Catherine opened her eyes. Bahagya pa siyang nagulat ng ibang lugar ang tumambad sa kanya. That strange dark place under the red bloody full moon is a dark forest were wild eyes are looking at her. Maybe beasts or wild animals on that forest who wants to kill her.
Pero hindi lumalabas ang mga ito sa pinagtataguan.
She looked at the upper part of the forest and saw a castle. Dark auras covered the whole of it.
Tumikhim siya bago humakbang.
Sa sulok ng puso niya ay naandon ang saya. Nakakalakad siya sa panaginip niyang iyon.
If she can walk... what about running? Is it possible?
Binilisan niya ang paghakbang na maya-maya ay patakbo na niyang ginagawa. Papasok na siya sa kagubatang iyon ng magsimulang kumaripas ng takbo ang mga matang nakikita niya sa dilim.
Naisipan niyang habulin ang mga ito.
Nakapasok na siya sa gubat. Madilim ang buong paligid pero hindi iyon naging balakid sa kanya upang hindi habulin ang mga ito.
Sa isip-isip niya ay makakaya niyang habulin ang mga iyon.
Bumuntong-hininga siya bago ibinigay ang lahat ng lakas sa pagtakbo.
Natatanaw na niya ang mga anino ng iba sa mga ito, mukhang umiiwas ito sa mga liwanag na tumatagos sa mga sanga ng puno.
Hinihingal na siya ng mawala ng tuluyan ang mga ito. Tumigil siya sa tapat ng isang mataas na bakod, ito na maaari ang palasyong nakita niya kanina.
Hindi niya pa tinutulak ang bakal na gate ng kusa itong bumukas. Mukhang hinihintay siya ng kung sino sa loob.
Iilang hakbang pa lang ang nagagawa niya ng magsimulang lumabas ulit ang mga matang iyon ng hayop kanina.
Katulad ng kanina ay marami ang mga ito.
Napatingin siya sa kalangitan at sa buwan nang biglang magbago ang kulay nito. Asul na muli ito.
Halos lumuwa ang mata niya ng makita ang anyo ng mga nagmamay-ari nang mga matang iyon kanina.
Wolves! A pack of big wolves is in front of her! All of them showed their fangs and in a minute, she's sure that they will attack and she will turn to be their meal.
One step backward. Another one and followed by another one. Lalo pa siyang nanginig sa takot ng makapang sarado at hindi mabuksan ang bakal na gate.
Hinarap niya iyon at pinilit na buksan. Pero kahit na anong yugyog o sipa ang gawin niya ay hindi ito mabuksan.
She looked back and one of them run towards her, ready to be her predator.
Wala siyang magawa kundi ang titigan ito. Hindi siya makakilos sa sobrang takot at sobrang bilis na rin ng paghinga niya.
Ilang metro na lang ang agwat nito sa kanya, napasandal siya sa bakal na gate.
Tumalon ito para dambahin siya.
Bago siya pumikit ay nakita niya ang matatalas na pangil nito at ang lawit na dila nito.
Catherine woke up. Halos langhapin niya ang lahat ng hangin sa paligid.
She's alright. Kinapa niya pa ang sarili upang makasigurado.
Umagos ang mainit-init na likido sa mga sulok ng mata niya. A nightmare.... plus this!
Nakakakita na siya!
Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng paligid. Silid niya iyon na nababalot ng kadiliman, tanging ang liwanag ay ang liwanag ng bilog na buwan sa kalangitan.
"N-nana! Tata! Asan kayo?"
Wala siyang maramdamang presensiya sa paligid maliban sa kakahuyan. May kung anong nilalang ang nasa likod ng mga puno sa labas.
Hindi niya inisip na lumingon sa bintana. Natatakot siya.
"Nana!" muling tawag niya rito.
Nag-aalala na siya sa kalagayan ng mga ito.
Kung nakakakita na siya, katulad ng sa panaginip na iyon, maaaring nakakalakad na rin siya. Itinapak niya ang mga paa sa lupa habang nakaupo sa higaang kahoy.
Bumuntong hininga siya bago tumayo. Walang kahirap-hirap.
She stepped forward, again and again. Doon lang siya napanatag na hindi siya matutumba.
"Tata! Nana! Michael!"
Lumabas siya ng kwarto at wala parin siyang nakitang anino man lang ng mga ito. Lumabas siya ng bahay.
Humanga siya saglit sa ganda ng buong paligid. Maliwanag at malamig ang simoy ng hangin. Nakarinig siya ng kaluskos sa di kalayuan sa kakahuyan.
Naisip niyang wala siyang magagawa kundi ang puntahan ito.
Maya-maya ay anino ng kung ano ang bigla-biglang sumusulpot sa mga puno. Titingnan niya bigla ngunit agad namang naglalaho. This thing is fast.
Sa di malamang dahilan ay pumikit siya. Nakiramdam sa buong paligid.
Huli ka!
Aniya at tinakbo ang lugar nito.
Isang parte ng kakahuyan na walang mga puno at mga ligaw na d**o lang ang makikita. Isang malaking aso ang nasa kabilang ibayo at nakatingin lang sa kanya.
Its silver-white fur is shining under the moonlight. Maganda ito.
"M-michael? I-ikaw ba iyan?"
Pareho kasi ito ng amoy at sa katotohanang malaki ring aso si Michael. Patagilid itong lumakad habang nakatingin lang sa kanya. Balak ata siya nitong papuntahin sa gitna upang palibutan.
Wala siyang maramdamang takot dito kaya iyon ang ginawa niya. Gumitna siya sa damuhan.
Doon niya lang nakita ang kabuuan nito. This is not a dog, it's a wolf!
"M-michael?"
Hindi naman ito nakakatakot katulad ng mga lobo sa panaginip niya pero hindi niya parin mapigilang manginig sa takot.
Maganda at mukhang mas malaki at malakas lang ito sa mga iyon pero isa parin itong lobo!
Natapos ito sa paglibot sa kanya na animoy pinag-aaralan siya. Onti-onti itong lumapit sa kanya, mukhang maingat ito sa paglapit upang hindi siya matakot.
Ngayon ay mas malaki na ang posibilidad na ang alagang si Michael nga ito.
"M-michael, halika dito. Nanibago ka siguro dahil nakakalakad at nakakatayo na ako" nakangiti na siya habang nakaupo sa sariling paa upang lumapit ito sa kanya.
Kumurap-kurap ito pagkatapos ay dinamba siya, hindi upang kagatin kundi daganan. Ganito ito kung yumakap at manglambing sa kanya.
Nakiliti siya ng dilaan nito ang pisngi niya.
Nawala ang ngiti niya sa paligid ng makaramdam ng presensiya mula sa paligid. Kung hindi siya nagkakamali ay dalawa ito, papalapit sa kanila.
Tumigil sa pagkakadagan ang alaga nilang aso at sinalubong ang mga ito.
"N-nana... Tata?" aniya ng iluwa ng kadiliman ang dalawang matanda.
Mangiyak-ngiyak na ngumiti ang mga ito sa kanya. Nilapitan niya ang mga ito at niyakap.
"Catherine, natutuwa ako at nakilala mo kami" sabi sa kanya ni Tata.
"Bakit nga po pala kayo wala sa kubo? Akala ko kung anong masama ang nangyari sa inyo"
"ah, ganuon ba? Pasensiya ka na. Siya nga pala, mukhang magkasundong-magkasundo kayo ng iyong Ama" si Nana iyon.
"Si Ama ho? Hindi ko pa ho siya nakikita" palipat-lipat niyang tinitigan ang mga ito.
"Si Michael ang Ama mo"
Hindi siya makapaniwalang tumingin sa alaga nilang aso este lobo pala.
Tahimik lang itong nakatingin sa kanya.
Hindi niya magawang matawa sa biro ng mga ito. Nagtatanong niyang muling tinitigan ang mga ito.
Lumapit ang mga ito kay Michael at pinatungan ng kumot.
Sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay nagi itong tao. Isang matipunong tao.
-------
DUMATING na ang araw na pinakahihintay ni Michael, ang gabi ng kaarawan ni Catherine. Kanina lang ay nag-aalala siyang baka hindi ito magising dahil isang araw na itong natutulog. Akala niya ay tulog lang ito hanggang matapos ang kaarawan nito. Hindi tuloy niya mapigilang isipin na napasama ang pagbagsak nito kahapon.
Pero mabuti na lang at hindi iyon nangyari. Ngayon ay sigurado na siyang taglay nito ang dugo niya... isang Werewolf. Malinaw iyon dahil maliwanag na taglay nito ang isang presensiya ng lobo, bukod roon ay ang abilidad ng kanilang lahi.
Ito siya ngayon at nagbalik sa anyong tao sa harap nito. Nangangamba siyang baka matakot ito sa kanya.
"Catherine, anak... Siya ang Ama mo" banayad siyang itinulak ni Tata sa kanyang anak.
Hindi niya magawang tumingin ng tuwid dito. Paano kung tumakbo ito palayo?
"M-michael?" narinig niya ang paghikbi nito.
Lalo siyang nanlumo.
Naramdaman niya ang malamig na palad nitong humaplos sa pisngi niya. Nabuhayan siya ng loob.
"Alam ko na kung bakit nagmamasid lang kayo saakin, pero hindi naman kayo nagmasid lang eh... nakipaglaro pa kayo sa akin, Ama"
Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Sabik na sabik na siyang ikwento ang lahat ng ito kay Elena.
Niyakap niya ang anak. Unang beses niya iyong gagawin bilang isang Ama at bilang tao.
Bumaling siya sa likod para makita ang reaksyon ng mag-asawa, nakangiti ang mga ito.
----
KABILUGAN ng buwan ngayon. Kasalukuyang hinahabol ni Aquila ang usang pinakawalan kanina sa tribo. Natutuwa siya na nadi-disappoint sa mga kasamahan. Natutuwa siya dahil siya na naman ang makakahuli ng usa at disappointed dahil sa palagi na lang siyang na nanalo.
Kailan ba magkakaroon ng kakompitensiya ang isang katulad ko?
Naisip niya ang kakaibang presensiya ni Michael sa tuwing mararamdaman niya ito. Iniisip niya na ito na ang siguradong karapat-dapat na magi niyang mortal na kakumpitensiya sa tuwing magpapaligsahan ang tribo sa paghuli ng usa.
Pero na naman, disappointed na naman siya sa lalaking iyon. Masyadong malihim at layo sa mga tao at kauri nila.
Minsan nga ay naisipan niya itong sundan sa kagubatan, gusto niyang malaman kung ano ang pinagkakaabalahan nito at ganuon na lang kalamig sa kanila.
Pero hindi siya nagtagumpay. Malakas ang pangdama nito at agad siyang natukoy. Sa isang kisap-mata ay naglaho ito na parang bula. Wala man lang siyang narinig na lagabog ng lupa dahil nagtransform ito. Ibig sabihin ay mabilis ito kahit na nasa Human Form.
Imbis na mainis ay natuwa pa siya. Walang sino man ang may kakayahang makatakas sa kanya pero hindi man lang ito nahirapan. Na-challenge siya.
Sinubukan niya itong habulin ngunit wala itong naiwang bakas.
Misteryoso ito sa pinakamisteryoso. Hanggang ngayon ay hindi niya malaman kung anong klaseng Werewolf ito. May posisyon ba ito sa konseho? Pero kung meron, ba't naman ito napadpad sa gubat ng Pilipinas eh nasa europe ang HQ ng konseho.
Kung isa ito sa mga heneral ng konseho sa Pilipinas ay dapat kilala niya ito.
Walang taga-konseho na hindi niya kilala. Sino ba siya? Well, siya lang naman ang Punong-bantay sa bansang ito.
Malamang ay hindi ito lumaki kasama ng kalahi kaya ganuon ito kalayo sa kanila, kung hindi man ay may itinatago siguro ito.
Ilang dipa na lang ang layo niya sa Usa ng makalanghap siya ng Taong-lobo sa di kalayuan. Napatigil siya at hinayaang makalayo ang Usa.
Isang taong-lobo at isang kauri na kakaiba, sigurado siyang kauri niya ang isang iyon pero may iba pa siyang nararamdaman dito. Bukod sa dalawang immortal ay may naamoy rin siyang mortal... dalawang mortal.
Naalerto siya sa pumasok sa isip niya.
Sinong pangahas na Lobo ang magtatangkang suwayin ang batas ng konseho!?
Ubod bilis siyang nagtungo sa pinanggagalingan ng mga ito. Papalapit siya ng papalapit at kahit papaano ay nagkaroon siya ng pag-asa na mapipigilan ang balak ng mga ito.
Nagbibigay ng dagdag na lakas ang bilog na buwan sa mga katulad nilang mga Lobo pero kailangan mo rin iyong kontrolin.
Kapag hindi nakontrol ang kakaibang lakas na iyon ay sasakupin nito ang buo mong pagkatao. Doon ka aaktong parang isang natural na hayop na kailangang makakain.
Lalong lumaki ang pag-asang iyon ng maaninag niya ng onti ang liwanag ng buwan sa gitna ng kagubatan at hindi maamoy ang sariwang dugo. Hindi pa ito umaatake!
Balak niyang dumiretso na roon at pigilan kaagad ang ginagawa ng mga ito.
Dalawa laban sa isa? Bring it on, sweetheart!
Tumalon siya para atakihin ang mga ito. Isang surprise attack na alam niyang ikagugulat ng mga ito.
Mabilis siya at wala sa mga katribo ang nakakapansin niyon. Para sa mga ito ay isa siyang mabilis na hangin na napadaan lang sa mga ito.
Pero hindi niya inaasahan na siya pala ang masusurpresa!
Pagtalon niya sa mga ito ay bigla ring salubong ng isa sa mga ito sa kanya. Sa ere sila nagpakitaan ng kung sino ang mas malakas.
Laking gulat niya ulit ng una siya nitong nakagat sa kaliwang-unahan ng kanyang paa at ihagis sa may kalakihang puno.
Tumalsik siya sa puno na agad na nagpatumba sa kanya. Nabalian siya. Nilingon niya ang kalaban.
Mistulang napakagaan nito na maayos na nakalapag sa lupa. Magaling ang isang ito. Napako ang atensiyon niya sa mga mortal sa gilid nito.
Dalawang matandang mortal at yakap-yakap ang kakaibang kauring babae. Mukhang takot na takot ang mga ito.
Bumalik ang atensyon niya sa kaninang kalaban niya dahil humarang ito sa mga iyon.
Is he protecting them?
Mukhang tama ang hinala niya kaya pinili niyang kumalma at bumalik sa Human Form.
Nabali ang kaliwang braso niya sa pagkakakagat nito kanina sa ere.
Strange beast.
"I'm Aquila. Ako ang pinuno ng tribong malapit dito, I wouldn't do any harm. Show yourself, my brave brother"
Mukhang nagulat ito sa itsura niya.
Dinampot nito ang isang kumot at ibinalabal sa sarili bago bumalik sa pagiging tao.
Maski siya ay nabigla.
Why on earth will I forget him?
"Michael, sino pa ba?" sinalubong niya ito na nakangiti.
"Aquila, what are you doing here?" nagkamay silang dalawa.
"Sorry about that" humingi ito ng paumanhin ng makita ang duguang braso niya.
"Don't worry, it will heal soon. Maaari niyo ba akong patuluyin muna sa inyong kubo? Kanina pa kasi ako tumatakbo, need some water" baling niya sa mag-asawa.
"O-oho. Sumunod ho kayo saakin"
Takip ng mga ito ang mata habang nakabaling sa kanya.
"You need to get dress" ngingiting sabi sa kanya ni Michael.
Nakangiti itong sumunod sa mga ito kaya sumunod na rin siya.
Bumalot ang init sa buong katawan niya.
"Is this what they call embarrassment?"
----
"So, Michael, ito pala ang inililihim mo saamin? Wala namang masama kung sumama ka sa family tree ng pamilyang ito" nakangiti parin siya.
Kasalukuyan silang nakaupo sa lamesa. Sila ni Michael at ang dalawang mag-asawa.
"Kanina, I felt your presence but not able to recognized you... aside from that, I felt her strange presence too" tinuro niya ang babaing nasa harap ng kalan at hinihipan ang baga para sa iniihaw nitong kamote.
Nagkatinginan ang mga kaharap niya sa isa't-isa.
"Siya ang tinatago mo. What's up with her for you to keep her here on the middle of nowhere?"
"Wala lang, wala pa akong masyadong tiwala sa tribo mo, Aquila. Ayokong mapahamak ang anak ko, besides, she gain her abilities as one of us a minute before you came"
"I see" naisip niya na lang na putulin ang topic na iyon.
Batid niyang hindi naman ito sasagot sa mga itatanong niya.
"You're a royal blood, Michael. Hindi mo maipagkakaila iyon saakin" sumeryoso na siya.
Nag-paalam ang mag-asawa na tutulong sa paghahain ng pagkain sa kanila.
"I'm begging you. Don't tell anyone about this"
"Mark my word. So Michael, from the royal family... who are you?"
Tiningnan muna siya nito bago sumagot.
"King"
Napatayo siya sa kinauupuan. A king!? He is the lost King!?
Bakit hindi ko naisip iyon? He possessed powerful abilities. King Michael..... no!
"Great Lord Michael. What the hell are you doing here?"
Ilang taon simula nang sumabog ang balita sa buong mundo ng mga taong-lobo ang tungkol dito. A Great Traitor! Nahulog sa kalabang lahi... mga bampira! Pero hindi isang ordinaryong bampira, isang Queen!
Hindi lang natatapos roon iyon, may anak pa silang dalawa!
Napalingon siya sa babaing nasa kalan. Ubod liksi niya itong nilapitan pero nahablot ni Michael ang braso niya bago niya ito naabot at mahawakan.
"Don't you dare touch my daughter, Aquila! I will make sure that you will not be able to see the next sunrise!" katakot-takot na babala ang narinig niya rito.
Iba na ang aura nito sa kanina. Very demonic and fearful. Ito ba ang tunay na lakas ng dating hari?
Hindi niya kayang kumalas sa pagkakahawak nito. Walang duda na makapangyarihan ito.
Bumuntong hininga ito sabay ang onti-onti nitong pagbitaw sa braso niya.
"I...I'm begging you"
Bumalik na naman ito sa pagiging kalmado.
"Ok. Makukuha mo ang partisipasyon ko sa pagtatago mo. Kung titingnan ay walang dudang isang taong-lobo ang anak mo. Is she already gained her power to transform?"
Nilingon niya ang babae. Nakita na naman niya ang takot sa mga mata nito.
"No"
"You better teach her. Ako na ang bahalang ilayo ang tribo sa lugar na ito. Pero tandaan mong hindi mo siya panghabang buhay na maitatago"
Hindi na niya hinintay ang inihahanda nitong kamote. Kinuha niya ang baso ng tubig na ibinigay nito sa kanya kanina.
Tinungga niya iyon.
"Thanks for the water. I'm leaving"