Chapter 4: Prophecy

2397 Words
Nahahati sa dalawa ang nararamdaman ni Catherine, Una ay ang takot sa naging reaksyon ng Ama, Pangalawa ay ang tuwa dahil matagumpay na niyang nakokontrol ang sarili sa beast form. Pagkatapos na pagkatapos ng pagpapalit anyo niya at pagbalik sa pagiging tao, nag-usap ang dalawa, ang kanyang Ama at si Aquila. Umabot rin iyon ng ilang oras bago siya ng mga ito lapitan. Gabi na at pangatlong araw na ng bilog na buwan, huling gabi na iyon na taglay nito ang full shape. "A-ama, may problema ba?" tumikhim siya bago niya sinalubong ang mga ito. Ipinatong ng kanyang Ama ang kaliwang kamay nito sa balikat niya. "Kailangan nating umalis sa lugar na ito" Para siyang lasing na hindi masyadong narinig ang sinabi nito. Tama ba ang narinig niya? Aalis sila sa lugar na iyon? Kung saan siya lumaki at itinuring na pamilya? "P-pero-" "Mauunawaan tayo ng mga tangapangalaga mo. Gusto mo bang mapahamak sila?" Tama ang sinabi nito. Wala siyang magagawa kundi ang lisanin ang lugar na iyon na hindi man lang nagpapaalam sa mga ito. "Dito muna kayo, pupunta ako sa pulong ng tribo, sasabihin ko ang lahat-lahat nang tungkol kay Catherine at sa iyo. Wag kang mag-alala, alam ng lahat ang tungkol sa propesiya" Hindi niya man alam kung ano ang propesiyang iyon at kung ano ang pinagsasabi nito ay nakasisigurado siyang mapagkakatiwalaan nila ng kanyang Ama si Aquila. Malakas ang pakiramdam niya roon. Iniwan silang dalawa nito sa harap ng bago nilang tutuluyan. Isang lumang bahay na tinatago ng mga gumagapang na ligaw na halaman. Hindi ito mapapansin ng kung sino dahil halos nakatago na ito sa mga halaman. "Ama—" "Papa, iyon na lang ang itawag mo saakin. Masyado kasing malalim ang paggamit mo ng lenggwaheng ginagamit sa lupaing ito. Pero wag kang mag-alala, ituturo ko sa iyo sa mga susunod na mga araw ang salitang romania" "Romania? Ano ho iyon?" Tumuloy na sila sa loob. Maalikabok ang buong paligid pero konting linis lang ay siguradong aaliwalas rin ito. "Romania ang lupaing pinagmulan ng ating lahi. Pero sakop na iyon ngayon ng iba pang nilalang. Pero kahit na ganuon, Romanian language parin ang pangunahing salitang ginagamit namin. Romanian ang ituturo ko saiyo, narinig mo naman kung paano iyon sabihin ni Aquila, hindi ba?" "Opo, Papa. P-papa, may problema ba saakin?" Nanatili siyang nakatayo dahil wala naman siyang maupuan dahil nga sa babad ang mga gamit sa alikabok at mukhang marurupok narin ang mga iyon, ang "Papa" naman niya ay naglilibot sa buong sala. "Walang problema sa iyo, anak" Lumabi siya upang ipakita ang hindi pagsang-ayon. Natawa sa kanya ang kanyang Ama kaya lumapit ito sa kanya. Hinimas-himas ang dulo ng baba niya sabay sabing: "Pareho kayo ng iyong Mama kung sumimangot at magpakita ng hindi pagkagusto sa isang bagay" Napansin niya ang pagkislap ng mga mata nito. Malungkot ang mga iyon. "Nu vă faceți griji, fiica mea" "Don't worry, my child" Lalong siyang lumabi kasabay ng pagsalubong ng mga kilay sa sinabi nito na agad nitong ikinahalakhak. Kahit papaano naman ay natutuwa siyang pagmasdan na tumatawa ito. Nakakagaan ng pakiramdam. ----- "Nu! Crede-ma! I will tell them to present themselves here. And I'm sure, you will believe me when you see the Nine-tailed White Wolf with your own eyes" "No! Believe me! ........" "Viceroy, ipapaalam ba natin ito sa iba? Hawak na natin ang traydor sa ating lahi!  Anong gagawin natin?" "Jolef, ang tanging maaaring gawin niyo lang ay ang manahimik at siguraduhing ang mga matataas na tauhan lang ng hukumang ito ang nakakaalam. Utos iyan mula mismo sa inyong punong-bantay at anak ng hari ng mga taong-lobo" Nagbigay galang ang mga ito sa pamamagitan ng mabagal na pagtango. "Makakaasa ba ako sa hukumang ako mismo ang nagtatag?" "Makakaasa kayo, Prinsepe Lucas" Natapos ang maikling pulong. Biglaang pulong iyon tungkol sa balitang may bampira o mga bampira ang nakarating na sa lupaing pilipinas. Ang napagkasunduan nila ay ang: *Alamin kung ano ang balak o pakay ng mga ito sa lugar. *Anong klaseng mga bampira ang mga ito. Weak or true bloods? *Ilan ang iksaktong bilang ng mga ito. Hindi niya hahayaang makuha ng mga ito ang lupain. Ang pilipinas ay isang mainam na pagtirhan ng mga kagaya nila dahil tropikal ang temperatura nito at marami pang mga kagubatan. Sa nagdaang taon simula nang mangyari ang kataksilan nang parehong pinuno, pumalit sa pwesto ni Elena ang isang bampirang ubod nang higpit na nagpakilala bilang hari. Sa maikling taon lang ay nabawi ng mga ito ang mga dating teritoryo sa Europa , paglipas ng tatlong taon ay ang buong kontinente maliban sa Sweden, Finland at ang Spain. Nasakop man nito ang lupaing pinagmulan ng kanilang lahi ay hindi naman nagpatalo ang mga uri nila. Nagkalat sila hindi lang sa europa, maging sa kontinente ng asya lalong-lalo na sa timog-silangan na makakakuha ng mga pampalasa na kalaunan ay ginawa ng kabilang panig. Masasabi niyang hindi katulad ng pinalitang hari ang pamamalakad ng kanyang Ama, pero sino pa ba ang may kakayahan at karapatang mamuno? Bukod kay Michael na wala namang mga kapatid at magulang o kamag-anak man lang ay sila lang ang royal blood. Hinid niya naman masisisi ang kanyang Ama dahil ang gusto nito noon pa ay ang tahimik na buhay, wala itong balak na maging pinuno o ang maging hari. Pwede naman siya ang mamuno ngunit hindi pa siya ganuon kabihasa sa posisyong iyon. Nasa ilalim pa siya nang pagsasanay bilang isang pinuno sa pamamagitan ng pagtalaga bilang Viceroy ng Pilipinas. Bilang Royal Blood at Pinuno, alam niya ang tungkol sa propesiya na sinasaad ng librong Lucronomus, ang sagradong libro ng paniniwala at propesiya ng kanilang lahi. Ayon rito, ang puting lobo na taglay ang siyam na buntot na kasing liwanag ng buwan ang unang taong-lobong isinilang sa mundong ginagalawan nila, mula sa lahi ng mga mortal na pinalakas ng galit at poot ng mga ito sa mga halimaw-- ang mga bampira. Sa muling pagkabuhay nito o reincarnation, magdadala ito ng parehong pagbabago hindi lang sa mga taong-lobo at bampira kundi pati rin sa mga mortal. Dahil sa nabuo ito at muling isinilang sa pamamagitan ng wagas o tunay na pagmamahal at hindi sa galit na nangyari noon, malaki ang posibilidad na maghatid ito ng magandang pangyayari. Ang unang puting lobong iyon ang naging dahilan nang pagkasilang ng kanilang lahi, ngunit muntik rin nitong tapusin iyon. Ang katangian nito'y pangil na lason sa mga bampira at apoy na susunog sa kanilang mga balat. Ngunit kung siya ang tatanungin, hindi masama ang pagdating ni Catherine sa mundo nila. Wala siyang maisip na ikalalagay nito sa sitwasyon kung saan ang siguradong katapusan nila. Pinalaki siya nang mga mortal at pinuno ng pagmamahal, kabaligtaran sa unang lobo na puro kasamaan ang itinanim sa utak at naging panganib sa kanila. Nakarating na siya sa tinutuluyang tahanan nang mga ito nang wala sa oras. Agad na lumabas si Michael. "Ano ang balita?" "Gustong makita nang aking mga konsehal ang Dating Hari at ang anak nitong sinasabi ng propesiya" "Paano ako makasisiguradong hindi ito isang patibong?" "Kung isa man itong patibong, madali mong mapupuksa ang buong tribo kahit wala ang tulong ni Catherine" Mukhang sumang-ayon ito sa sinabi niya. ---- "Papa, saan tayo pupunta? Malalim na po ang gabi?" Kinakabahan na siya sa mga kinikilos nang dalawang ito. Paano ba naman kasi ay sa lalim na nang gabi ay naglalakad pa sila sa kagubatan na tanging pakiramdam lang nila ang nagbibigay kasiguraduhan kung ligtas ba ang tinatahak nila, dagdagan pa nang pagmamadali nang mga ito. "Pupunta tayo sa mga kalahi natin" Hindi man lang siya nilingon nito. "Ang akala ko ba galit sila saatin?" "Saakin lang, hindi saiyo. Wag kang mag-alala, Papa will protect you" Iyon na naman, hindi na naman niya maintindihan ang sinasabi nito. Maya-maya lang ay pinayuko siya nito. Para silang manghuhuli nang hayop sa ginagawa nila. Nakatago sa halamanan at pinagmamasdan ang galaw nang kalaban. Kakaiba ang pakiramdam niya sa mga taong iyon, hindi katulad nang mga tagapangalaga niya. Mas malakas ang t***k ng puso ng mga ito na batid niyang triple ang lakas na taglay kaysa sa normal niya lang na nararamdaman sa mga mortal. "P-papa, sino sila?" Halos pabulong na niyang tanong rito. Maski si Aquila ay hindi siya pinapansin. Pero maya-maya lamang ay tumayo na ito mula sa pagkakatago. Walang takot o pangambang hinarap ni nito ang mga kalalakihan. "Pinuno? Anong ginagawa niyo rito?" gulat na tanong nang isang walang pang-itaas. "Kontrolin niyo ang sarili niyo, dala ko na ang mag-ama" Sa sinabing iyon nang lalaking ito, nagkaroon nang alerto sa pagkilos ang mga ito. Pinakiramdaman ang buong paligid at maya-maya lamang ay sa lugar na pinagtataguan na nila ito nakatingin. Marahas nilang ibinuka ang mga kamay at matutulis na mga kuko ang bigla na lang tumubo sa mga dulo nang mga daliri nang mga ito. Parang katulad nang kanya at nang kanyang Ama. "P-pa—" "Halika na" Hinawakan siya nito sa kamay at itinayo. Lalong umalerto ang mga ito na nasa anim ang bilang. Nakapangingilabot na mga pangil ang lumabas sa mga bibig ng mga ito. Dilaw na mga mata na nagbabadyang patayin sila. "Huminahon kayo! Dadalhin ko sila sa loob. Wag kayong gagawa nang kahit na anong hindi maganda, naiintindihan niyo?" Marahas na utos at tanong iyon mula kay Aquila ngunit wala man lang kahit na isa sa mga ito ang nag-abalang sagutin iyon. Nagsimula silang maglakad papasok sa isang kubo na hindi makita ang nasa loob. Mukhang panakip lang ang kubong iyon. Hanggang sa pagpasok nila ay hindi tumitigil sa pag-angil ang mga kalalakihang iyon. Pero sigurado siyang ligtas siya dahil na rin sa naandun si Aquila at ang kanyang Ama na hindi man lang natitinag sa mga ito. Ano naman kaya ang ginawa ni Papa upang magalit sa kanya ang mga kalahi niya? Isang palaisipan iyon sa kanya na hanggang ngayon ay hindi pa niya alam ang kasagutan. Sa gabing ito niya kaya malalaman ang lahat? Ang tungkol sa lihim nang kanyang Ama at sa kung saan ang kanyang Ina. Sa kadiliman nang pasilyo, nasilaw siya sa liwanag na nang gagaling sa loob nang malaking pinto. Bumugad kaagad sa kanila ang mahabang lamesa na natatakluban nang pulang tela. Marami ring mga upuan sa paligid nito at tanging mga apoy lang sa pader ang nagsisilbing liwanag. Sa tagal nilang naandito, kung sino-sino na ang nakakaharap at nakakasalubong nila sa pasilyo ngunit ngayon  niya lang nakitang umalerto ang kanyang Ama. "Aquila! Anong ibig sabihin nito!?" Madiin ang boses habang takip siya ng katawan ng kanyang Ama. Sunod-sunod na lumabas ang mga tao sa isang pintuan suot-suot ang may kahabaang tela na abot na talampakan, kasing katulad ito nang isinusuot nang mga pari sa simbahan na nakita niya sa mga libro sa bahay na tinuluyan niya kanina. Ang pinagkaiba lang ay biyoleta ito at ang nagsisilbing nakasabit sa batok nito ay pula, sa likod ang nakaukit na buwan. Edukado't edukada ang pagkilos nang mga ito, hindi nawawala ang poise kahit na matatalas na nakatingin sa lugar nila at nagliliwanag ang dilaw na mga mata. Nasa mga sariling posisyon na ang mga ito sa mahabang lamesa nang magsimulang maglakad si Aquila para saluhan ang mga ito. Sa harap mismo sa dulo nang lamesa ito naka-upo. "Ako ang Viceroy nang lupaing ito. Ito ang aking sariling konseho, iba pa ang tribo sa may bayan" "Nagpanggap ka na walang alam sa konseho!? Umanib ka sa tribong iyon upang hindi kita mahalata?" galit parin ang tono ng kanyang Ama pero hindi iniiba ang posisyon. "Wala pa kayo sa lugar na ito, iyon na ang ginagawa ko. Hindi ko kayo niloloko" "Kung ganon, ano ang ibig sabihin nito? Narinig ko na kung sino ang makakahuli saakin at sa aking anak ay gagantimpalaan nang bagong hari, hindi ba?" sarkastikong tanong nang kanyang ama. Tinitingnan lang sila nang ibang mga tao sa loob nang kwartong iyon. "Ako si Lucas, anak nang bagong pinuno nang ating lahi. Hindi k—" Bago pa matapos ang sasabihin nito ay sinakal na ito nang kanyang Ama. Hindi lang siya, pati ang mga tao roon ay nagulat din sa bilis nang kanyang Ama. "Michael, bitiwan mo ang prinsepe! Wag mo nang dagdagan ang—" Napakatalim na mata ang ipinukaw nito sa nagsalita. "Walang-hiya ka! Ang lakas nang loob mong lokohin ako!" anito kay Aquila na Lucas pala ang tunay na pangalan. "H-hindi k-kita n-niloloko! Ang konsehong ito ay kakampi mo!" Nakita niya kung paano namilog ang mata nang kanyang ama na alam niyang nagulat sa sinabi nito. "At ano naman ang dahilan kung bakit kayo kakampi saakin?" Tinanggal ni ama ang pagkakasakal sa leeg nito. "Si Catherine, ang anak mo ang tinutukoy nang libro, ang sagradong libro! Paano mo nakalimutan ang bagay na iyon?" Nagtataka naman itong tumingin sa kanya. "Gusto naming makasigurado na taglay nga nang babaing ito ang siyam na buntot. Malaking gulo ang gagawin namin kung kakalabanin namin ang hari" ayon ito sa lalaking may katandaan na. Nakatayo pa ang mga ito at mukhang walang balak na umupo. "Sa labas tayo para makita nang lahat" Wala mang sumang-ayon ay kumilos na ang bawat isa. Ang kanyang ama ay hinila siya upang magpati-una. "Gawin mo lang ang pagpapalit, anak. Ipakita mo sa kanila ang anyo mo" nag-aalalang hinimas-himas nito ang buhok niya. "Paano kung matakot rin sila saakin, Papa?" "Hindi iyon mangyayari, anak" Nag-aalalang tingin lang ang ipinukol niya rito. "Papa's here'" Papa lang ang naintindihan niya sa sinabi nito. Luminga-linga siya sa paligid at pawang mga matang nakakatakot ang nakapukol sa kanya. Paano ba siya makaka-concentrate nang maayos kung ganito ang nasa paligid niya? Umatras ang kanyang ama at tumango ito bilang signal na wag siyang mag-alala at oras na! Pumikit siya at pagdilat niya ay tumalas na ang paningin niya. Tumalon siya sa ere at iyon! Nakapagpalit siya nang walang kahirap-hirap. ---- Gulat ang nakikitang reaksyon ni Lucas sa mga kasamahan habang nakatingala sa nagliliwanag na katawan ni Catherine. Pagbagsak nito sa lupa ang siyang labas nang mga buntot nito sa likod. Napakaganda nito sa gabing iyon. "S-siya nga!" Narinig niyang kompirmasyon nang isa sa mga ito. "Teka! Hindi lang ang anyo ang dapat nating bigyan nang batayan... ang lobong may siyam na buntot ay makapangyarihan, ang lobong iyan ba ay makapangyarihan?" Matapang ito sa pagsabi niyon. "Kung ganuon, subukan mo mismo nang malaman mo" aniya rito. Nawala ang tapang nito sa katawan ngunit nagbalik rin naman, maaaring inisip nito na baka ito mapahiya kaya humakbang ito papalapit kay Catherine. "Catherine! Susubukan niya ang lakas mo, ilampaso mo siya!" sigaw niya sa dalaga. Mula sa pag-abante, umatras ito nang tatlong beses sabay takbo papalapit rito at talon. Sa ere ito nagtransform. A white big wolf tries to take the spotlight on the first one. Sumugod ito, sa unang pag-atake palang nito ay nakailag na si Catherine at inatake ito gamit ang matatalas nitong kuko. Tumama ito sa mukha nang matapang niyang mandirigma. Sa bilis nang dalaga ay nasakmal nito ito sa leeg at hinagis na parang patay na hayop sa di kalayuan. Sa pagkabagsak nito sa lupa ang siya namang pagbalik nito sa pagiging tao. Binalutan ito agad nang tela. "Ngayon, sino pa sa inyo ang hindi naniniwala? Lumapit lang at subukan niyo ang lakas niya. Kahit na ako ay nasubukan ang pagkatalo sa kanya. Hindi lang ganyang layo ang ginawa niya saakin. Tatlong puno pa ang nabali  bago ako matigil sa pagtalsik" Napangiti sila ni Michael nang makita ang itsura nang mga ito. Halos takot itong tumingin sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD