Chapter 9
Helleia Demetria’s Point of View
Nakatayo ako habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Hindi ko mapagkakaila ang magandang hubog ng katawan ko pero kitang-kita rin ang kanipisan nito.
Ang payat ko!
Bakit ba hindi ako tumataba? Ni hindi manlang nga ako nalilipasan ng pag kain pero parang hindi nagbabago ang katawan ko.
Tok tok tok
Napatingin ako sa pinto nang may kumatok mula sa labas. Lumapit ako doon at agad na binuksan. Sumalubong sa akin ang seryosong mukha ni Red
Heto nanaman. Nagsisimula nanamang magwala ang puso ko at ang kakaibang pakiramdam sa kaloob-looban ko.
Naalala ko ang ginawa nyang pag-alalay sakin kanina habang papasok sa loob ng bahay. Ang kamay nyang magaspang pero naghatid ng bolta-boltaheng kilig sakin nang lumapat 'yon sa kamay ko
Bumaba ang tingin ko sa kamay nya mula sa seryoso nyang mukha. Isang plastik ang nakita kong bitbit nya kaya nangunot ang noo ko.
Ano naman 'yon?
"Take this and change"
Matapos nyang sabihin ang mga salitang 'yon ay inilagay nya sa kamay ko ang dala nya at bahagya akong itinulak paatras. Sya na rin mismo ang nagsara ng pinto ng kwarto ko kaya napanganga ako nang mawala sya sa paningin ko
What was that?
Naiiling na ibinaling ko ang tingin ko sa ibinigay nya at halos mawalan ako ng balanse nang makita kung ano 'yon.
K-Kaya ba bigla nya akong inaya papasok kanina pagkatapos ay nagpaalam sya na may bibilhin lang? Kaya ba habang naglalakad kami ay medyo nagpapahuli sya at tila tinatakpan ang likuan ko?
Waaaahhhh! I have my period and it's so damn embarrasing!!!!
***
Dart Lerox's Point Of View
Sisipol-sipol kong ibinagsak sa sofa ang sexy at hot kong katawan saka sumandal sa sandalan at pumikit ng mariin.
Hays! Nastress ako ng sobra sa pinagawa ni boss Red nitong mga nakaraang araw. Akalain mong paunahin akong pumunta sa safe house nya at pinacheck kung safe ang lugar na agad ko namang sinunod pero hindi manlang ako pinakain.
Damn! Nang dumating sila doon ay nasa gilid pa ako at palabas palang sana. Nakita ko yung prinsesa nya kaya balak ko sanang lumapit at magpakilala pero tiningnan ako ni boss gamit ang matalim nyang tingin. Tsk tsk
Kahapon pinatapos nya sakin yung basurang naiwanan nila nina Percy sa dati nilang bahay. Iyong mga traydor na kaibigan ng prinsesa nya at kanina pinakalap nya ako ng impormasyon tungkol sa iba't-ibang grupo na nasa ilalim ng Viraxx at mga miyembro noon
Hays!
Hirap talaga maging gwapo. Ako palagi ang nakikita ni boss at paborito nyang utusan dahil walang kwenta naman yung ibang mga kasamahan ko. Hinahayaan ko nalang sila dahil masyado akong gwapo para pag-aksayan sila ng kagwapuhan. Baka mairita pa sila pang kinompronta ko sila dahil wala silang laban sa kagwapuhan ko
Oo nga pala, ako si Dart Lerox Wesley. 20 years old. Ang pinakagwapong nilalang na nabubuhay sa balat ng lupa. Naku walang makakatalo sa kagwapuhan ko, kahit pa si boss Red. Basta wag nyo lang sasabihin sa kanya. Haha
Teka nga! Bakit ba nag-iisa ako dito sa bahay? Ang alam ko ay nandito rin yung mga gagong Edrix, Phoenix, Drake, Vangrey Wayne at ang kapatid kong amazona na si Aphrodite. Nasan na ba ang mga panget na yon! Bat naiwan ang kagwapuhan ko dito mag-isa? Tsk tsk.
Oh! Baka naman narealize na nila na walang-wala silang laban sa gwapo kong mukha kaya lumayas na
"Hoy tarantado wag mong sakupin yang buong sofa!"
Mabilis akong napamulat at inis na inirapan si Drake nang sipain nya ang binti ko paalis sa sofa. Putanginang bastos ng hayop na to!
"Bwiset akala ko mahahalikan ako nung pokpok na yon" frustrated na ibinagsak ni Wayne ang katawan nya sa kabilang sofa habang kunot na kunot ang noo.
Agad ding napakunot ang noo ko nang mapansin kong nakasandal sa couch si Vangrey habang nakalupagi sa sahig at hinihilot naman ni Phoenix ang sintido nya. Saan ba nanggaling ang mga to? Ang alam ko ako lang ang may misyon ah
"Tangina saan kayo nanggaling?" Tanong ko habang pinananatili ang aking kagwapuhan sa kabila ng kunot na kunot kong noo.
"May tinatapos kaming misyon. Tanginang X Clan yan puro pokpok ang babaeng miyembro" nagulat ako sa isinagot ni Wayne.
Wow! Ibig sabihin hindi lang ako ang binigyan ni boss ng misyon. Tangina ang saya ko, mas pagod sila kesa sakin. Kahit papaano pala mahal ako ni boss hihi
"Ano pa?! Kung makalingkis kala mo sawa!" Dagdag pa ni Drake.
Puta gwapo ako pero di ko gets. Ano bang misyon nila at mukhang haggard na haggard sila? Saka nasan ba ang kapatid ko?
"Balak ko na ngang saksakin e, kundi lang ako mapapatay ni boss" dagdag pa ni Drake.
Darn! Nakakabawas ng kagwapuhan ang pagiging chismoso pero hindi ko gusto ang ideya na nao-out of place ako at nakikinig lang na parang timang
"Ipaliwanag nyo nga ang misyon nyo. Bakit binigyan kayo ni boss ng bukod na misyon?" Tanong ko.
Tumingin sakin si Phoenix tapos agad nyang tiningnan si Wayne at tumingin si Wayne kay Drake, tumingin naman si Drake kay Vangrey na agad namang nilingon si Edrix. Ginagago ba ko ng mga ulol na to?
"Kase gwapo kami" sagot ni Edrix kaya ngumiwi ako.
Nangarap ang hayop. "Dude kung mangangarap ka yung kanais-nais naman" umiikot ang mata na sabi ni Vangrey.
Tangina nitong mga gagong to, isumbong ko kaya sila kay boss?
"Inutusan kami ni boss na pumunta sa Devil's Bar para matyagan yung mga miyembro ng X Clan na pakalat-kalat don. Tangina mga pokpok na X Clan girls ang nandon" nangingiwing sagot ni Drake.
Muntik na akong mapabunghalit ng tawa kung hindi lang ako nakarinig ng malakas na kalabog mula sa itaas. Mabilis akong tumayo at tumingin sa kwarto ko kung saan nakikita ang pinto noon mula sa kinatatayuan ko
"May tao ba dito bukod satin?" Tanong ni Phoenix pero hindi ako sumagot.
Muling kumalabog sa itaas at nasisiguro kong galing iyon sa kwarto ko. Mabilis akong tumakbo patungo sa hagdan. s**t! Maraming mga importanteng bagay doon at hindi ko naishutdown ang computer ko dahil gumawa ako ng panibagong tracker app.
Tangina!
Mabilis kong narating ang harap ng kwarto ko at agad kong pinihit ang ang seradura ng pinto at itinulak iyon pabukas. Sumalubong sa akin ang likod ni Aphrodite na tumilapon mula sa pagkakasipa ng taong kasama nya dito sa loob ng kwarto ko.
Namilog ang dalawang mata ko matapos kong makita ang gilid ng labi ni Aphrodite na may dugo, may gasgas ang gilid ng kanyang pisngi at nakahawak sya sa kanyang tiyan
"What the f**k!"
Matalim na tingin ang ibinato ko sa lalaking nasa kabilang bahagi ng kwarto ko. Narinig ko ang yabag nina Phoenix na pumasok din sa loob ng kwarto ko at agad na nagmura nang makita si Aphrodite na may mga galos
"Putangina Kiko anong ibig sabihin nito?!" Gigil na bulyaw ko kay Kiko.
Ang isa sa bagong kasamahan namin. Imbes naman na matakot sya tulad ng dating reaksyon nya kapag sumisigaw ako ay hindi, ngumisi pa sya na parang isang demonyo. Putang'na!
"Kuya, naabutan ko syang pinakikialaman ang computer mo"
Saglit akong napasulyap kay Aphrodite saka muling tiningnan ng matalim ang traydor na nasa harapan ko habang mariing nakakuyom ang aking kamao. Sya ang huling miyembro ng grupo namin at labing isang buwan pa lamang simula nang dumating sya tapos malalaman ko nalang na tatraydorin nya lang pala kami. Damn!
"What's the meaning of this, Kiko?" Malamig na tanong ni Edrix na katulad ko ay gigil na gigil din.
Mas ngumisi pa ang gagong kaharap namin saka sumandal sa gilid ng lamesa kung nasaan ang computer ko.
Putangina! "Hindi ko alam na ganoon lang kadaling pasukin ang grupo nyo. Shadows huh" mas tumalim ang tingin ko sa kanya dahil doon.
Mas mabuti pang patayin ko na sya bago pa si boss ang pumatay sa kanya
"Sayang, hindi ko manlang nalaman kung sino ang boss nyo. Hindi naman kasi pumunta iyon dito simula nang dumating ako. Pero mukhang walang kwenta rin naman ang lider nyo kaya hindi ko na hinintay na makilala sya" pangisi-ngising litanya nya.
Akmang susugurin sya ni Wayne nang pigilan ito ni Phoenix. Kahit ako kay nagtitimpi nalang rin. Kailangan kong malaman kung saang grupo sya nabibilang at anong totoong pakay nya
"Ano talagang pakay mo, Kiko? Bakit ka pumasok sa kwarto ko?" Walang emosyong tanong ko habang nakatiim-bagang at kuyom na kuyom ang kamao.
"Pakay ko? Tsk. Miyembro ako ng Viraxx at gusto kong ipaghiganti ang ginawa nyo sa kakambal kong si Kian!"
Nangunot ang noo ko sa isinagot nya pero agad din akong naliwanagan nang maalala ko ang lalaking pinatay ni boss isang taon na ang nakalipas.
Tinangka ng Kian na yon na kidnapin ang heiress ng Vandross Mafia kaya pinatay ni boss
"Dapat lang syang mamatay" walang emosyong sagot ni Vangrey at nakita ko ang pagtiim-bagang ni Kiko dahil doon.
Napangisi ako dahil sa nakikita kong galit sa kanyang mga mata. "At dahil doon, dapat lang din kayong mamatay" matigas na sagot ni Kiko.
Nakita kong humakbang ng isa si Phoenix saka matalim na tinitigan ang traydor na nasa harapan namin
"f**k you, Kiko. You and your stupid brother" mahina ngunit matalim na pagmumura ni Phoenix.
Saglit na tumalim ang tingin ni Kiko sa kanya ngunit agad ding ngumisi.
Fuck! He's crazy. "Yeah i'm stupid enough to kissed your Aphrodite lips. She's sweet as a honey" tila umabot sa ulo ko ang kumukulo kong dugo saka marahas na nilingon si Aphrodite na galit na galit na nakatingin kay Kiko
"ASSHOLE!"
Mabilis ko syang sinugod at agad na pinagsusuntok. Ibinalibag ko sya sa pader at sa sobrang galit ay muli ko syang sinugod at pinagsusuntok muli. Lumalaban sya pero dahil labis labis na galit ang nararamdaman ko ay hindi ko sya binigyan ng pagkakataon na gumanti
Putangina he kissed my sister! Hindi ko matanggap! Ni hindi ko nga pinapayagan si Phoenix na ligawan ang kapatid ko tapos hahalikan nya.
Putangina talaga! "DIE YOU PIECE OF s**t!" Sigaw ko habang binubugbog sya hanggang sa may kamay na pumigil sa akin at nilayo ako sa putanginang traydor na manyak
"Bitawan nyo ko!"
Singhal ko kina Drake at Edrix pero inirapan lang ako ng dalawang gago. Napatingin ako kay Phoenix na biglang lumapit sa may paanan ni Kiko habang may hawak na baril. Nangunot ang noo ko nang hilahin nya si Aphrodite at handa ko na sana syang bulyawan nang iabot nya kay Aphrodite ang baril na hawak nya
"Shoot him for me and for kissing you" utos ni Phoenix dito.
Agad na kinuha ng kapatid ko ang baril habang masama ang tingin kay Kiko na nakatingin lamang din sa kanya.
"Son of a b***h!" malutong na pagmumura ni Aphrodite saka walang pag-aalinlangan na ipinutok ang hawak na baril na nakatutok kay Kiko
Bang
-