Chapter 3
Helleia Demetria's POV
"Mabuti hindi ka nahuli" namimilog ang mata na komento ko na tinawanan naman ni Dri.
Ikinuwento nya kasi ang nangyari noong unang beses syang pumuslit dito sa bar. Muntik pa daw syang mahuli dahil iniwan sya ni Jayson matapos itong hilahin ng isang babae papasok dahilan para maiwan si Dri sa labas.
Mabuti nalang daw at dumating ang isa sa kakilala nya kaya agad syang nakapasok nang hindi pinapansin ng bouncer. Kapag daw kasi nahuli sya ay sa presinto ang bagsak nya dahil nga menor de edad pa sya
"Hay naku! Kung alam mo lang kung gaano kalakas ang kabog ng dibdib ko noong gabing 'yon" tumatawang saad nya.
Maya-maya'y lumapit sa amin si Jayson kasunod nya ang isang waiter na may bitbit na tray na may lamang juice. Mukhang pinadadala 'yon ni Jayson para sakin.
Nang makalapit ang waiter ay may sumulpot na lalaking tumatakbo mula sa likuran ng waiter at nabangga ang kawawang waiter. Natapon ang dala nito at nabasag sa sahig ang baso.
Gulat na napatingin naman ako sa waiter na sumulyap kay Jayson.
"Sorry po, kukuha nalang po ako ng bago" agad na umalis ang waiter pagkatapos nyang ligpitin ang nabasag na baso.
Nagpatuloy naman kami sa pagkukwentuhan. Hindi nagtagal ay nakaramdam na ng hilo at pagkalasing ang dalawang kasama ko kaya nagyaya na silang umuwi.
Bago tuluyang umalis ay inilibot ko pa ang paningin ko para hanapin ang waiter na hindi na bumalik. Nahiya siguro sya.
***
"Ingat kayo!"
Nakangiting kumaway ako kina Dri at Jay na parehong mapungay ang mata na nakatingin sakin. Nasa loob sila ng taxi at parehong lasing na lasing
Nakangiti akong humarap sa pinto ng bahay pero agad ding nawala ang ngiti ko nang maalala ko si Red. Argh! Kagat labi akong pumasok sa bahay. Tahimik at patay pa rin ang ilaw.
Didiretso na sana ako pero nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang bulto ng isang tao na nakaupo sa couch. Kahit madilim ay alam kong nakatingin sya sakin. At kahit hindi ko man nakikita ang mukha nya ay alam ko na kung sino sya.
Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko saka humakbang ng dalawang beses palapit sa pwesto nya
"I'm sorry. Gusto ko lang namang maranasan na mamuhay ng katulad nina Drianna at Jayson. Wag kang mag-alala, nag-ingat naman kami. Hindi ako uminom at hindi na rin ito mauulit pa" tuloy-tuloy na paliwanag ko habang abot-abot ang kabang nararamdaman ko.
Ang daliri ko ay hindi mapakali, kinukurot ko ang kamay ko habang hinihintay syang magsalita
Napatitig ako sa kanya nang tumayo sya. Natamaan ng munting liwanag na nanggagaling sa buwan ang kanyang mukha kaya nakita ko sya. Katulad ng dati, wala pa ring ekspresyon ang mukha nya, ang mata nya ay wala pa ring emosyon at malamig pa rin ang tingin nya.
Mas lalo akong naguilty nang tumalikod sya na hindi pa rin nagsasalita. Ito na ba yon? Ito na ba ang kapalit ng panandaliang ssya na naramdaman at naranasan ko kanina? Bakit ganito? Parang naiiyak ako?
Tahimik lang akong sumunod sa kanya na umaakyat na ngayon sa hagdanan. Nang marating nya ang kwarto nya ay tumigil sya sa tapat ng pintuan nito. Tumigil din ako sa may hagdanan
"Rest"
Isang salita. Isang salita lamang ang binitiwan nya habang nakatalikod pa rin. Matapos nyang sabihin ang isang salita na yon ay agad syang pumasok sa kwarto nya
Napayuko naman ako. Nasasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sobrang naguiguilty ako. Dahil kahit sinuway ko sya ay kapakanan ko pa rin ang iniisip nya. Gosh, Helleia, anong ginawa mo? Argh!
Tinungo ko ang kwarto ko at agad na nahiga sa kama. Hindi ko na inintindi pang magpalit ng damit. Okupado ni Red ang isip ko. Sobra akong naguiguilty sa ginawa ko, at the same time ay nasasaktan din ako. Mas lalo syang naging cold. Ano nang gagawin ko ngayon?
"Argh! I'm sorry!" Frustrated na sabi ko kahit alam kong hindi naman nya ako maririnig. Huminga ako ng malalim at tumitig sa kisame
Ang inaasahan ko kanina ay sisigawan nya ko. Pagagalitan at isusumbong kina mommy. Pero ni isa doon ay hindi nya ginawa. Nanatili lamang syang tahimik at hindi manlang ako pinagalitan. Argh Promise, hindi ko na sya susuwayin
****
Tahimik. Sobrang tahimik. Nandito kami ngayon sa kotse. Nagdadrive si Red habang ako ay nakakagat-labi sa tabi nya. Argh! Pano ba to? Mula pa kanina pagkagising ko ay nagsosorry na ako. Pero hindi sya umiimik. Tumatango lamang sya sakin at hindi nya ako tinitingnan. Sanay na ako sa coldness nya, pero hindi ako sanay na ganito sya katahimik. Yung tipong hindi na nagsasalita. Yung tipong parang ayaw na akong kausapin
"Hold on tight"
Huh? Napatingin ako sa kanya nang magsalita sya. Diretso lamang syang nakatingin sa unahan habang nagdadrive. Ako ba ang kausap nya? Ako lang naman ang kasama nya dito sa kotse e
Bakit nya ko pinapakapit ng mahigpit? Balak nya bang tumalon at iwan ako dito sa kotse dahil sa ginawa ko?
Waahhh! Kung 'yon ang dahilan nya, masyado namang mababaw. Isa pa ay nagsorry naman na ako e
"Do it. Helleia" puno ng otoridad na utos nya
Napalunok ako at wala nang nagawa. Mabilis akong humawak ng mahigpit sa upuan at sa seatbelt ko. Ako nga ang kausap nya. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang bumilis ang pagpapatakbo nya
A-Anong nangyayari?
"Close your eyes"
M-Mata..pikit!
Sinunod ko sya. Ipinikit ko ang mga mata ko. Mariing nakaikit habang mahigpit akong nakakapit sa seatbelt at sa upuan. Nararamdaman ko kung gaano kabilis ang pagpapatakbo nya ng kotse. Pakiramdam ko ay lumilipad na ako sa sobrang bilis
Ano bang nangyayari? Bakit ganito? Gusto na ba nya talaga akong patayin dahil sinuway ko sya? Ayaw na ba nya kong protektahan? Sinusukuan na ba nya ko?
Bang
Bang
Napaigtad ako at mabilis na nagmulat ng mata. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa bintana na nasa gilid ni Red. May tama iyon ng bala pero hindi naman tumagos. Nakita ko ang isang lalakeng nakamotor na pilit sinasabayan ang mabilis na pagmamaneho ni Red. Nakasuot sya ng helmet kaya hindi ko makita ang mukha nya
Bang
Bang
Bang
"Aaahhh"
Muli akong napatalon dahil sa takot at gulat. Katulad ng bintana sa tabi ni Red ay may bumaril din sa bintana na nasa tabi ko
S-Sino sila? Anong nangyayari?
"Duck, Helleia. Close your eyes and cover your head"
Kahit nanginginig sa takot ay mabilis kong inalis ang seatbelt ko. Sa sobrang pagkataranta ay hindi ko kaagad 'yon naalis kaya napapahikbi akong nagmadali.
Nang maalis ko ang seatbelt ay pilit kong isiniksik ang katawan ko sa ibaba ng upuan habang nakahawak sa ulo ko. Nang makapwesto ako ng maayos ay agad kong ipinikit ang mga mata ko habang tumutulo ang aking luha
Mamamatay na ba kami? Hanggang dito nalang ba kami? Pano na ako? Pano na ang mga pangarap ko? Kung ito na ang katapusan ko ay hindi ko na pinagsisisihan na tumakas ako kagabi
Bang
Bang
Patuloy ang pagtama ng bala ng baril sa sasakyan. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa takot. Sigurado akong malapit nang mabasag ang bubog ng bintana. Paano kapag nabasag na yon ng tuluyan? Paano na kami
Mas lalo akong umiyak at mas mariin na pinikit ang mga mata ko nang marinig ko ang pagkabasag ng bintana ng kotse. Alam kong bintana sa may passenger seat ang tuluyang nabasag dahil naramdaman ko pa ang paglaglag ng ilang bubog sakin.
Ito na ba yon? Katapusan na ba namin? Paano kung mabaril si Red. Edi mamamatay na rin ako dahil wala nang magpoprotekta sakin
"Bullshit!"
For the first time ay narinig kong nagmura si Red. Maya-maya pa ay nakarinig nanaman akong putok ng baril. Pero this time, sigurado akong nanggaling na yon mismo dito sa loob ng kotse
Tumingala ako at nakita ko si Red na may hawak na baril. Pinagbabaril nya ang sakay ng motorsiklo na nasa labas ng bintana ng passenger seat. Narinig ko ang pagtumba ng motor ng nasa labas. Ako naman ay nanatiling nakatitig kay Red. Wala pa ring emosyon ang mga mata nya pero nakakunot ang noo nya. Nakakatakot ang hitsura nya pero pakiramdam ko ay safe na ako dahil nandito sya. Tumigil ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko at natutuyo na ang luha sa pisngi ko
Nagulat ako nang sikuhin ni Red ang bubog sa tabi nya. Tuluyan naman iyong nabasag. Gamit ang kanang kamay nya ay hinawakan nya ang manibela ng kotse at inilipat nya sa kaliwang kamay nya ang baril. Agad na pinaputukan nya ng baril ang lalakeng nakamotor na humahabol samin
"S-sino sila?"
Naglakas loob akong magtanong. Kahit pakiramdam ko ay alam ko na kung bakit nila kami gustong patayin ay gusto ko pa ring magtanong. Gusto ko syang kausapin
"The conseqences of disobeying me last night"
Napayuko ako sa isinagot nya. Tama nga sya. Dapat ay hindi nalang ako lumabas kagabi. Dapat ay hindi ko nalang sya sinuway
"Sorry" mahinang sambit ko hoping na sana ay narinig nya
Bang
Bang
Bang
"Forgiven. Just don't do that again"
Kahit hindi ko sigurado kong nakita nya ay mabilis akong tumango. Kasunod noon ay ngiti sa mga labi ko kasabay ng tuluyang pagkalimot ko sa mga taong humahabol samin
Hindi nagtagal ay itinigil nya ang sasakyan. Inalis nya ang seatbelt nya at marahan akong inalalayan para makaupo ng maayos.
Hinaplos nya ang pisngi ko at pinahid ang natuyong luha doon. Tinigan nya ako sa mga mata, kapagkuwan ay kinabig palapit at niyakap ng mahigpit.
Mariin akong napapikit. Red.
Dug dug dug
Nariring ko ang kabog ng puso ko. Alam kong nararamdaman nya rin 'yon pero tila wala syang pakialam. Mahigpit lamang syang nakayakap sa akin na tila ba sinasabing ligtas na ako, na nandyan sya at hindi nya ako hahayaang mapahamak.
"Don't do that again, Helleia. Please" mahinang bulong nya sa tenga ko saka marahang hinaplos ang buhok ko.
Unti-unting kumalma ang puso ko dahil sa ginawa nya at naramdaman ko ang pamilyar na kiliti sa puso ko.
"Sorry" bulong ko pabalik.
Alam kong ang tinutukoy nya ang ginawa kong pagsuway sa kanya kagabi. Oo, naging masaya ako sa sandaling 'yon ng pagtakas ko at pagkikipagbonding kina Dri pero ang kapalit nyon ay ang mas malamig na pakikitungo sa akin ni Red at ang panganib na hinarap namin kani-kanina lang.
"I was scared. I thought you'll get hurt” muling saad nya saka ako marahang inilayo sa kanya.
Gamit ang magaganda nyang mga mata ay tinitigan nya ako ng mabuti. "Promise me you'll take care of yourself. Don't get hurt"
Muling kumabog ang dibdib ko dahil sa malakas na pagpintig ng puso ko. Tila nalulon ko ang dila ko habang sinasalubong ang mga titig nya, ang mga mata nya na may emosyong hindi ko mapangalanan at ngayon ko lamang nakita sa kanya.
"I will trade my life for your safety so please don't get hurt or i will kill myself"
Tuluyan na akong natameme. Minsan lang sya magsalita. Pero kapag nagsalita naman sya ay matatameme na ako. Who wouldn't? Kung ganito ang palaging sasabihin nya sa akin, baka mas lumala ang nararamdaman ko at matagpuan ko nalang ang sarili ko na nababaliw sa kanya.
Red Falcon. You are my protector, you have proven that i can entrust my life to you but how about my heart? Will you take care of it and protect it too?