot nito sa kanya. Nakahinga siya ng maluwag ng matanaw sa di kalayuan ang mga naggagandahang liwanag mula sa syudad. Nasa Romanya sila ngayon. Nang makalampas ang mga ito sa gubat ay agad nagbalik sa pagiging tao si Michael. Nasa kahabaan sila ng highway. Walang taong-lobo ang magtatangkang lumapit sa lugar ng mga tao, nakatitiyak sila roon. Pasalamat na lang siya sa angking bilis nito. Ngayon, siya naman ang kikilos. Kung hindi lalagpas ang mga taong-lobo sa kalsada, malamang ay ang mga kalahi naman niya ang susugod. Inihanda niya ang sarili. Pinatalas ang mga patalim na kuko at binalanse ang sarili sa gagawing unang pag-atake. "Michael, you should go.... take our daughter away from here" nasa likod niya ito bitbit ang bata. "No. I will not leave you here" solidong desisyon ni Michael sa kanya. "Stop it! For the sake of our child, please go! I will make it to the city, promise" Worried was all over on their faces. Maya-maya ay tumango ito at tumalon palayo. Pagbagsak nito sa lupa ay isa na ulit itong Lobo. Now she can fully focus on eradicating their persuers. >Michael's POV Hindi man niya dapat iwan ang kabiyak sa gitna ng laban ay wala siyang magagawa. Kailangan niyang iligtas ang kanilang anak. Nakarinig siya ng malakas na pagsabog sa lugar kung saan sila huling nagkita. Isa lang ang nasa isip niya, kagagawan iyon ni Elena. Lalo pa't umabot ang pagsabog na iyon hanggang sa gitna ng kagubatan. Parang isang radiation beam ang gumawa at umukit ng linya sa lugar na iyon. Ito na marahil ang Psychic power ng reyna ng mga bampira. When he arrived, he changed form into a human. With the baby on his arms, he approached the city. As he walks like someone who was like a fugitive, he stopped on the pier. "Are you one of the passengers? We we're taking off in a minute, are you coming?" sa pananalita nito ay hindi ito fluent sa linggwaheng ginamit. "Where is this ship going?" tanong niya. "Philippines, Mister. Are you coming?" inilahad nito ang kamay para sa kanya. "Y-yes?" Hindi ligtas ang kanilang anak kung itatago lang nila ito sa siyudad. Kung makakasunod si Elena sa kanya, tiyak niyang mahahanap sila nito balang araw. Alam niya iyon. Niyakap niya ang anak habang nakatingin sa lupaing kanyang sinilangan. Napakaganda talaga ng Romanya kahit na moderno na ang panahon. Mukha parin itong lupain noong sila pa'y malaya at kakaunti pa lamang ang bilang ng mga mortal. Nilingon niya rin ang lugar kung saan sila naghiwalay ni Elena. Kahit na sa sobrang talas ng mata niya ay hindi niya ito makita. Nababalot sa usok at alikabok ang buong lugar na iyon. Kung sakaling makarating na siya sa kinaroroonan ay hahanap siya ng pwedeng mag-alaga sa anak niya. Gusto niyang mamuhay ito ng normal. Hindi naman kasi siya sigurado kung taglay rin nito ang kapangyarihan ng isang Immortal. Wala siyang nararamdamang pagka-immortal sa anak nila. Maaaring dahil iyon sa magkalabang dugong dumadaloy sa ugat nito. Ipapaalaga niya ito sa iba ngunit hindi niya ito iiwan. Siya ang magiging bantay at tagamasid dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD