Chapter 26 Helleia’s POV Simula kagabi nang aminin sa amin ni Red kung sino talaga sya. Napansin ko ang lalong pagkailag nina Edrix kay Red, si Drake naman ay ganoon pa rin, siguro ay ayaw nya lang na magkaroon ng awkwardness sa pagitan nilang magkakagrupo Para sakin naman, ayos na ang lahat. Para sakin, okay na ko dahil alam ko na kung sino talaga si Red. Ang totoo, dahil sa ginawa nyang pag-amin ay mas lalo ko pa syang minahal. Mas lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya Napangiti ako nang maalala ko kung paano nya sabihin sa amin ang totoo, hindi sya nagsisinungaling sakin. Oo maaaring nagsikreto sya sakin pero hindi sya nagsinungaling. Hindi sya nagsisinungaling Niyakap ko ng mahigpit ang hawak kong unan saka sinulyapan ang orasan sa bedside table ko, pasado alas dos na ng madal

