Chapter 25 Helleia’s POV Nakatayo at tahimik kaming lahat hanggang sa makabalik si Red galing sa labas. Hindi ko alam kung anong ginawa nila ng big boss ng Morfell sa labas Big boss ng Morfell. Paanong kasama ni Red ang taong'yon at anong asawa ako ng lalaking 'yon? "Red, bakit pumunta dito ang big boss?" Napatingin ako kay Drake nang tanungin nya si Red. Sumulyap sakin si Red saka nakapamulsang sumandal sa nakasaradong pinto at tumingin ng diretso kay Drake Umaasa akong sasagutin nya ang tanong ni Drake. Gusto ko ring malaman ang katotohanan mula mismo sa bibig nya "Saka bakit sinabi nyang asawa nya si Helleia?" Nagtatakang dugtong naman ni Aphrodite Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Kung ako ang tatanungin ay hindi ko nagustuhan ang ginawa ng big boss na 'yon. Anong karapatan

