Chapter 3: Awakening Part 3

2361 Words
Masayang-masaya si Catherine na bumangon ng umagang iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na mangyayari ito. She gained strength for her to be able to walk, jump and run. Pero sobra naman ata iyon, hindi siya normal na kagaya ni Nana at Tata. Alam niya na hindi tao ang kanyang Ama pero wala naman siyang alam sa pinanggalingan nila at kung anong klaseng nilalang sila. Nahihiya siyang tanungin iyon sa kanyang Ama. Magpasalamat na lang siyang natatamasa niya ang kakayahang ito at napakalaking tulong niya na rin sa mga tagapangalaga niya hindi katulad noon. Masigla siyang bumangon sa kama at agad na humarap sa salamin ng kanyang kwarto. Nang una, kinakabahan siyang makita ang sarili niya, pero hindi na ngayon. Mangiyak-ngiyak siyang tumitig sa salamin. "Ang ganda!" Pasalamat siya dahil inaalagaan siya ni Nana at ang kanyang buhok. Alam na niya ngayon ang kulay ng ginto. Iyon ay ang kulay ng makapal at malambot niyang buhok. Matapos ang pagsusuklay ay lumabas na siya. Sigurado siya na tanging siya lang ang mag-isa sa kubong iyon. Wala siyang maramdamang ibang presensiya sa paligid. Isa rin iyon sa abilidad na niya ngayon. Masyadong sensitibo ang pakiramdam niya at kahit ang langaw o lamok kagabi ay nakikita niya, maski ang pagpagaspas ng mga pakpak ng mga ito ay naririnig niya. Hindi nga siya makatulog ng dahil doon. Buti na lang ay talagang inantok na siya ng lumalim na ang gabi.  Back to present. Pagkalabas niya sa kwarto ay agad siyang bumaba para kumain. Nakalanghap siya ng masarap na ulam. Pero mukhang hindi nanggagaling sa kusina nila ang amoy, sa labas iyon galing. Ilang milya ang layo ng mga kapit-bahay nila kaya nagtataka naman siya kung bakit may naaamoy siyang ganung kasarap na karne. Nakiramdam siya. Tatlong tao sa di kalayuan ang naramdaman niya, sigurado siyang sina Nana at Tata iyon kasama si Michael sa bukid. The second one is on their backyard. Sino naman 'yon? Umupo siya sa upuang kahoy at hinayaan na lang iyon. Mamaya ay kung sino iyon at may mangyari pang masama sa kanya. Nagtimpla siya nang kape. "Bakit naman kaya hindi nag-iwan ng ulam si Ama at sina Nana?" Wala sa loob na hinigop niya ang tinimplang kape na nagbigay sa kanya ng hindi magandang pakiramdam. Halos bumaliktad ang sikmura niya sa lasa nito. Para siyang uminom ng putik. "Pwe!" Nagduduwal na siya ng malanghap ulit ang nakakatakam na amoy ng karneng iyon. Kainis! Hindi niya na mapigilang silipin kung ano iyon, lalo pa kasing tumakam ang amoy nito. Lumabas siya ng bahay at kilos magnanakaw siyang lumapit sa likod-bahay. Walang sino man ang naroon. Disappointed siyang lumapit roon dahil naaamoy pa niya ang bakas ng karne at ng taong iyon. "Looking for this?" Isang pamilyar na mukha ang lumabas ng kakahuyan. A man with a steak on his hand while upper naked is looking at her with greedy eyes. "Pwede mo ba iyang ilayo rito? Sensitive kasi ang pang-amoy ko" iirap-irap niyang sabi rito. Kahit ito ang pangalawang taong nakita niyang may matikas na katawan ay hindi niya ito gusto. Ang hangin at ang lakas ng loob na i-display ang katawan sa harap niya. "Ang bilis mo namang makalimot at ang talas nga talaga ng pang-amoy at pakiramdam mo. Ako ito, si Aquila, kagabi lang tayo nagkita" Alam ko! Sa isip-isip niya. "Aquila? Iyong dalawang beses akong sinubukang atakihin?" sarkastikong tanong niya rito. Ito ang unang beses na kumakausap siya ng ganoon. Ito lang naman ang una niyang nakausap bukod sa mga taga-pangalaga niya at sa kanyang Ama. Natawa ito sa sinabi niya bago siya hinarap.  Matulin itong lumapit sa kanya na ilang metro na lang ang layo sa kanya. Syempre nagulat siya. "Miss, hindi kita inatake ng una tayong magkita" Still, this man is wearing those greedy eyes and now with a wide smile. Sa sobrang awkward ay napa-atras siya. Hindi siya natutuwa sa kinikilos nito. "Wala akong pakialam, umalis ka na sa bakuran namin at dalhin mo iyang mabahong karne palayo" Sa totoo lang ay halos tumulo na ang laway niya dahil mas malapit na ito sa kanya. "Mabaho? Talaga lang ha?" inilapit na nito ang karne sa mukha niya at iyon ang ikinainis niya. Hahablutin niya na sana ang braso nito ng tumaas iyon. Akala siguro nito ay aagawin niya ang karne nito. Onti na lang talaga ay hindi niya na kayang pigilan ang sarili, talagang aagawin niya na ito rito. "If you want this.... come and get it to me, sweetheart" Saglit na itinutok niya ito sa mukha niya na nagbigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Tinatanggap ng katawan niya ang hamon nito. Mabilis itong pumasok sa kakahuyan at sinundan niya naman ito. Luminga-linga siya sa paligid. Bigo siyang makita ang anino o ang presensiya nito. "Sweetheart! Up here! Try to catch me by jumping" Nababaliw na ba ito? Siya tatalon? At sa sobrang taas na puno pa? "Sa tingin mo ba ay susundin kita? Sa taas niyan ay maaabot kita?" Kasing taas na ito ng bahay nila. At imposible niyang maabot kahit na ang sanga lang na tinatapakan nito. "Akala ko ba ay kasing talino ka ng Ama mo? Kalahi ka kaya namin" Hindi niya alam kung matutuwa siya sa lalaking ito o hindi, pero isa lang ang nararamdaman niya, iyon ay gusto niya itong pipiin at tanggalan ng paa. Wala sa loob na nagtatakbo siya papunta sa punong pinagdadapuan nito at ubod lakas na tumalon. Desidido siyang kapag hindi niya ito naabot ay gigilitan niya ito ng leeg na parang manok kapag bumaba ito ng kusa, kung maabot naman niya ay ganoon din ang gagawin niya. Pero ilang metro pa ang layo nito ay bumagsak na siya. Tsk! "Nakita mo na!!!?" Napuno na siya ng makita ang pagtaas-taas ng kanang kilay nito na para bang hindi kumbinsido sa pagtalon niya. Nag-init siya sa galit. At bigla na lang dumilim ang paningin niya. ---- Nag-eenjoy si Aquila sa pang-aasar sa anak ni Michael. Tuwang-tuwa siya kung maaasar ito at mamumula ang mga tenga. Para itong strawberry kung magalit, pulang-pula. Lalo pa siguro itong naasar sa kanya o talagang napuno na ito sa kanya dahil paglingon nito ulit ay nag-iba na ang kulay ng mga mata nito. A sparkling orange eyes. At puno ito ng galit. "Goodjob, sweetheart. You accomplished the werewolf's eye, although we got yellow not orange" iiling-iling niya bago tumalon at bumaba ng sanga. Inatake kasi siya nito kaya siya umiwas. Ito naman ngayon ang nasa pwesto niya. "Can't control your powers? Let me be your tamer, sweet—." Bago niya pa matapos ang bansag niya rito ay umilag na naman siya. The most dangerous werewolves are those who cannot control themselves. Kaya kailangan niyang mag-ingat kung ayaw niyang maputulan ng hininga. Mukhang nadismaya ito ng hindi siya nito maabot, tumubo ang mahahabang kuko sa mga kamay nito.  Lalo siyang natutuwa sa mga nangyayari. Hindi niya akalaing mabilis lang niya itong mapapa-transform. Now, she transformed one-third of the full beast form. Inihagis niya sa malayo ang karneng hawak at inihanda ang sarili sa mga atake nito. Walang tigil na hampas ng mga deadly na kuko nito ang umulan sa kanya. Pero madali niya lang itong naiilagan. Tinamad siya sa ganuong akto kaya hinawakan niya ang dalawang braso nito. Bakal! Bakal ang pwedeng humalintulad sa mga braso nito na ang hirap itupi. Nawalan siya ng balanse kaya mula sa pagkakahawak ay naiangat siya nito at madaling naitapon sa isang malaking puno. Sa sobrang lakas ay halos bumaon ang katawan niya sa katawan niyon. She also enhanced her speed; she is now in front of him. Walang segundo ang lumipas ng kalmutin siya nito at halos bumaon sa dibdib niya ang mga kuko nito. "s**t! This will hurt a little" Wala sa plano niya ang maka-score ito. Bago pa siya mahiwa ng mga kuko nito ay pinitik na niya ang noo nito na nagpatilapon naman rito. Pero nakatayo parin ito bago pa ito tumama sa puno. Napangiti siya sa namumulang noo nito. "Sorry" Uncontrolled werewolf has a huge possibility that they fully transformed by running. Kaya iyon ang ginawa niya, he transformed and run. Sumunod nga ito sa kanya. Supergirl is now chasing him like a blazing fire. Tumatakbo man siya ay na rito ang atensiyon niya. Namilog ang mata niya nang makitang tumiklop ang tuhod nito na nagbabadya nang tumalon. Para itong isang eksena sa telebisyon na hindi mo dapat palagpasin. Umangat ito sa ere sabay sabog ng nakakasilaw na puting liwanag. In between the light comes down a big white wolf..... With so many tails!!! Napatigil siya sa pagtakbo at pinagmasdang maigi ang buntot nito. Not one and not two... but so many tails!! Huli na nang magbalik siya mula sa pagkabigla at pagtataka, she bit his arms and throw him on the river not far from their location. Bago siya tumilapon roon ay tatlong malalaking puno muna ang tinagusan niya. Nawalan siya ng malay na ang huling nakikita ay ang misteryosong lobo na iyon. ---- Sakit ng buong katawan at ulo ang gumising kay Catherine. Hindi siya makapaniwala sa nakita, tumba lahat ng mga puno sa paligid niya at hubo't hubad pa siya! Ang eksenang pinipilit niyang abutin sa isang sanga ang bwisit na lalaking iyon lamang ang naaalala niya. Pinagsamantalahan ba siya nito!!!!? "Diyos ko! Wag naman po sana, maawa po kayo saakin" ininda niya ang buong sakit nang katawan at tumayo. Hindi siya pwedeng mag-aksaya nang panahon at baka may makakita pa sa kanya na ganuon. Tatlong puno ang nakapagpapako ng atensyon niya. Kalbo ang paligid niya pero iba ang tatlong iyon. Hindi katulad sa paligid niya na nagkalatumbahan ang mga puno na halos mabunot ang mga ugat pero ang tatlong ito ay naputol lang. Parang may malaking bagay ang tumama sa mga ito kaya ito naputol. Dahil sa takot na baka may ginawa sila o siya na sana nga ay siya lang mag-isa ay lumapit siya sa ikatlong puno. Mula roon ay ang napisang mga d**o papuntang ilog. Sa ilog na hindi naman malalim nakita niya ang hubo't hubad na katawan ni Aquila. Napakagatlabi siya, kinakabahan na siya ngayon na baka may nangyari na hindi maganda rito. Ayaw niya naman itong lapitan dahil sa sitwasyon nilang dalawa. Malay mo bang bigla na lang itong magising at makita ang kabuuan niya? Ikamamatay niya iyon!! Naisip niyang iwan muna ito pansamantala at uuwi muna siya ng bahay at magbibihis. Hindi niya muna ipapaalam ang nangyari sa mga magulang niya. ----- Aquila woke up at the back of Catherine. Buhat-buhat siya nito at mukhang nakaya siya sa bigat niyang iyon. Malapit na sila sa kubo. "Y-you can put me down here" Tumigil ito sa paglalakad. "Gising ka na pala" Ibinaba na nga siya nito. "Pasensiya ka na sa nangyari kanina. Nawala kasi ako sa sarili eh" hinarap na siya nito nang nakayuko. Tiningnan niya ang buong katawan niya. Gumaling na ang mga sugat niya at nakatakip na rin ang katawan niya ng kumot na sumasayad pa sa lupa. "Naalala mo na ang nangyari?" tanong niya rito. "O-oo" Maski siya ay naalala rin iyon. Lalo na ang kakaibang anyo nito. "I want to talk to your father, stay here" Kurap-kurap lang ang sagot nito. "What?" "Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo? Wat-watin ko iyang mukha mo eh" Bumalik na naman ito sa pagiging mataray. Napangiti siya. "Kakausapin ko ang Ama mo" Bago makahakbang ay hinablot na nito ang braso niya. "Isusumbong mo ko no?" Matatawa ba siya? Para itong bata na nagtatanong kung isusumbong siya sa magulang sa masamang ginawa nito. "Hindi. May sasabihin lang ako sa kanya. Go to your house and make us food" He gently taps her head at mukhang nagustuhan nito iyon. Sayang dahil hindi na siya pwedeng magtagal dahil gusto niya nang makita ang reaksiyon ng Ama nito sa natuklasan niya. Mukhang mahihirapan lalo ang mga ito dahil sa kakaibang anyo ng dalaga. Hindi nito maitatagong iba ito sa kanilang lahi. ---- Nawala na ang malakas na ingay sa kakahuyan. Mukhang natapos na ang mission ni Aquila na pagtranform-in ang anak niya. Pero hindi maganda ang pinta ng mukha nito habang papalapit ito sa kinatatayuan niya. "What's wrong?" bungad na tanong niya. "You won't believe this, Michael" Sumimangot siya sa pagbibitin nito sa kwento. "We have good and bad news. The good news is your daughter was successfully transformed in her beast form" "And the bad news?" Huminga ito ng malalim bago nagsalita. "She has a different form from us" Nanlaki ang mga matang tinitigan niya ito. Masamang pangitain naman ang sumagi sa isip niya. I-is her daughter transformed into a vampire's monster form?? Maaaring mangyari iyon, hindi imposibleng mamana lang nito ang dugo niya. ---- Sinunod nga ni Catherine ang pinag-uutos ni Aquila. Nagluto nga siya ng pagkain para sa mga ito. Hindi siya pwedeng tumanggi dahil malaki ang kasalanan niya rito. Maski siya ay natakot sa itsura niya. Lalo na nang muntik na siyang makapatay! Bumilis ang halo niya sa iniluluto sa sobrang pagnanais na mawala ang lahat ng pangamba sa isip niya. Bumukas ang pinto ng kubo at iniluwa niyon ang nag-aalalang mukha ng kanyang Ama. "A-ama?" Niyakap siya nito nang mahigpit. Nag-usap sila ni Aquila gamit ang mata. Nagtatanong siya kung sinabi nito ang tungkol sa nangyari kanina. Hindi ang sagot nito sa kanya. "A-anak, I want to see your beast form" Nagsalubong ang kilay na tiningnan niya si Aquila. "A-ama, a-ayoko ho" Nabigla ito sa sinabi niya. "B-bakit?" Bakit ito nag-aalala sa kanya? May kakaiba ba sa kanya na iba sa mga ito? "Baka ho masaktan ko kayo. Muntik ko na hong mapatay si Aquila" "There is nothing to worry about, Catherine. Your father and I will be alright" Hindi niya parin binawi ang magkasalubong na kilay rito. Wala akong pakialam sa iyo! Sabi na nga niyang hindi niya ito maintindihan pero nagsasalita parin ito nang ganuong lenggwahe. "Ok. Sa labas ho tayo" Sabi niya na lang nang matapos na ang usapan. Ni hindi niya nga alam kung magagawa niya pa ulit magtransform eh. Nagpatiuna siyang lumabas. Humarap siya sa mga ito at nagfocus. Pagdilat niya ay wala naman siyang naramdamang kakaiba. "Hindi na eh" "This will work" Isang sampal ang ibinigay sa kanya ni Aquila na agad nagpainit nang ulo niya. At iyon na naman siya, parang mawawala na naman siya sa katinuan. Natakot siya kaya bago pa siya umatake ay pinigil niya na iyon. "Hindi ko kaya" Maiiyak na siya. Bakit ba gustong-gusto nang mga itong makita ulit ang anyong iyon? "Wag kang mag-alala, kaya mo iyan" Iyon lang ang sinabi sa kanya ng kanyang Ama. Nagsimula ulit siyang magpokus. This time, ang mukha ni Aquila na nang-aasar ang ikinabit niya sa isip na agad namang nagbigay galit sa kanya. Pagdilat niya ay tumalas ang mga mata niya pero mukhang kaya niya nang kontrolin iyon. "Now transform" Tumango siya sabay talikod at lumundag. Sa pangalawang pagkakataon ay nakita muli ni Aquila ang liwanag na iyon. Dumilim ang paligid ng mga segundong iyon at naging pulang buwan ang araw, nagmistulang gabi ang paligid na tanging ang pulang buwan at ang puting liwanag lang na nanggagaling kay Catherine ang nagbibigay liwanag sa paligid. Pagbagsag nito sa lupa ay isang malaking lobo ang lumabas. Maya-maya ay nagbalik sa dating itsura ang paligid. Nakatayo ito sa harap nila. Mukhang nakontrol na nito kaagad ang kapangyarihan. Pagkatapos niyon ay ang sunod-sunod na labas nang mga buntot nito. Nine-tails.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD