Chapter 15 Helleia's Point Of View Tahimik akong nakamasid kina Dart at Drake na naglalaro nanaman ng cards, kay Phoenix na mag-isang naglalaro ng chess at kay Aphrodite na tutok na tutok nanaman sa ipad nya Nang makaalis si Edrix para magluto ay bumalik sa paglalaro sina Dart. Kinakausap naman nila ako paminsan-minsan katulad ngayon "Anong edad mo na, Helleia?" tanong ni Drake habang pasulyap-sulyap sakin at sa cards na hawak nya "17 years old. Kayo?" Sagot at tanong ko habang inililibot ang paningin ko Nasaan kaya si Red? Saka sina Vangrey at Wayne? "20 years old na kami nina Phoenix, Edrix at Dart, si Aphrodite naman ay 19" sagot ni Drake na ikinaawang ng labi ko Kung ganoon ay mas matanda silang lahat sakin? Mga kuya at ate ko pala sila. Nakakatuwa naman! Feeling ko magkakaroon

