Chapter 11 Helleia's Point Of View Nanatili akong nakatitig kay Red habang ganoon din sya sa akin, nakatapat sa tenga nya ang kanyang cellphone dahil may biglang tumawag doon Labis-labis ang kabang nararamdaman ko dahil sa ideyang baka narinig nya ang mga pinag-usapan namin ni Percy. Ayoko! Hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko Natatakot ako. Natatakot ako na balewalain nya ang nararamdaman ko. Mahal ko sya, hindi ko alam kung kailan nagsimula, basta bigla ko nalang narealize na mahal ko na pala sya. Hindi nalang basta paghanga sa kanya ang nararamdaman ko, at alam kong masama ito at walang patutunguhan Paano kung hindi nya tanggapin ang nararamdaman ko—no! Siguradong hindi nya talaga tatanggapin. Para sa kanya, isa lang akong misyon. Alam ko, na ganoon ang tingin

