Chapter 14 Helleia's Point Of View Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at pinakatitigan ang kisame. Hindi naman ako nakatulog. Ipinikit ko lang ang mga mata ko at pinilit ang sarili ko na matulog pero hindi ko magawa Paano ko magagawang matulog kung okupado ng mga nawalang kaibigan ko ang isip ko Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na wala na sina Percy at natanggap ni Red ang lahat ng ganon-ganon lang. Gusto kong umiyak! Gusto kong magwala! At kung maibabalik lang ng luha ko sina Lei ay baka kanina pa ako nagpapasag sa iyak dito. Kaso hindi e.. Katulad ng sinabi ni Red, kailangan kong tanggapin ang katotohanan at harapan ang kinabukasan, na wala sila. Na hindi na babalik sina Jelly Pinunasan ko ang isang butil ng luha na tumakas mula sa kaliwang mata ko saka dahan-dahan ako

