Chapter 6: A Chained Queen

2177 Words
Hindi alam ni Catherine kung tama ba ang ginagawa niya.... tama bang tulungan niya ang nilalang na ito? Pero wala siyang magagawa.... naandito na nga't pinupunasan niya na ang katawan nito. Hindi niya alam na tinatablan rin pala nang lagnat ang mga ganitong klase ng nilalang na parang kanina lang ay nagyeyelo sa lamig ang balat. "Mmmmm Mmmm" Kanina parin ito umuungol. Waring masama ang panaginip. Ang tanging dahilan niya lang kung bakit niya ito tinulungan ay dahil hindi siya pinalaki nang mga kumupkop sa kanya na basta na lang iwanan ang isang taong nangangailangan. At sa case nila... hindi tao ang tinutulungan niya... what's more is that he is their enemy. Napabuga siya nang bongga sa naisip. Hindi pa ganuon kaganda ang imahe nila nang kanyang Ama sa mga kalahi nila pero gumawa na siya ng bagay na ikagagalit nang mga ito. Ama, patawarin niyo po ako. Inalalayan niya itong umupo. Balak niya kasing punasan ang buong katawan nito nang basang damit. Tutal naman ay gising na ito. "Tatanggalin ko ang damit mo... pupunasan ko ang likod mo" paalam niya rito. "B-...bakit-..." "Wag ka nang magsalita..." Walang ano-ano ay itinaas niya na ang t-shirt nito. Kung ikukumpara ang katawan nito sa katawan ni Lucas... mas malaki ang katawan ni Lucas dito. Oo nga't payat ito pero may mga muscle naman din ito... hindi lang ganuon kalaki na katulad kay Lucas. "Kanina mo pa tinatago iyang kamay mo... akin na" Hinintay niya itong sundin siya pero lalo lang nitong ikinubli sa likod ang kamay. "Akin na... wala kang magagawa ngayon dahil nanghihina ka" Kinuha niya ang braso nito na agad namang nagpa-aray rito. "S-sorr—" "Diyos ko! Ano'ng nangyari dito?" Nakita niya ang naglalakihang mga ugat sa kamay nito at pag-iiba nang kulay ng balat nito. "Kailangang magamot iyan... wag kang mag-alala, may mga halamang gamot kami" Agad siyang pumunta sa kusina at nagkudkod nang mga halamang-gamot roon. Nang matapos ay agad niyang binalikan ito sa kwarto. "Wag kang magalaw at ilalagay ko ito sa sugat mo.... mukhang naimpeksyon ka sa pagkakasugat sa mga pangil ni Lucas kanina" aniya habang nilalagyan nang gamot ang sugat nito. "Uminom ka nang tubig" Kinuha niya ang baso nang tubig at ipapainum na sana ito rito nang pigilan siya nito. "Wa--..." katulad nang kanina ay hindi nito makumpleto ang sasabihin. "Namumutla na ang labi mo... kailangan mong uminom nang tubig at kung hindi ay lalo kang hindi gagaling niyan" Kahit ayaw nito ay pinatungga niya parin ito. Umubo-ubo ito pagkatapos. Inilapag niya ang baso at ang mangkok nang kinudnod na halamang-gamot at kinuha naman ang nakababad na tela sa maliit na batya at piniga. Walang arteng pinunasan niya ang buong katawan nito. "Hindi ko alam ang kinakain mo kaya bibigyan na lang kita nang buhay na manok... ok ba?" Hirap na tumango lang ito. Pagkatapos sa pagpupunas ay iniwan niya ito upang kumuha nga nang manok sa likod bahay. Paglabas niya palang nang bahay ay nakita niya na ang hinahanap. "Sorry" hingi niya nang tawad sa kawawang hayop. Nakabalik na siya ng kwarto at nakahiga na ang alaga niya. Binunutan niya nang balahibo sa bandang leeg ang manok at pinahaba niya ang kuko sa hintuturo. Walang kahirap-hirap na ginilitan niya iyon. "I-ibuka mo 'yung bibig mo... sayang ang dugo" aniya dahil kumakawag-kawag pa ang manok at tumatalsik-talsik ang dugo nito. Ginawa naman nito ang inuutos. Hinayaan niyang tumulo sa bibig nito ang sariwang dugo nang hayop. Maya-maya ay unti-unting nagliliwanag ang mga mata nito. Sa madilim na kwartong iyon na tanging gasera lang ang nagbibigay liwanag... litaw na litaw ang magandang liwanag na iyon sa mata ng binata.... mistulang dalawang maliit na pulang buwan iyon. "Gusto mo bang iluto ko pa ito?" tanong niya ng maubos na ang dugo nang manok. "Hindi mo ba alam na hindi kami kumakain nang laman?" anito. Bumalik na rin sa dati ang mata nito. Ngayon niya lang naobserba na maliit lang ang mata nito na may pagkasingkit narin. Kung kanina ay pinagpapawisan ito at mainit, ngayon ay nagyeyelo na ulit ang balat nito sa lamig at namumutla na. "Mukhang bumabalik ka na sa dati" "Oo, pero hindi parin gagaling ang sugat ko. Hindi magagamot nang kahit na anong halamang gamot ang sugat na likha nang mga lobo" "Kung ganun, ano? Ano ang gamot?" Bahagyang ikinagulat nito ang tinanong niya pero nawala rin iyon at nauwi sa pagkaseryoso. "Pareho kayo nang iyong Ina. Masyado kayong lumalapit sa mga kaaway" "K-kilala mo ang aking Ina?" Nagulat na naman ito. "Hindi mo kilala ang iyong Ina? Kung ganuon ay hindi sinasabi sa iyo nang iyong Ama?" "H-hindi" "Saan ako makakahanap nang pilak?" Iniba nito ang usapan. "Masama sa atin ang pilak... hindi mo ba alam iyon?" "Sino ang nagsabing uubra ang pilak sa mga bampira?" Oo nga pala, isa nga pala itong bampira. Tumayo ito mula sa pagkakahiga ngunit muntik rin itong matumba kung hindi niya ito tinulungan. "Dahil sa nahahawakan mo pa ako... ang ibig bang sabihin niyan ay hindi ka pa nagigising?" "Ha?" "Ikaw mismo ang aming kahinaan. Ikaw mismo ang pilak sa mga lobo... at apoy sa mga bampira. Mahihina talaga ang kokote nang mga iyon dahil hindi pa nila alam ang tungkol sa iyo." "Ganyan ka ba talaga?" "Ano?" "Sabi ko ganyan ba talaga ang ugali mo?" Inaalalayan niya na ito sa paglalakad. "Mabait ako sa mga kilala ko.... maaari mo na akong bitawan" Hindi niya namalayan na nasa labas na pala sila nang bahay. Hindi niya kasi lubos maisip kung bakit parang iba ang pakiramdam niya rito. Kung baga parang sumisigla ang katawan niya sa tuwing hahawakan niya ito. Naalala niyang kalahating bampira rin pala siya. Baka dahil nagbubunyi ang kabilang pagkatao niya dahil may nakilala siyang kauri nito? Tinitingnan niya na lang kung paano ito lumayo sa bahay nila. Paika-ika pa itong maglakad. Muntik na itong matumba, buti na lang ay maagap niya itong napuntahan bago pa ito sumubsob sa lupa. "Hindi ba't sinabi ko na kaya ko na?" "Talaga? Kung kaya mo na ay sana hindi na kita tinutulungan ngayon" "Tsk" Iyan na naman siya. Pa-tsk-tsk pang nalalaman. Aniya sa sarili habang inaakay ito sa paglalakad. "May kweba akong alam na maari mong pagtuluyan. Wag kang mag-alala, hindi napapadpad ang mga lobo roon" "Hindi ka ba tinuruan nang mga mababahong asong iyon na hindi mo pwedeng tulungan ang mga bampira?" "Hindi. Masama bang tumulong.. atsaka, pwede ba! Wag ka nang madada, napakaingay mo para sa lalaki" "Lumayo ka nga saakin!" Pilit nitong tinatanggal ang pagkakahawak niya sa mga braso nito. Sabi ko na nga ba eh... hindi pa bumabalik ang lakas nito! "Wag kang magulo kung ayaw mong buhatin kita! Mas malakas ako saiyo ngayon!" Lalo mang sumimangot ang mukha nito, wala naman itong magagawa. Napangiti siya sa inasal nito. "Dadalhin kita sa kwebang sinabi ko. Doon ka magpapalipas nang gabi. Utang na loob, Allen, wag kang aalis doon dahil baka kung ano ang mangyari saiyo?" "Kailan mo pa nalaman ang pangalan ko!? At close ba tayo!?" Siningkitan niya ang mata habang nakasimangot na nakatingin dito. "Masyado kang maraming tanong! Bukas ko pa makukuha ang pilak na kailangan mo dahil hindi na ako pinahihintulutang lumabas sa gabi" "Sa pagkakatanda ko, wala akong sinabi na inuutusan kitang kumuha ng pilak" Sa sobrang inis niya rito ay initsa niya ito sa taas. Nagpalit siya nang anyo at bago pa ito bumagsak sa lupa ay nasalo niya na ito gamit ang isa sa mga buntot niya. "A-anong ginagawa mo?" Tanong nito sa kanya habang matulin na siyang tumatakbo papunta sa kwebang sinasabi niya kanina pa. Hindi niya na ito kakausapin at baka lalo lang siyang mainis... baka hindi lang pagbato sa ere ang gawin niya rito mamaya. ----- "Para saan ang pulong na ito, mga konsehal?" Pagkagising pa lang ni Lucas sa clinic kanina ay si Catherine na kaagad ang hinanap niya. Ang sabi sa kanya ay nasa konseho raw ito, pero ang sabi naman sa kanya ay nasa hukuman. Ngayon ay nasa hukuman na siya, wala namang Catherine dito! "Prinsepe, may mga katanungan lang po kami ukol sa pag-atake nang mga bampira sa inyo kanina" "Kung ganuon, bakit si Michael ang kinakausap niyo... nasaan si Catherine?" Sinalubong siya ni Michael. "Huminahon ka, Lucas. Ligtas si Catherine at nasa bahay na siya ngayon" "Ligtas ba siya roon?" "Bakit ka masyadong nag-aalala sa babaeng iyon, prinsepe? Baka nakakalimutan mong hindi basta-basta ang lakas no'n?" "Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, Lorando. Kahit kailan ay wala kang pakialam sa kanila... ano pa bang masasabi mo kundi ang mga bagay na iyan" Sumimangot at tumalikod ang matanda sa sinabi niya. "Magpakalat kayo nang mga kawal sa buong teritoryo natin. Hindi dapat makapasok ang lalaking iyon dito... o makalabas" ----- "Oh" maingat na ibinaba niya sa harap mismo ng maliit na kweba si Allen. Nakasimangot parin ito. "Ang ingay mo kasi!" aniya sa tonong eretable. "Hindi ko akalaing may magtatangkang gumawa nang ganuon saakin. Hoy! Kilala mo ba ako!?" Iritang tinaas niya ang kilay kahit na nasa beast-form siya. "Ako si Prinsipe Allen... ako ang susunod na hari nang mga bampira!" Walang imik na umupo lang siya sa harap nito. Namula ito sa sobrang inis sa kanya. "Kung gusto mong makaganti saakin... magpalakas ka muna" "Humanda ka saakin" Natawa siya sa sinabi nito. "Aalis na ako, hintayin mo ang pilak bukas nang umaga... wag kang mamamatay" " Tse!" Natawa na naman siya. "Ang init nang ulo mo" "Alis na!" "Ok" Iniwan niya na nga ito. Para itong sira sa tuwing pamumulahan nang mukha. Masyadong hot! Kala mo ay kung ano na ang ginagawa. Kailangan niya nang magmadali, baka abutan siya ng Ama na wala sa bahay at baka mag-alala pa ito. Hindi lang iyon, kailangan niya ring burahin ang bawat bakas ni Allen sa bahay at baka maghinala pa ang kanyang Ama. Wala siyang balak na ibulgar si Allen. May kung ano sa katawan niya na nag-uudyok na tulungan ito. Isa pa, kilala nito ang kanyang Ina. Hindi man sabihin sa kanya ng kanyang Ama ang tungkol roon, maaari niya namang itanong iyon kay Allen. ----- "Ang babaeng iyon..." Kasalukuyan siya ngayong nasa loob nang kweba na sinabi sa kanya ni Catherine. Kanina ay humahanga siya sa katapangan nitong suwayin ang lahi nito para lamang tulungan siya... na touch na sana sya kung hindi lang nito tinapakan ang pride niya. Kainis! Ipag kumpara ba naman siya sa maingay na babae? Hindi iyon katanggap-tanggap sa kanya. Sa ilang taong pamumuhay niya sa mundong ito ay ngayon lang siya na humiliate! At for heaven's sake! Sa isang babae pa! "That woman doesn't know her place! Even if she's the daughter of the queen, I'll never forgive her" Hindi ba pwedeng ipagpa-thank you mo na lang? Someone just spoke on his mind... probably his other self. Why not? Just leave it as a fair square. Napabuga siya sa naisip. Fine! ------ Somewhere on Europe where the vampires' castle located, there is a feast for everyone. Feast where humans served as a food. Every noble vampire is wearing their most valuable dresses and suits. The feast was a celebration for conquering some lands in Asia. It was held on the throne room. King Valad is the new king when their queen loss her pride. Valad seating on the king's throne smiling on their guests while the queen beside him seems not enjoying. "Elena, my queen, come and enjoy the party. You should at least face them with a smile" "Sa tingin mo ba ay makakapagsaya ako? Look at me, Valad! Do I look like I will be happy with these chains on my wrists and feet, and for the vampire's sake! There is also on my neck!" "Stop shouting at your King" nag-iba na ang timpla nito ngunit pabulong lang ang pagkakasaway rito. The guests' are now looking at them. "Ahaha, please, let us enjoy this celebration" Anito para matigil na ang pagbubulungan nang mga bisita sa ginawang eskandalo ni Elena. "Marco, we're going at our room, take Elena" "Yes, you're majesty" Hinawakan nito ang holy chains na may basbas pa nang holy water kaya walang sinong bampira ang makakasira nito. He's wearing his gloves that's why the chains wouldn't have effect on him. "My queen, let me help you" anito sa kanya. Tunog ng sampal ang umalingawngaw sa buong kwarto pagkarating nila Elena. Sa sobrang lakas niyon ay bahagya pa siyang tumalsik at napasubsob sa sahig. "You're majesty!" Hinarang ni Marco, isa sa tapat niyang tagapayo ang susunod na sampal sana sa kanya ni Valad. "Get out of my way, Marco. You'll be punish if you disobey the king" "But..." "GET out!" "Marco... just leave" utos niya rito. "but, quee—" "Please" Ngayon ay sila na lang ni Valad ang nasa kwarto. "What do you think I am? A fool?" hinablot nito ang buhok niya. "Huh!?" "L-let go... Valad!" Natigil ito sa ginagawa nang may malakas na hangin ang nanggaling sa kanya. She's been chained but these things won't stop her on using her powers. "Don't let me use any of my ability just to hurt you, Valad" "So you're now scaring me" "I'm not. I didn't run because I know what I've done was a mistake... no, it's not a mistake! I'd just disobeyed the Vampire's law that's all.. And I'm not going anywhere just to escape" "You should be thankful, you're still their queen" Queen? Baka gusto mong makita nila ang traydor nilang Queen para mapahiya ako? Ibinagsak nito ang kamay na hawak ang buhok niya. Ito ang araw-araw na buhay niya simula nang makaligtas ang mag-ama niya. At wala siyang regrets na nagpahuli siya sa mga ito. At least ngayon ay nasa kanya ang atensyon nang mga kalahi niya at wala sa anak niya. "Oh, by the way, Elena..." Taas kilay na tiningnan niya lang ito. "Allen is looking for your daughter" Imposible! "As if naman na makikita niya" "Ahuh, They're on the land called Philippines. That's for sure... sooner or later, they'll be here" "You can't do that, Valad... just don't touch them" "I'm sor—" Bago pa nito tapusin ang sasabihin ay sinugod niya na ito. "Oops!" Bago pa niya ito malapitan ay natigil na siya. Hindi niya namalayang nakatali na sa pader ang mga kadena sa katawan niya. "Valad! Don't touch them!" Hindi man lang nito pinakinggan ang mga pakiusap niya. Isinara na nito ang pinto without even looking at her. Damn!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD