Chapter 24 Third Person's POV Umawang ang labi ni Helleia dahil sa sinabi nina Aphrodite. Ang lalaking kaharap nila at katabi ni Red ay ang big boss ng Morfell pero bakit sya nandito? Bakit kasama sya ni Red? Lahat sila ay nakamasid lamang sa nakamaskarang lalaki na naglalakad na ngayon patungo sa isang single couch. Lahat sila na naroon ay gulat. Lahat ay nagtataka maliban nalang kay Red na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin kay Helleia na nakamasid naman sa big boss Hindi nila maintindihan. Anong ginagawa ng big boss dito? Isa pa ay bakit kasama nito si Red? Humakbang ng dalawang beses si Red saka sumandal sa dingding habang hindi inaalis ang tingin sa gulat na gulat na mukha ni Helleia Maya-maya pa ay may mga armadong lalaki na bigla na lamang pumasok sa bahay na walang pakundang

