Almost 18 years after ang nangyari. Fortunately, nagawa ni Michael na protektahan ang kanilang anak.
Nasa bansang Pilipinas sila ngayon at patuloy pa rin sa pagtatago sa konseho. Well, hindi naman totally nagtatago ang ginagawa nila.
Tulad ng plano, ipinaaalaga niya nga ito sa mag-asawang mortal. Nakatira ang mga ito sa isang malayong probinsiya, sa paanan ng bundok sa may gilid ng kagubatan. Ikinabubuhay ng mga ito ang pagtatanim ng mga prutas at gulay, pagsasaka sa bukid at pangangaso sa kagubatan. Simpleng buhay, malayo sa kabihasnan. At iyon ang gusto niya. Simpleng buhay lang ang hangad niya sa kanyang anak.
Simula ng dumating sila sa bansang iyon ay wala na siyang naging balita kay Elena. Pero hindi siya sumusuko. Nararamdaman niyang buhay pa ito.
Araw-araw niyang pinagdarasal na sana ay dumating na ito. Gusto niyang ibalita rito ang lahat ng nangyayari sa pang-araw-araw na buhay ng kanilang anak.
Nakakalungkot nga lang dahil lumaki itong may kapansanan.
Hindi ito makalakad at malabo ang paningin. Bukod pa roon ay hindi ito kasing lakas ng mortal, sakitin ito at mabilis mapagod.
Dahil nga malayo sa kabihasnan, siya ang parating pumupunta sa pinakamalapit na bayan upang ikuha ito ng mga gamot o mga personal na gamit, halimbawa na lang ay ang wheelchair nito at mga personal o importanteng mga bagay na kailangan ng mag-asawa.
Walang pera ang mag-asawang mortal at ganoon din naman siya. Pasalamat naman siya dahil isang kalahi ang may-ari ng botikang pinagkukunan niya ng supply.
Nang unang pumunta siya sa bayan ay naalerto kaagad siya sa dami ng taong-lobo sa paligid. Pero mababait ang mga ito at walang alam sa konseho.
Isang malaking pangkat ito o tribo na napiling manirahan kasama ang mga tao. Nais ng mga itong mamuhay ng normal at maranasan ang katahimikang tinatamasa ng mga tao sa bayang iyon.
Bilang bagong salta, nakatanggap siya ng mainit na pagtanggap mula sa mga ito pero tinanggihan din niya.
Mas pinili niyang dumistansiya sa mga ito.
Kahit naman kasi ay kalahi niya ang mga ito ay ramdam niya pati ng mga ito ang kaibahan niya.
Ang aura, tindig, lakas at maging ang mga kilos niya raw ay kakaiba ayon sa mga ito.
May pagkakataong nagigi-siyang sentro ng atraksyon sa mga ito.
Ang ipinagtataka pa ng mga ito ay kung bakit hindi siya sumasama sa tribo sa tuwing aangat ang bilog na buwan. Kabilugan ng buwan ang pinakagusto ng mga werewolves dahil ang gabing iyon ang nagbibigay sa kanila ng karagdagang lakas at kakaibang bilis, kabaligtaran ng bagong buwan o New Moon na kung saan ay hindi sila makapagpalit ng anyo, isa lang silang ordinaryong tao. Magagamit nila ang abilidad nila ngunit kalahati lang ng tunay na lakas nila at hindi pa sila makapagtransform.
Sa tatlong gabing taglay ng buwan ang buong anyo nito at ang pinakamalakas na liwanag na sinasaboy sa madilim na gabi, nagta-transform ang mga ito at nagtutungo sa kagubatan upang manghuli ng mga hayop na makakain.
Kung minsan, huhuli ang mga ito ng isang malaking hayop o isang malaking usa. Mag-iipon ang lahat sa isang lugar at patatakbuhin ang bihag na pagkain. Kapag hindi na matanaw ng ordinaryong mata ay sabay-sabay silang tatakbo habang nagpapalit ng anyo.
Isa itong paraan ng pagsasanay para hindi sila makalimot ng tama o natural na panghuhuli ng makakain.
Ang isa pang nagustuhan niya sa tribo ay sama-sama at nagkakaisa ang Cursed at Pure ones. Sa kanila kasi ay hiwalay ang mga itim, kilala ang mga ito sa mga man eating werewolves.
Hindi naman siya nakakakita ng mga kauring pumapatay ng tao. Hindi naman daw sadya o aksidente lang ang pagtikim nila ng dugo't laman ng mga ito.
Kung sakaling maging kauri nila ang kanyang anak ay wala siyang magiging pangamba kung dito sila magsisimulang muli. Maninirahan sila sa bayang iyon nang walang pag-aalinlangan.
Kung ipinanganak ka bilang isang werewolf, mamumuhay ka bilang isang normal na bata sa loob ng labing-pitong taon. Tsaka ka lang magiging immortal sa unang kabilugan ng buwan sa ika-labing-walong taong gulang.
Sa pag-oobserba niya sa anak, normal na bata ito. Malaki ang posibilidad na magi-itong katulad niya dahil wala naman siyang nakikitang senyales na isa itong bampira tulad ng Ina nito.
Malalaman niya ang sagot sa pagtungtong nito sa labing-walong taon bukas at swerte siya dahil sa gabing iyon rin ang unang pag-angat ng bilog na buwan.
----
BUKAS ang labing-walong kaarawan ni Catherine at sabik na sabik na siya.
Ayon kasi kay Nana at Tata-- ang mag-asawang taga-pangalaga niya ay bukas daw ay maaaring sunduin siya ng kanyang Ama.
Ayon rin sa mga ito ay nasa paligid lang daw ito at binabantayan sila.
Hanggang ngayon ay naguguluhan siya kung bakit nagmamasid lang ito pero ayos lang naman sa kanya.
Kung ano man ang rason nito ay tatanggapin niya. Hindi sa sabik na sabik siyang iwan ang taga-pangalaga niya kundi dahil may kakaiba siyang nararamdaman sa mga ito.
Kung minsan ay nakakaramdam siya ng takot sa mga ito, minsan naman ay tuwa.
Mahal siya ng mga ito, alam niya iyon dahil ayon sa mga ito ay matagal na nang mga itong gustong magkaanak.
Pero ramdam niya parin ang takot ng mga ito sa tuwing masusugatan, magkakasakit at nalulungkot siya.
Ang hiling niya nga ay sana makalakad at makakita na siya upang hindi na siya maging pabigat sa mga ito.
Gusto niya ring masilayan ang mukha ng mga ito.
"Nana, mangungulila ba kayo kung sakaling sunduin na nga ako ni Ama bukas?"
Batid niyang nakaharap siya sa bintana dahil sa ihip ng hanging tumatama sa mukha niya.
"Oo, naman. Ikaw lang naman ang anak ko eh"
Sila lang ang tao sa kubo.
Nasa bukid si Tata at nagtatanim ng palay, kasama nito ang malaking aso nila na tumutulong rito, si Michael.
Si Michael lang ang alaga nila na pwede niyang paglaruan o laruin.
Isinasakay siya nito sa likod nito at itatakbo sa kagubatan. Ang turing sa kanya nito ay nakakakita siya, tuwang tuwa siya sa tuwing gagawin nito iyon na parang gustong sabihin na damhin niya ang lahat ng magagandang tanawin sa paligid at wag itong kalilimutan.
Ang dambuhalang aso ring ito ang naghahatid sa kanya sa bayan na aabot ng isang oras kung siya ay nagkakasakit. Hindi nito batid ang pagod, para niya na itong kapatid na minsan ay pangalawang Nana at Tata. Kulang na lang ay kausapin siya nito.
Isa rin ito sa mami-miss niya.
"Natutuwa akong marinig iyan, Nana" aniya.
Maya-maya lang ay naramdaman niya ang pagsuklay nito sa buhok niya. Kinahiligan na nito iyon, maganda raw kasi ang buhok niya na makinang na ginto. Isa pa ay gusto talaga nitong magkaroon ng anak na babae ngunit hindi daw sila biniyayaang mag-asawa.
Hindi niya man alam kung ano ang kulay na ginto ay sigurado siyang maganda iyon.
Mula sa likod ay niyakap siya nito.
"Catherine, bisitahin mo ako ha?"
Hindi niya alam kung dahil sa magkadikit sila o ano, basta rinig na rinig niya na para bang nakadikit sa tenga niya ang puso nito. Malinaw niyang naririnig ang pagtibok nito at ang may katamtamang bilis nang paghinga nito. Pati rin ang daloy ng kung anong likido sa buong katawan nito ay siya niyang naririnig.
"Nana, ilang taon ka na?' tanong niya rito.
Mahina kasi at mabagal ang daloy ng likido at ang pagtibok ng puso nito.
Napahagikgik ito sa tanong niya.
"Ano bang klaseng tanong iyan? Matanda na ang Nana mo. Diyan ka muna at ihahanda ko ang higaan mo, hapon na at kailangan mo nang magpahinga"
Sa isang iglap ay nawala na ang tunog kasabay ng pag-alis nito sa tabi niya. Pero iba naman ang nangyari.... para bang batid niya kung nasaan ito sa bahay. Para bang alam niya kung nasaan ang pader na kahoy at kung saan ang mga lugar na walang harang.
Kakaiba ang mga nangyayari sa kanya ngayong araw. Kaninang umaga ay sa loob ng dalawang segundo matapos niyang imulat ang mga mata ay nakaaninag siya. Hindi niya alam kung guni-guni niya lang iyon. Pero pano naman siya mag-i-imagine kung buong buhay niya ay balot ng kadiliman ang buong paligid? Paano siya nakaaninag ng ibang kulay o kung hindi siya nagkakamali ay sa taas siya ng bahay nakabaling kaya may posibilidad siyang kisame ang nakita niya.
Sensitibo rin ang pang-amoy niya. Pinapaliguan siya ni Nana kanina sa gilid ng balon at halos magdugo ang ilong niya sa tapang ng amoy ng sabong ginagamit nito sa kanya.
Maliban pa sa mga iyon ay natatakam siyang kumain ng karne. Gustong-gusto niya ang amoy nito lalo na kung kakainin niya na.
Mga saglit na milagrong dumadating sa kanya. Ang hiling niya naman ay ang makalakad siya kahit ilang hakbang lang. Maramdaman man lang niya ang pakiramdam ng nakatayo.
Bakit hindi?
Hindi niya na ulit maramdamam ang presensiya ng mga bagay sa paligid. Pero sigurado siyang nasa silid niya pa si Nana.
Mahigpit niyang hinawakan ang gilid ng wheelchair niya. Dahan-dahan at paunti-onti niyang tinutuwid ang mga siko kasabay ng pag-angat ng kanyang pang-upo.
I-isa pa!
Sa ilang segundo ay nagtagumpay siyang itukod ang braso para manatili siyang nakatayo.
Wala siyang maramdamang sakit sa mga paa niya kaya nagkaroon siya ng lakas ng loob na humakbang.
"I-isa.....D-dalawa..." pangalawang hakbang na iyon at kailangan niya nang bumitaw sa wheelchair upang makalakad pa ng mas malayo.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay sa pagkakatukod.
T-tagumpay!
Nakatayo siya at hindi gumagalaw upang hindi mawala sa pagkakabalanse ang katawan niya.
"Ta......T-tatlo..."
Ihahakbang niya na ang kanang paa ng makaramdam siya ng pagmamanhid. Parang nawalan ng lakas ang mga tuhod niya kaya agad itong tumiklop.
Hindi niya naabot o nakapa ang kanyang wheelchair kaya tuluyan siyang bumagsak sa lupa. Tumama ang ulo niya sa bakal ng wheelchair at nawalan siya ng malay.