Chapter 5: A Vampire encounter!

2319 Words
Pagkatapos ng gabi kung saan sa wakas ay ipinakilala na ni Michael sa kanyang mga kalahi ang kanyang anak na si Catherine ay masasabi na nilang nakakaranas na sila nang tunay na kapayapaan. Maaari niya nang isama si Catherine sa bayan, ang tanging hindi lang nila pwedeng gawin ay pumasok sa konseho at gumawa nang mga bagay na kakaiba at paghihinalaan ng mga ito. Kahit na anong mangyari ay isang malaking traydor parin ang tingin ng mga ito sa kanya. Pero hindi naman lahat. Nang inanunsiyo nang konseho sa buong bayan ang tungkol sa kanila ay inakala niyang magiging mas mahirap ang lahat pero hindi pala. Nahati sa dalawa ang bayan. Mga kalahing ayaw sa kanila at mga kalahing pabor sa kanila. Ang mga kalahing ayaw sa kanila ay iyong mga Taong-lobo na medyo bata-bata pa. Mga binata't dalaga o mga kalahing bago pa lang sa mundo nila at walang masyadong alam sa gobyernong kanyang pinamunuan noon. Sa madaling salita ay ang mga ito ang tanging sa chismis o sa mga sabi-sabi lamang narinig ang mga ginawa niya. Syempre, kung narinig nila ang balita sa mga kalahing ayaw sa kanya, hindi ba't edited na nila ito? Sa ibang dako naman, ang mga nakatatanda o mga may edad na. Dahil simple lang, kilala nila siya bilang isang hari, buhay naman na ang mga ito nang mamuno siya at alam ng mga ito kung paano siya mamuno. Aminado siyang isa nga siyang traydor sa kanilang lahi, pero nagi siyang mabuting pinuno sa loob nang 120 years. 130 years na siyang nabubuhay at halos ibigay na niya ang kanyang sarili sa mga ito. Napakabata niyang maituturing sa 10 taong gulang ngunit wala siyang magagawa kundi ang saluin ang iniwang trono ng Ama. Namatay ito sa pakikidigma laban sa mga bampira. Patas ang resulta noon. Parehong namatay ang kanya-kanyang pinuno. Sa loob nang 120 years ay umangat ang kanilang lahi at nagtamasa sila nang katahimikan. Pero dahil lamang sa ginawa niya ay itinapon lang iyon nang mga kalahi niya na para bang kupas na damit na itatapon na dahil may mas maganda naman itong masusuot. Pero naiintindihan niya naman ang mga ito dahil ang batas ay batas. Masaya na siya dahil ligtas na sila nang kanyang anak. ----- Isang napakaaliwalas na panahon ang ngayo'y natatamasa ni Catherine. Ang malamig na hangin na dumadampi sa mukha niya, mga mababangong bulaklak sa paligid niya. "Hayyy, sana ganito na lang palagi" Ibinagsak niya ang katawan sa malambot na damuhan. "Mukhang imposible ata ang sinabi mo, Catherine" Nagtatanong na nilingon niya si Lucas. "Ano namang imposible sa isang tahimik na buhay?" "Malalaman mo rin balang araw. Hindi mo pa kasi nakikita ang tunay na mukha ng mundong ginagalawan natin" Tumayo siya sa pagkakahiga at ipinagpag ang damit. "Umuwi na tayo. Magluluto pa kasi ako nang tanghalian ni Ama" Tumingin muna ito sa kanya bago siya nito sundin sa paglakad. Ito ang mismong naatasang magbantay sa kanya. Natatakot sa kanya ang mga guwardiya at ang tanging may lakas lang nang loob ay walang iba kundi ang taong ito. Mabuti na rin iyon para sa kanya, at least kilala niya ang kasama niya. Ang pinagkasunduan pa naman ay babantayan siya magdamag. Sa walang imikan at sa tahimik nang buong paligid ay mukhang may kaluskos siyang narinig sa di kalayuan. "L-lucas...." "Wag kang gagalaw...." Mukhang ito rin ay nakaramdam. Ang mga kaninang kaluskos ay nauwi sa mga yabag.. Mga paang tumatama sa damuhan... Mabilis ang pagkilos nang mga ito na sigurado niya ay papunta sa mismong kinatatayuan nila. Napatingin siya nang bigla na lang humaba ang mga kuko sa mga kamay ng binata at humanda sa kung sino mang nilalang na paparating. "Isa.... dalawa..... tatlo.... Apat! Lucas, apat sila!" "Shhhh... wag kang masyadong maingay.... hindi ko malaman kung anong uri sila" "A-anong ibig mong sabihin? Na hindi mo alam kung taga-bayan sila o hindi?" Tango lamang ang isinagot nito. Napalunok siya pero naisip niya na kailangan niya ring maghanda. Maski siya ay hindi alam kung sino ang paparating. Ilang dipa na lang ang layo nang mga ito at kahit papaano ay natatanaw na niya ang mga ito. "Cat, magtago ka muna... bilis!" "P-pe—" Hindi na niya nagawang tapusin ang sasabihin dahil sa mismong harap nila ay huminto ang apat na nilalang na iyon. Mapupulang mga mata, mapuputlang mga balat at dalawang pares ng pangil ang nakalabas sa mga bibig nito. Sigurado siyang ngayon niya lang nakita ang mga ito. "Hindi ko akalaing mahahanap niyo nang ganuon kadali ang kuta namin" matapang na sabi ni Lucas sa mga ito. Nasa likod siya nito, ramdam niya ang kakaibang init sa katawan nang binata. "Ang sabi ko naman sa inyo ay wag niyo kaming mamaliitin, prinsepe Lucas" nakangising sagot nang isa sa mga ito. "Ang babaing nasa likod mo ang kailangan namin. Kung ayaw mong masaktan ay maayos mo na lang siyang ibigay saakin" Ang isang ito ang may mas kakaibang aura sa tatlong kasama nito... marahil ay ito ang kanilang pinuno. "Nakakagulat naman na lumabas ka sa lungga mo, Allen" mukhang naghahamong wika ni lucas rito. Naguguluhan siya sa mga pangyayari, sino ba ang mga ito? "Tapusin niyo na siya" utos ng nilalang na nagngangalang Allen sa tatlo nitong kasama. Umatras ito nang kaunti at maya-maya ay mabilis na sumugod ang tatlo sa kanila. "Lucas!" Kumbinsido siya na mabilis nga ang mga ito... pero walang tatalo sa bilis ni Lucas. Hindi niya makita nang maayos ang mga ginagawa nang mga ito dahil sa sobrang bilis nang mga ito. Maya-maya ay ibinaon ni Lucas ang kanang kamay nito sa leeg nang isa sa mga ito at paghugot ay sariwang dugo na mistulang fountain ang lumabas sa leeg nito. Tumigas iyon na parang isang ruby hanggang ang buong katawan nito ay maging bato at mabasag. Ang sumunod ay binaon ulit nito ang kamay sa dibdib ng kalaban at dinukot ang tumitibok pa nitong puso. Parang gelatin lang itong dinurog ni Lucas. Napatuptop siya sa bibig... hindi niya kaya ang nakikita. Umatake ang huli ngunit nailagan lang ito ni Lucas at parang walang kahirap-hirap nitong hinugot ang ulo nito sa katawan. Sa huli, ang tatlong sumugod kanina ay pare-parehong naging batong ruby ang mga katawan. "Weak bloods?" Ibinato ni Lucas ang batong ulo nang lalake kanina sa mismong kinatatayuan ni Allen. Ito na lang ngayon ang mag-isa. Bago pa ito tumama sa lalaki ay nawala na ito sa pwesto. "A-ang bilis" aniya. Mismong si Lucas ay nagulat, nasa harap na niya ito at ilang dipa lang ang layo nang mga mukha nang dalawa. "Lumayas ka sa dadaanan ko!" sabay sa huling salita nito ay ang simpleng pitik nito sa noo ni Lucas. Parang isang magaang bagay lang na tumilapon ang binata sa simpleng pitik na iyon. Pero nakabawi si Lucas bago pa ito tumama sa malaking puno. Agad itong nagtransform at tumapak sa puno upang sumugod. A giant wolf is attacking this man. Now, what will he do? Saktong sasakmalin na ito ni Lucas ng hawakan nito ang ibabang bunganga nito at walang kahirap-hirap na pinaikot ito sa ere at itapon sa kabilang dako. "L-lucas!!!" Tumakbo siya palapit sa pinagbagsakan nito. Knockout ito. "L-lucas... gumising ka!" Napalingon siya sa Allen na iyon. Wala na ang mapulang mata nito at nagbalik na sa normal na itim na kulay nito. Wala na rin ang pangil nito, wala siyang mabasa sa ekspresyon sa mukha nito. Blangko ang lahat nang iyon. Hahakbang sana ito papunta sa kanya ngunit natigilan ito sa pag-aliwalas nang kalangitan. Unti-unting sumabog sa buong kagubatan ang liwanag ng araw na ikinasimangot nang mukha nito. "Tsk!" narinig niya mula rito. Humakbang ito palayo hanggang sa mawala sa paningin niya katulad ng kadiliman sa kagubatan. Naiwan silang dalawa ni Lucas... wala itong malay. ----- "Catherine, ano'ng nangyari rito?" Agad na bungad na tanong ni Konsehal Lorando sa kanya. Agad na dinala niya si Lucas sa pinakamalapit na pagamutan sa bayan. Ok na ito at hindi naman daw malala ang mga sugat nito. Napalakas lang daw ang pagkatama nang ulo nito sa matigas na bagay kaya ito nawalan nang malay. "K-konsehal... M-may umatake kasi saamin...—" "Sino? Sino ang maglalakas ng loob na umatake sa prinsepe at sa isang katulad mo?" "Apat na nilalang... m-may mga pulang mata... at pangi—" "Bampira!" Narinig rin ito nang ibang mga Taong-lobo sa loob nang kwarto na iyon. Nagkaroon nang bulong-bulungan. Malinaw niyang naririnig ang mga ito. "Bampira! Umabot na ang mga iyon sa lugar  na ito!!?" "Sinong bampira ang may kakayahang gumawa niyan kay Prinsepe?" "Hindi kaya gumagawa lang siya nang kwento?" "Imposible! Wala siyang alam tungkol sa mga bampira.... totoo ang mga sinabi niya!" Napatakip siya ng tenga sa sobrang dami ng boses na naririnig niya. Catherine! "Catherine!" Mabibigat na kamay ang pumatong sa balikat niya na nagbalik sa kanya sa katinuan. "P-papa..." Napayakap siya rito at nag-iiyak. Bakit niya naririnig ang mga iyon...... Bakit pati ang iniisip nang mga ito ay naririnig niya? "Inatake sila ng mga bampira... mukhang alam nila ang tungkol sa propesiya....o sadyang natunton nila ang anak mo?" "Totoo ba iyon anak?" Tango lang ang isinagot niya rito. "Kailangan namin ang impormasyong hawak niya ukol rito.  Dadalhin ko siya sa konseho" "Lorando, sasama ako" Nagsalubong ang kilay nang lalaki. "Hindi ka pinahihintulutang pumasok sa kwarto nang pinagpupulungan, sa labas ka—" "Pabor na ako doon" ---- Para sa mga katulad niya... ang ganitong uri nang panahon ang pinaka-ayaw niya. Mainit ang araw... masakit sa balat at ang higit sa lahat masilaw. Nanlalabo ang paningin niya dahil dito. Isang mayabong na puno nang mangga ang nagbigay sa kanya nang pag-asa na maligtas sa araw. "S-salamat" aniya na pinasasalamatan ang puno ng mangga. Hinihingal na sumandal siya sa katawan nito at napatingin sa mga mahahabang dahon nito. Napansin niya ang mga bunga nito kaya kumuha siya nang isa. Binalatan niya iyon at tinikman. "Ang sarap.... hindi ko akalaing imbis na dugo ay ito ang kakainin ko" Kailangan niyang lagyan nang laman ang sikmura niya kung ayaw niyang mamatay sa gutom. Hindi man tatanggapin nang katawan niya ang prutas, kahit papaano naman ay makakabawi siya nang lakas. Kailangan niyang makapag-ipon nang lakas upang kahit man lang mga ligaw na hayop ay mahuli niya. Napatingin siya sa kanang kamay. Walang tigil parin ito sa pagdugo. "Ang lobong iyon talaga.. kahit kailan ay sakit sa ulo" Hindi niya magalaw ang kamay dahil sa bawat kaonting galaw niya rito ay isang matinding sakit ang kapalit. Hindi niya dapat ginawa ang pagpapaikot kay Lucas sa ere... iyon tuloy at nasugatan siya sa mga ngipin nito kanina. Kung umilag lang sana siya ay hindi siya manghihina ngayon. Habang naglalaban sila kanina ni Lucas ay nakikita niya ang mukha nang babaeng kasama nito. Pag-aalala ang nababasa niya sa mukha nito. Kakaiba ang presensiya nito na hindi na nakakagulat sa isang mixed blood. "Cat" naalala niyang tawag ni Lucas rito. Pumapangit na ang kamay niya... naglalabasan na ang ugat niya at nagiging kulay violet na rin ito.. nagsisimula nang kumalat ang lason. Dito na ba siya mamamatay? "Ela..." Pagkatapos niyon ay nawalan na siya nang malay. ----- "Catherine, ang laman nang propesiya. Sabihin mo saamin ang lahat-lahat nang nangyari" Kanina ay dinala siya sa konseho... ngayon naman ay sa isang hukuman. Nasa harap na niya ngayon ang matataas ang katungkulang mga taong-lobo. Mga konsehal  na halos lahat ay matatanda na. "A-apat na b-bampira po ang umatake saamin" "Sigurado ka bang bampira ang mga iyon?" tanong sa kanya nang isa sa mga ito. "O-opo. Ngayon ko lang naramdaman ang presensiya nila, konsehal" "Prinsesa, may binanggit ba silang kahit na anong pangalan? Kung nag-usap sila?" isang matandang konsehal na mahaba ang balbas ang nagtanong sa kanya. "Ginoong Topacio, ang titulong prinsesa ay hindi maaaring sabihin sa kahit na sino.. lalo na sa babaeng ito" as usual ay si Konsehal Lorando ang nagsalita. Sa lahat nang konsehal ay ito ang pinakabata, ito rin ang pinakamasungit sa kanilang mag-ama. "Bakit hindi? Anak parin siya ng dating haring Michael, Lorando. Palibhasa ay wala kang masyadong alam sa kasaysayan nang ating lahi... Kung hindi dahil sa traydor na si Michael ay alila parin tayo ngayon nang mga bampirang iyon!" singit nang isa pang matandang konsehal. "Pakiusap Lorando at Asuncion, hindi ito ang oras para magtalo. Catherine, may pangalan ka bang narinig sa apat na bampirang iyon?" tanong nang isa. "M-meron po. Si Lucas po mismo ang nagsabi.. mukhang kilala niya ang isa sa mga ito" "Anong pangalan?" "Allen po" Pagkatapos niyang banggitin ang pangalang iyon ay natahimik ang buong hukuman... lahat ay nabigla sa sinabi niya. Sino ba ang Allen na iyon? At ano ang mga bampira? "S-sinasabi ko na nga ba.... ang pak—" "Lorando! Magtigil ka!" tumaas ang boses nang matandang konsehal rito. "Prinsesa, maaari ka nang umalis. Gusto ko sanang tawagin mo naman ang iyong Ama sa labas, may mga sasabihin lang kami sa kanya AT pakiusap, wag mong gagamitin ang abilidad mo upang makinig saamin" "M-masusunod po" Agad niyang tinungo ang pinto at pinagbuksan naman siya agad nang mga guwardiya. Nakita niya agad ang Ama sa may gilid nang pasilyo at nakasilip sa bintana. "Papa, tapos na po ang pag-uusap. Kayo naman po ang gusto nilang makausap" "Sige, anak. Mapapagabi ang uwi ko, mauna ka na lang kumain. Ihahatid ka nang kaibigan ko pauwi" Napalingon siya sa pasilyo at may nakita siyang matanda roon. "Pako, ikaw na ang bahala sa anak ko" "Masusunod kamahalan" Pagkatapos niyon ay humakbang na ang kanyang Ama papasok. "Prinsesa, halina kayo?" "O-opo" ----- "Kung ganuon po ay isa kayo sa mga Knight ni Papa noon?" "Tama kayo prinsesa" "Ang swerte niyo dahil umabot kayo sa ganyang edad" Natawa ang matanda sa sinabi niya. Kasalukuyan sila ngayong naglalakad pauwi sa bahay nila. "Kung hindi sa paulit-ulit na pagligtas saakin nang iyong Lolo at Ama ay siguradong wala na ako ngayon dito" "Bakit po ba galit ang lahi saamin ni Papa? May nagawa ba kaming masama?" "Hindi naman. Ang mga baguhan lang ang nagagalit sa iyong Ama dahil ang tanging pinaniniwalaan lang nila ay ang naririnig nila... hindi naman nila kilala ang iyong Ama" "Tama po kayo. May isa pa po akong tanong... ano po ba ang mga bampira? Pansin ko lang po, bakit iba po a—" "Prinsesa, narito na tayo sa bahay niyo. Kailangan niyo nang magpahinga. Hindi naging maganda ang araw na ito sa inyo" "P-pero..." "Isara niyo pong maigi ang mga bintana at pinto... Maiwan ko na po kayo" Nawala na ito nang parang bula sa harap niya. Mukhang hindi nito gustong sagutin ang mga tanong niya. Malaki talaga ang hinala niya na may tinatago sa kanya ang lahat nang mga tao rito. Mga bampira.... Isasara niya na sana ang pinto nang makaamoy siya sa hangin... ng dugo. "Mang Pako?" Nagmamadaling pinuntahan niya ang pinanggagalingan nang amoy na iyon. Sa madilim na bahagi nang gubat ay naaninag niya ang dalawang pares ng pulang liwanag. Luminaw pa ang paligid dahil na rin sa buwan. Iniluwa nang kadiliman ang pamilyar na bampira sa kanya. Sa itsura nito ay hinang-hina ito. Pawis na pawis at maliit na rin ang mga singkit na mata nito. Nakatukod ang kamay nito sa puno pero hindi na nito nakayanan. Natumba na ito. Ngayon... ano na ang gagawin niya? "Allen...."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD