Chapter 12 Third Person's POV Mabilis ang takbo ng sasakyang minamaneho ni Drake papunta sa safe house ni Red. Tahimik naman ang mga kasama nyang sina Edrix, Phoenix, Dart at Aphrodite "s**t nandoon na sila!" bulalas ni Dart habang nakatingin sa hawak nitong tablet na ang tinutukoy ay ang traydor na si Kiko at mga kasamahan nito Nang makita nya sa kanyang computer na tinatahak nina Kiko ang daan patungo sa lugar kung nasaan ang safe house ni Red ay mabilis silang naghanda at sumunod. Oo nga at malakas ang lider nila, pero alam nilang hindi tanga ang mga kalaban nila para sumugod nang walang laban "Drake bilisan mo!" madiing utos ni Aphrodite sa binatang nagmamaneho "Di mo ba nakikita na halos lumipad na tayo?!" hindi makapaniwalang tugon ni Drake. Inirapan lang naman sya ng dalaga s

