Chapter 10
Third Person's Point Of View
Bang
Pumutok ang baril. Ngunit hindi ang baril na hawak ni Aphrodite. May naunang bumaril sa kanya na hindi nagmula sa loob ng kwarto at hindi para kay Kiko ang bala kundi para sa dalaga na may hawak na baril. Nagawang maiiwas ni Phoenix ang katawan ng dalaga mula sa tama ng bala dahil nakita nito ang anino ng kung sino mula sa labas ng bintana ng kwarto ni Dart. May katapat na mataas na builing ang bahay na tinitirhan nila kaya nasisiguro nila na doon nanggaling ang putok
Bang
Bang
Bang
Bang
Ang isang putok ay nasundan pa ng maraming beses kaya agad silang yumuko.
Habang umaalingawngaw sa buong silid ang malakas na putok ng baril na nagmumula sa labas ay walang nagawa sina Aphrodite kundi ang yumuko at magtago upang mailigtas ang mga sarili mula sa mga balang umaatake.
Gumapang si Dart patungo sa ilalim ng kanyang kama at binuksan ang isang kahon doon na may lamang mga baril. Pinadulas nya sa sahig papunta kay Phoenix ang isang baril na hawak nya
"Nix!" tawag ni Dart kay Phoenix na hawak ang ulo ni Aphrodite at tinatakpan ang katawan ng dalaga sa pamamagitan ng sariling katawan.
Hindi na baleng matamaan sya, h'wag lang ang babaeng mahal nya
Agad na nakuha ni Phoenix ang baril samantalang binigyan din ni Dart ng baril ang iba.
Inihanda ni Phoenix ang sarili at tinantya ang layo nya mula sa bintana ng silid
Bang
Bang
Bang
"f**k, nakatakas si Kiko!" bulalas ni Edrix nang makita nitong wala na ang taong kanina lang ay binalak nilang patayin
Malutong na napamura silang lahat nang makitang wala na nga si Kiko. Nang matigil ang putok ay agad na tinakbo ni Dart ang switch ng ilaw at pinatay iyon. Sa ganoong paraan ay hindi sila makikita ng kung sino mang namamaril mula sa katapat na gusali ng kwarto.
Bukas ang bubog na sliding door sa kwarto ni Dart kaya kitang-kita sila sa loob kapag nakabukas ang ilaw
"Bullshit!" malutong na pagmumura ni Dart at sinubukan pang barilin ang tumatakbong si Kiko patungo sa isang kotseng nasa ibaba.
"Bastard!"
Napatingin sya kay Phoenix na nasa tabi nya. Masama ang tingin nito sa papalayong kotse na umikot pa at isinakay ang isang lalaking nakaitim na nanggaling sa katapat na building
Bang
Bang
Bang
Patuloy na binabaril ni Dart ang kotse at nakita nya sa ibaba sina Edrix na tinangka pang habulin ang papalayong kotse habang binabaril ito
"Damn it!" Inis na sinipa ni Dart ang trash bin na nasa gilid ng silid.
Galit na galit sya. Trinaydor na nga sila nito, binastos pa ang kapatid nya
"Magmumumog lang ako" paalam ni Aphrodite saka tinungo ang banyo ng kwarto ni Dart
Natahimik sila ni Phoenix, pareho silang nilalamon ng galit habang inaalala kung paano ngumisi si Kiko kanina habang sinasabing hinalikan nito si Aphrodite
Maya-maya ay nakatiim bangang na tumayo si Dart saka nilapitan ang kompyuter nya. Agad nyang in-scan ito upang malaman kung mayroon bang nakuha o nalamang impormasyon si Kiko. Mabuti na lamang at inalis nya kagabi ang mga importanteng dokumento sa computer nya at inilipat sa isang flashdrive
"May nakuha ba?" tanong ni Phoenix na nakatayo sa tabi nya
Kung alam lamang nya na tatraydorin sila ni Kiko ay hindi nya ito tinanggap sa grupo. Ito ang kahuli-hulihang naging miyembro ng grupo nila at hindi nya matanggap na nagawa sya nitong lokohin
"f**k!" malutong muli na pagmumura ni Dart nang makita nyang bukas ang isang folder na naglalaman ng impormasyon ng mga properties ni Red
Kunot noong tumingin si Phoenix aa kanya. "What?"
Nakita nyang lumabas din ng banyo si Aphrodite na mukhang narinig ang pagmumura nya at agad na lumapit sa kanila sina Edrix na kababalik lang
"Tangina nakuha nya ang location ng mga safe houses ni boss!" bulalas nya na ikinatigil ng lahat
"What the f**k?!" bulalas ni Vangrey saka sinabunutan ang sarili.
Mapapatay sila ni Red kapag may nangyaring masama sa heiress ng Vandross
"Aphrodite tawagan mo si boss, sabihin mo umalis na kaagad sila sa lugar na kinaroroonan nila. Edrix humanap ka ng bagong malilipatan nina boss. Kailangan ko namang hanapin ang lokasyon ni Kiko. Vangrey, Wayne, kayo nang bahala sa cctv at sa mga witness sa barilan kanina"
Agad na tumalima sina Aphrodite at Edrix. Umalis naman kaagad sina Vangrey at Wayne para gawin ang sinabi ni Dart.
Naiwan kasama nya si Phoenix sa silid na hanggang ngayon ay kuyom ang kamao, tiim ang bagang at madilim ang ekpsresyon sa mukha
Sya naman ay agad na hinarap ang kanyang kompyuter, mabuti na lamang at ang ginamit nyang baril ay ang bala na inimbento nya ang karga, ang bala nito ay may maliit na metal sa loob kasama ng pulbura at isa itong tracking device at natamaan nya ang sasakyang ginamit ni Kiko at ng mga kasama nito sa pagtakas
—CHANGE POV—
Red Falcon's Point Of View
Mula sa pagkakahiga ay agad akong tumayo nang makita ko si Helleia na lumabas ng bahay, kasama nya si Percy at seryoso silang nag-uusap
I don't want to eavesdrop pero hindi ko iyon maiiwasan dahil sinadya kong sundan sila dahil ayokong mawala sya sa paningin ko. Pakiramdam ko ay mamamatay sya oras na makalingat ako. Kaya if possible, babantayan ko sya 24 hours at iiwasan kong mawala sya sa paningin ko
Sinundan ko lamang sila hanggang sa makarating sila sa simentong hagdan hindi kalayuan sa pintuan kung saan ako tumigil. Sumandal ako sa hamba ng pinto saka humalukipkip at diretsong tinitigan ang likod ni Helleia
"Diba matagal mo nang kilala si Red, ano pang alam mo tungkol sa kanya?" mahina lamang ang pagtatanong ni Helleia ngunit hindi iyon naging hadlang para marinig ko ang pinag-uusapan nila
Bakit nagtatanong sya tungkol sakin? At bakit si Percy ang tinatanong nya? Bakit hindi ako?
"Young miss, he's someone who's cold as ice but when you get to know him, you'll love him in an instant" Percy answered
Hindi ko alam kung anong irereact ko sa isinagot ni Percy. Should i smile or what. I don't know. Just the thought of Helleia asking informations about me made me smile like a freak and sick bastard. What's with me?
"Ganoon? Gusto ko pa syang makilala Percy. Pero hindi ko alam kung paano sya kakausapin e" rinig kong sagot ni Helleia.
Am i that hard to approach? Pakiramdam ko hindi ako naging mabuti kay Helleia. Hindi ba sapat ang pagpoprotekta ko sa kanya? Bakit nahihirapan syang lapitan ako?
That thought made my heart ache. I feel suffocated.
"You know how, young miss. You're just afraid to approach him because there's something stopping you" sagot pa ni Percy
This guy is really made to comfort her
"Tama ka, Percy. Pinipigilan ako ng nararamdaman ko. Pinipigilan ko rin ang nararamdaman ko dahil pakiramdam ko hindi tama at walang patutunguhan to" mahinang litanya ni Helleia dahilan para kumunot ang noo ko
Nararamdaman? She's keeping herself from feeling what she feels? What the hell. I don't understand. I really suck at identifying feelings and emotions
"You're wrong, young miss. Remember the saying, everything happens for a reason? You're feeling that emotion because it will lead you to something that will make you happy or learn things from it" Percy's words made me realize some things
Is it really meant to be like this? Am i really destined to protect Helleia? Can i still be with her till the end of the day? I want to stay by her side and i will definitely stay, no one, not even hell or fate can separate our ways
"You know how i feel?" muling bumalik kay Helleia ang atensyon ko.
Gulat syang nakatingin kay Percy habang namimilog ang mga mata
Definitely, Helleia
"Yes young miss" walang pag-aalinlangang sagot ni Percy
Nakita ko kung paano lumunok si Helleia, ang unti-unting pamumula ng tenga nya at ang mabilis nyang pag-iwas ng tingin kay Percy.
What the hell? Did she just...blush?
"P-Paano m-mo nalaman?" my eyebrows made a straight line.
Why is she stuttering?
"I just know. Don't worry, young miss, i wont tell Red" my heartbeat instantly went rapid for i don't know what reason.
Anong hindi sasabihin sakin?
"Promise? Wag mong sasabihin sa kanya ha. Ayokong malaman nya" my expression went blank after hearing her said that.
She's keeping a secret from me. Why is that?
"You're keeping something from me?" hindi ko naitago ang malamig at iritadong tono ng boses ko.
And i saw her stiffened upon hearing my voice. Huh! Ganoon ba kahalaga ang itinatago nya para magreact sya ng ganyan?
"R-Red" she stood on her feet as she eyed me with a shock expression. I glance at Percy and stared back at Helleia
"R-Red kasi—"
Ring ring ring
She was cut off by the sudden ring coming from my phone. I fished out the ringing object from my pocket and stared at the screen. It was Dart who's calling
Ibinalik ko kay Helleia ang tingin ko habang hawak ko ang cellphone ko. I want to talk to her, but Dart won't call me without a valid reason
Without breaking the eye contact with her, i answered the call. "Hello"
[This is Aphrodite, you have to move out..again. Kiko is a traitor. We're sorry, boss. Hindi namin inaasahan ang bagay na to] i gritted my teeth and ended the call. That bastard!
—