Chapter 16 Third Person's POV Matapos maghugas ng mga pinagkainan. Agad na lumabas ng kusina si Aphrodite. Tinungo nya ang sariling silid at kumuha ng isang stick ng sigarilyo mula sa pinakatago-tago nyang kahon na nasa ilalim ng kanyang mga under garments sa closet Dumiretso sya sa banyo sa loob ng kanyang silid at doon inubos ang isang stick ng sigarilyo. Siguradong malalagot sya at katakot-takot na sermon nanaman ang aabutin nya mula kay Dart kapag nalaman nito na hindi pa rin sya tumitigil sa paninigarilyo Matapos maubos ang isang stick n'yon ay itinapon nya sa toilet bowl ang upos at agad na iniflush. Nagmumog sya at nag mouthwash saka lumabas ng banyo at tinungo ang direksyon kung saan naroon ang kompyuter nya May kailangan lang syang kumpirmahin. At kung tama ang hinala nya ay

