Chapter 4
Helleia Demetria’s POV
"Go on. I'll be waiting here"
Napatitig ako kay Red. Nakasandal sya sa kotse habang nasa harap nya ako. Matapos nyang pagbabarilin yung mga gusto pumatay samin at kausapin ako ng masinsinan ay dumiretso kami dito.
Kailangan ko daw kasing pumasok. Ang totoo ay ayokong pumasok ngayon. Matapos ang nangyari kanina ay parang gusto ko nalang magkulong sa bahay at huwag nang lumabas pa
"Go. I’ll just be here" muling sabi nya.
"M-maghihintay ka dito?" gulat na tanong ko.
Lumunok ako. Kung maghihintay sya dito ay maiinip lang sya. 8am to 12 noon ang klase ko ngayong umaga. Ano namang gagawin nya habang naghihintay sa akin dito?
"Yeah" napaawang labi ko sa sinabi nya. Maghihintay talaga sya?
"Pero maiinip ka. Pwede mo naman akong balikan nalang mamaya" sabi ko pero nanatili lang syang nakatingin sakin ng diretso
"You want me to leave?"
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Sa totoo lang ay ayaw ko syang umalis. Baka mamaya kung kailan wala sya ay saka naman umatake sakin yung mga taong gusto akong patayin
"Ayaw" nakatungong sagot ko.
Nahihiya ako sa kanya. Kung tutuusin ay dapat matapang ako dahil mafia boss ang daddy ko. Ang mommy ko ay matapang at marunong makipaglaban. Samantalang ako, putok lamang ng baril ay halos mamatay na ko sa nerbyos
"Then i'll stay here. Go on. Your class is about to start" sabi nya saka ako tinanguan.
Akmang hahakbang ako palayo nang muli akong mapatigil. Tumitig ako sa mga mata nya. "P-Pwede bang umabsent nalang ako ngayon?"
Takot. Iyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung sinu-sinong mga kalaban ng daddy ko at wala akong lakas para ipagtanggol ang sarili ko
"You have to study, Helleia" malumanay na sagot nya.
Saglit ko pa syang tinitigan saka ako bumuntong-hininga. Ayoko namang suwayin nanaman sya ngayon. Paulit-ulit na nga akong nagsisisi dahil sa ginawa kong pagsuway sa kanya e
"Sige. Uhm! W-wag mo kong iiwan ha" nahihiyang sabi ko.
Masyado na akong dumedepende sa kanya. Sana naman ay hindi sya magsawa sakin. Sya nalang ang aasahan ko. Bukod sa kanila nina Percy ay wala na akong pwedeng pagkatiwalaan ng buhay ko.
Bata palang ako ay kasama ko na sya at hindi ako papayag na basta nalang syang mawala at iwan ako.
"I won't" may kasigurahuan sa tono ng isinagot nya sa akin kaya nakaramdam ako ng kaonting ginhawa.
Nakangiti akong lumakad paalis matapos nyang sabihin yon. Ngayon ay panatag ang kalooban ko, dahil nandoon lang sya sa labas at nakabantay sakin. Alam kong hindi ako mapapahamak dahil nandyan sya. At alam ko ring hindi nya ko hahayaang mapahamak. Napatunayan na nya iyon kanina at nitong mga nagdaang araw at taon.
Nang tuluyan akong makarating sa classroom ay sinalubong ako ni Drianna ng kaway at malaking ngiti.
"Laki ng ngiti natin ah" puna ni Jayson nang makaupo ako sa upuan ko.
Gosh! Nakangiti pala ako hindi ko manlang namalayan. Kanina ay halos mahimatay ako sa kaba pero dahil kay Red ay nakakangiti ako na parang walang nangyari
"Oo nga. Teka, hindi ka ba napagalitan? Isinumbong ka ba ng driver mong yelo? Ano?" Sunod-sunod na tanong ni Drianna.
Ngumiti lamang ako sa kanya. Hindi ko sinagot ang kahit isa sa mga tanong nya dahil bukod sa ayaw kong sabihin ay dumating na ang teacher namin sa first subject
Buong klase ay wala akong naintindihan. Bumalik kasi sa isip ko yung tungkol sa humabol sa amin kanina. Saang organization kaya sila kabilang? Sana naman hindi nila kami masundan sa bahay. Baka pati sina Jelly, Kei, Lei at Percy ay madamay. Pero marunong din naman makipaglaban ang mga yon dahil ipinadala din sila nina mom sa bahay para makasama ko. Kaya nilang protektahan ang sarili nila. Ako lang ang hindi
B R E A K T I M E
Mabilis na lumipas ang mga oras. Nang tumunog ang bell na hudyat ng breaktime ay dali-dali akong lumabas at lakad takbong tinungo ang cafetaria.
"San ka pupunta? Saka bakit tatlong sandwich at dalawang softdrinks ang dala mo? Ang takaw mo naman, Dem. Ngayon ko lang nalaman" puna ni Drianna na sinimangutan ko lang
Porket maraming dalang pagkain, matakaw na agad! Naiiling na tumakbo nalang ako palabas. Nasa pila pa silang dalawa ni Jayson kaya hindi nila ako nahabol
Bumili ako ng tatlong sandwich at dalawang softdrink na nasa can. Siguradong nagugutom na si Red sa labas kaya ibinili ko na rin sya.
Nakangiti at dire-diretso akong lumabas ng cafetaria at agad na lumabas ng campus.
Naabutan ko ang kotse ni Red na nasa tapat pa rin ng gate. Nakangiti akong lumapit doon at kumatok sa bintana. Heavily tinted ang windshield ng kotse kaya hindi ko sya kita mula dito sa labas pero sigurado akong nandito sya.
Napansin ko ring iba na ang sasakyan. Ito 'yong madalas na nyang ginagamit kapag umaalis sya nang mag-isa. Iyong gamit kasi namin kanina ay 'yong palaging ginagamit ni Percy tuwing inihahatid at sinusundo nya ako noon
"Why?" tanong nya matapos ibaba ang bintana.
Ngumiti ako ng malaki saka ipinakita ang dala ko. Agad akong umikot sa kabila at binuksan ang pinto ng passenger seat. Pumasok ako agad at napansin kong nakatingin lang sya sakin. May earphone sya sa tenga at tinanggal nya agad iyon nang makaupo ako sa tabi nya
"Mas nakakagutom kapag naiinip. Kaya ibinili kita ng pagkain at dito na rin ako magmemeryenda"
Iniabot ko sa kanya yung isang sandwich at softdrink. Ipinatong ko naman sa dash board ang isa pang sandwich saka yung softdrink ko
Binuksan ko ang sandwich at agad na kumagat. Napangiti ako nang mag-umpisa din syang kumain
"Thanks"
Isang ngiti lang ang isinagot ko sa kanya. Kahit papaano ay masaya ako dahil nag-iimprove na kaming dalawa. Kung noon ay hindi nya talaga ako pinapansin, ngayon ay nararamdaman kong nababago na ang pakikitungo nya sa akin
Marahan ang bawat pag-nguya ko dahil pinagmamasdan ko si Red. Mukhang gutom na talaga sya dahil mabilis nyang naubos ang sandwich na ibinigay ko.
"May isa pa" nakangiting inilahad ko sa kanya ang isa pang sandwich.
Saglit nya 'yong tinitigan saka tumingin sakin habang ngumunguya pa. "That’s yours"
Mas lumaki ang ngiti ko. "Isa lang ang sakin. Para sayo talaga 'yong dalawa"
Alam ko kung gaano sya kalakas kumain. Madalas ko kasi syang pagmasdan kapag kumakain sya. Kung tutuusin ay kulang pa ang dalawang sandwich sa kanya pero sinadya kong dalawa lang ang bilhin dahil baka kung anong isipin nya
"Thanks" sambit nya saka kinuha sakin ang sandwich.
Agad nyang inalis ang balot nyon saka kinagatan. Ang laki ng kagat nya. Feeling ko katumbas ng isang kagat nya ay tatlong kagat ko na
"Eat, Helleia"
Bigla ay parang natauhan ako. Umayos ako ng upo at ipinagpatuloy ang pag kain na hindi ko namalayang natigil pala.
Ano ba naman kasing ginagawa ko? Bakit ko sya tinititigan?
Tumikhim ako at muli syang sinulyapan. "Ang sabi ni daddy, maraming organization ang gustong pumatay sakin. Sa tingin mo, saan kabilang yung mga humabol satin kanina?" pagbubukas ko ng topic.
Ang panget naman kung kain lang kami ng kain at hindi manlang nag-uusap, isa pa ay nakakahiya na alam nya pala ang ginawa kong paninitig sa kanya
"They're not from any organization. X Clan paid them to kill us" sagot nya.
Napatango ako. Tama nga na nakukuha sa pera ang lahat. Totoo nga na mas makapangyarihan ang pera dito sa mundo
Bakit may mga ganoong tao? Hahamakin ang lahat maalis lang sa landas nila ang mga taong sa tingin nila ay salot sa kanila. Nagbabayad ng malaki kapalit ng buhay ng iba at walang awang pumapatay kapalit ng malaking halaga
People are cruel
"Diba X Clan at Viraxx lang ang kalaban ng Vandross Mafia, sila lang ang gustong pumatay sakin. Pano naman ang Venomous at Shadows? Kanino sila kakampi?" tanong ko ulit kay Red
Matagal ko nang gustong itanong 'yon sa kanya pero bukod kasi sa hindi pa kami malapit sa isa't-isa ay wala akong pagkakataong itanong 'yon. Maswete lang na nagkaroon ako ng chance ngayon.
"They are under Morfell Organization. They took no side so they won't be a threat" sagot ulit niya.
Tumango ulit ako saka kinuha ang can ng softdrink. Bubuksan ko na sana ito nang bigla itong kunin ni Red sa kamay ko. "Let me"
Nakatingin lang ako sa kanya habang binubuksan nya ang can, nang mabuksan iyon ay agad din nyang iniabot sakin
Ngumiti akong muli. "Thanks" tipid na sabi ko saka uminom.
"Red, hanggang kailan ka mananatili sa tabi ko?"
Hindi ko alam kung bakit bigla ko 'yong natanong pero wala akong balak na bawiin. Gusto ko rin kasing malaman kung hanggang saan nya ako kayang protektahan at kung hanggang kailan ko sya makakasama.
Nakaramdam ako ng lungkot sa isiping balang araw ay iiwan nya ako dahil tapos na ang misyon nya sakin. Ayoko! Ayokong umalis sya sa tabi ko. Parang...hindi ko kaya!
"For as long as you need me"
Kumabog ng husto ang dibdib ko dahil sa isinagot nya. Hanggang kailangan ko sya, mananatili sya sa tabi ko?
Parang gusto kong tumalon sa tuwa. Habang buhay ko syang kailangan, mananatili pa rin ba sya?
"Will you stay with me..forever?" lumunok ako.
Parang nabingi ako sa sarili kong tanong. Nakakahiya na ang mga pinagsasasabi ko. Hindi ko na alam kung saan pa ako humuhugot ng lakas ng loob para masabi ang mga gusto kong sabihin.
"Yeah. Until forever ends" walang kagatol-gatol na sagot nya.
Pakiramdam ko ay sumabog ang ulo ko. Wala akong naririnig kundi ang mga huling sinabi nya na paulit-ulit nagpeplay sa utak ko. Until forever ends. May wakas ba ang forever?
Pakiramdam ko ay nagkulay kamatis ako kaya mabilis akong uminom para kahit papaano ay maibsan ang init na nararamdaman ko sa pisngi ko at ang pagwawala ng puso at paru-paro sa tiyan ko.
Simple lamang ang sagot nya. Wala pang emosyon at malamig ang tono ng pananalita nya pero kinikilig ako ng sobra. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako
Tumikhim ako at pilit na itinaboy ang kilig na nararamdaman ko. Kalmado lang si Red na nakaupo sa tabi ko habang ako ay parang inasinan na bulate dahil literal na naglilikot ang mga kamay at paa ko.
Hindi ako mapakali at feeling ko ay mauubusan ako ng hangin kaya pilit kong pinakalma ang nagwawala kong puso.
Matapos non ay hindi na ulit ako nagtanong. Hindi na rin sya nagsalita pa. Mabuti naman dahil baka himatayin na ako ng tuluyan kapag nagsalita pa sya.
Bakit ba ganoon ang epekto sakin ni Red?
Hindi ko na pinansin ang nararamdaman ko. Maya-maya ay tuluyan na akong kumalma kaya nagpaalam na rin ako dahil baka malate ako sa klase, isa pa ay hindi ko pa rin lubos na napapakalma ang puso ko, baka bigla ko nalang syang mayakap dahil sa kilig.
"Wag kang aalis dyan ha! Hinatayin mo ko" bilin ko sa kanya.
Isang tango lamang ang isinagot nya. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi nang tumalikod na ako sa kanya. Ilang beses pa akong humugot ng hangin sa baga ko dahil feeling ko ay nagkahangin ang utak ko. Para akong nakalutang sa ere
Lumunok ako at mabilis na bumalik sa loob ng campus at tumakbo papunta sa classroom. Umupo ako sa upuan ko, napansin kong titig na titig sakin si Drianna kaya tinaasan ko sya ng kilay
"Nakita ko yon" nakangising sabi nya
A-Ang ano? W-What? Nakita nya? Hala! Baka kung anong isipin nya tungkol sa amin ni Red.
"Huh?" pagmamaang-maangan ko.
Grabe! Ang chismosa talaga ng babaeng to. Alam agad kung saan ako nagpunta at kung sino ang pinuntahan ko
"Che! Wag mo kong linlangin" taas ang kilay na litanya nya.
Kumamot ako ng batok at awkward na lumingon sa may gate. "Ano bang sinasabi mo dyan?"
"Lokohin mo lelang mo!" singhal nya na ikinangiwi ko
"Tell me, may gusto ka ba sa pogi mong driver?" tanong nya na ikinalaki naman ng mga mata ko. Hala sya!
"Wala ah!" Mabilis na pagtanggi ko pero nginisian lang ako ng bruha
Ako may gusto kay Red? Posible pero imposible rin. Bakit ko naman magugustuhan ang driver s***h bodyguard s***h mafia reaper na si Red? Pero...posible rin diba? Lalo na't palagi ko syang kasama. Pinoprotektahan nya ko at palagi syang nasa tabi ko.
Sapat ba yon para magustuhan ko sya? Para mahulog ang loob ko sa kanya?
Sapat ba?