Chapter 8

2021 Words
Chapter 8 Helleia Demetria's POV Nakangiting nag-unat-unat ako ng braso. Marahang kinusot ang mga mata ko at bumangon sa kama. "Rise and shine! Good morning to myself" hyper na bulalas ko habang nakaunat ang mga braso. Hmmm. Ang sarap ng tulog ko. Masaya rin kasi ako na napangiti ko si Red sa gabi ng birthday nya. Nakakatuwa naman na sa unang pagkakataon ay ngumiti sya at ako pa mismo ang dahilan kung bakit nya nagawang ngumiti. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng ginhawa dahil nakabawi ako sa kasalanan ko sa kanya, sa pagsuway ko sa kanya Drianna..Jayson.. Napasimangot ako nang maalala ko sila. Trinaydor nila ako. Pero hindi ko magawang magalit sa kanila dahil may dahilan sila para gawin yon. May galit sila sa angkan na pinagmulan ko at hindi lang basta-basta ang nagawa ng angkan ko sa pamilya nila. Pero ano nga ba ang dahilan kung bakit nagawa iyon ng pamilya ko sa pamilya nila? Gusto kong malaman, at malalaman ko lamang iyon kung magtatanong ako sa isang tao na alam kong alam ang lahat ng tungkol sa akin at sa pamilya ko Mabilis kong tinungo ang banyo ng kwartong kinaroroonan ko saka nagmamadaling nagtoothbrush at naghilamos. Matapos kong gawin sa mabilis na paraan ang morning rituals ko ay agad akong lumabas ng kwarto at tumakbo patungo sa kusina kung saan naabutan ko sina Percy at Red na nag-uusap. Gusto ko sanang marinig ang pinag-uusapan nila pero naramdaman yata nila ang pagdating ko kaya natahimik silang dalawa "Good morning, young miss" bati sa akin ni Percy saka sya tumayo at nilapitan ako. Inilahad nya ang palad nya sa harap ko at tinanggap ko naman iyon. Iginiya nya ako paupo sa upuan na inalisan nya sa harap ni Red at doon pinaupo, sya naman ay naupo sa upuan na may isang upuang pagitan mula sa akin. Sandali kong tinitigan si Percy, minsan napapaisip nalang ako kung bakit masyado syang formal kung magsalita at wagas din sya kung gumalang sa akin. Hindi ko alam ang edad nila nina Lei pero nasisiguro ko na mas matanda sila sa akin tulad ni Red kaya bakit ganoon nalang kaformal ang pakikipag-usap nila sa akin. Minsan nawawala ang formalities nila, pero hindi nagtatagal ay bumabalik din agad "What do you want for breakfast, young miss?" Napatingin ako sa gilid nang may biglang nagsalita. Sinalubong ako ng walang emosyon na mga mata ni Jelly. Diretso syang nakatingin sa akin habang may suot na apron. Napahawak ako sa gilid ng labi ko saka sandaling nag-isip. Ano bang gusto kong kainin? Hmm. "Gusto ko ng pancake!" Nakangiting bulalas ko. Tipid lamang na tumango si Jelly saka naglakad paalis sa gilid ko. Hinabol ko ng tingin si Jelly pero dahil sa likuran sya ni Red dumaan ay nagtama ang paningin namin ni Red na nakatitig pala sa akin. Agad akong nakaramdam ng pagkailang at napaiwas ako ng tingin. Bakit ba sya nakatitig? "You need something?" Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ako ng magagandang mata ni Red. Bakit ba sa tuwing tumitingin ako sa mga mata nya ay para akong nalulunod? Lumalakas din ang t***k ng puso ko at hindi ako mapakali. Para bang mayroong bagay sa kanya at sa mga mata nya na pilit akong hinihigop at nilulunod sa hindi ko maipaliwanag na dahilan "You came all the way here running. Tell me what you need, Helleia" muling nagsalita si Red kaya tila natauhan ako at bumalik sa realidad. Napalunok ako saka kinagat ang pang-ibaba kong labi. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Bukod sa kinakabahan ako sa maari kong malaman ay hindi ko mahanap ang tamang salita na gagamitin. Para akong napipi at hindi makapag-isip ng matino "Uhmm..Red.." Panimula ko. Aish! Bakit ba nawawala yung sasabihin ko? "Yes Helleia?" Kumurap ako ng tatlong beses at sinalubong ang malalamig na tingin ni Red. Humugot ako ng isang malalim na hininga saka mariing ipinikit ang aking mga mata at muling dumilat. "A-Anong nangyari sa pamilya nina Drianna? Bakit sila pinatay ng pamilya ko?" Tanong ko saka kinagat ang pang-ibaba kong labi. Napansin kong hindi nagulat si Red, siguro ay inaasahan na nya na itatanong ko ang tungkol sa bagay na yon. Gusto ko kasi talagang malaman ang totoong nangyari. Kahit papaano naman kasi ay naging mabuting kaibigan sina Drianna at Jayson sakin "They thought Vandross Mafia betrayed them. Viraxx killed the X Clan's big boss and put the blame on Vandross Mafia" matipid na sagot ni Red pero tila ba agad na naliwanagan ang isip ko. Hindi nya ipinaliwanag ng buo pero bakit agad kong naintindihan ang paliwanag nya? "Kung ganoon, marami nga talagang kalaban ang Vandross Mafia" nakatungong sambit ko. Ngayon ay mas naging malinaw sa akin kung bakit ganoon nalang kahigpit si Red sakin. Ayaw nya akong mapahamak at trabaho nyang protektahan ako. Napakagat ako ng pang-ibabang labi nang maalala ko ang ginawa kong pagsuway sa kanya "Uhmm sorry nga pala ulit sa pagsuway ko sayo" nahihiya at mahinang paghingi ko ng paumanhin kay Red. "It's fine, Helleia" matipid na sagot nya. " "Pero bakit ganoon? Matagal na akong kilala nina Drianna pero bakit hindi agad nila ako pinatay?" Nagtatakang tanong ko. Totoo naman e. Marami silang pagkakataon para patayin ako noon pero hindi nila ginawa. Ano kayang dahilan nila? "Because they have plans, young miss. And that plan is to trick you but they found out that we are investigating about them so they dropped their plan and attacked us" paliwanag ni Percy dahilan para umawang ang bibig ko. Ibig sabihin, una palang ay pinaghihinalaan na nila sina Drianna? Pero bakit hindi nila sinabi sakin para nakaiwas ako sa dalawang iyon? Bumuntong-hininga ako at iwinaksi ang pinag-uusapan namin sa pamamagitan ng pagtatanong at pagbubukas ng bagong topic. Ayoko nang pag-usapan sina Drianna "E diba ang sabi mo hindi magiging banta ang Morfell Organization? Kilala mo ba ang big boss nila? Baka makatulong sya sa atin para labanan ang mga kalaban. Nag-iisa ang Vandross Mafia tapos dalawa ang X Clan at Viraxx. Alam natin na darating ang lahat sa isang laban, sa tingin ko hindi natin makakaya ang mga kalaban" malungkot na litanya ko. Hindi malabong maubos ang angkan ko at mamatay pati ako kung umabot na sa puntong maglalaban na ang mga organizations. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Sa nangyari nitong nakaraan ay napag-isip-isip ko rin na kailangan kong maging matatag at matutong lumaban para kung sakaling dumating man ang araw na kinatatakutan ko, atleast magagawa kong ipaglaban ang angkan na pinagmulan ko at ang buhay ko "I can protect you without any organization involved" matamang napatitig ako sa kanya dahil sa isinagot nya. Bakit pakiramdam ko nalalaman nya lahat ng gusto kong sabihin na hindi ko masabi-sabi? Ang totoo ay natatakot akong mamamatay kaya gusto kong humanap ng marami pang magpoprotekta sa akin. Selfish na kung selfish pero hindi pa ako handang mamatay. Hindi sa kamay ng mga kalaban ng angkan ko "Natatakot ako para sa sarili ko, Red. Hindi ako marunong makipaglaban. Mahina ang kalooban ko at hindi pa ako handang mamatay" naiiyak na sabi ko ulit. Nakita kong tutok na tutok sa akin ang buong atensyon ni Percy na nakikinig at titig na titig naman sa akin si Red. Sana naging kasing tapang nalang nila ako. Iyong tipong kahit ano pang dumating ay kaya kong harapin at maipaglalaban ko ang sarili kong buhay "Ayokong mamatay, Red! Hindi pa ako nakahanda para sa bagay na yon. Marami pa akong pangarap sa buhay" tuluyang tumulo ang luhang pinipigilan ko. Kinagat ko ang loob ng aking pisngi upang pigilan ang aking paghikbi at pasimple kong pinunasan ang luha ko. Sa totoo lang natatakot akong maging mahina dahil baka magsawa sila sa pagpoprotekta sa akin. Hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko kaya buong buhay ko ay ipinagkakatiwala ko sa kanila, lalong-lalo na kay Red. Panatag ang kalooban ko kapag kasama ko sya at hindi ko alam kung anong mangyayari sakin kapag nawala sya. Hindi ko kayang mag-isa "Who said I'll let you die? As long as i'm breathing, you don't have to be scared. And even if i die, i will do everything to come back and protect you again" kumabog ng napakalakas ang dibdib ko matapos kong marinig ang mga salitang iyon mula sa lalaking kaharap ko. Nakatitig lamang sa akin si Red gamit ang walang emosyon nyang mga mata ngunit damang-dama ko ang senseridad nya sa kanyang sinabi. Natagpuan ko ang lubos na kasiyahan sa aking puso matapos nyang sabihin ang mga salitang yon. Mga salitang naghatid ng bilyon-bilyon ng kakaibang pakiramdam sa akin Para akong nahihipnotismo ng tingin nya. Hindi ko magawang alisin ang pangin ko sa kanya at ganoon din sya sakin "Red, please protect me. Protect me even if it means risking your life. And if you die, please come back again no matter what. Please protect me at all cost" humihikbing litanya ko habang nakatitig sa mga mata nya. Those mesmerizing cold eyes became my favorite part of him. It may look so cold but it shows me no lies. I can see something in his eyes that makes me wanna keep him and be with him everywhere he goes This guy is making my heart flutter. This cold guy, the sweetest cold guy. "Just like what I've said. I will protect you with all my life. It's not just a promise but a swear. And one more thing, nothing, even death would never stop me from protecting you" *** Nakangiti ako habang nagdidilig ng mga halaman sa gilid ng bahay. Kasama ko sina Jelly, Kei at Lei. Sina Percy at Red ay nasa gilid kung saan may upuan. Nililinis ni Percy ang mga baril sa lamesang kaharap nya habang walang patid naman ang pagtitig sakin ni Red. "Jelly, matagal nyo na bang kilala si Red? I mean, oo matagal na tayong magkakasama pero noong hindi nyo pa ako kilala, nakakasama nyo na ba si Red?" Tumigil si Jelly sa pagdidilig at tiningnan ako. Wala pa ring emosyon ang mga mata nya at kahit kaonting gulat ay wala akong nakitang dumaan sa mukha nya. Para bang inaasahan nya na ang itatanong ko. "We met him right after Mr. Vandross send us to protect you" Napatango-tango ako at sinulyapan si Red na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sakin. Hindi sya natitinag sa pagtitig sakin na kahit nahuli ko ang mga titig nya ay tila wala syang pakialam. Bigla syang tumayo at binitbit ang isang baso ng tubig na nakapatong sa lamesang nasa gilid nya. Napalunok ako nang magsimula syang maglakad palapit sakin habang hindi natitinag sa pagtitig sa mga mata ko. Napasinghap ako nang tuluyan syang makalapit. Kinuha nya ang hawak kong pandilig at bahagyang yumuko para ibaba yon nang hindi bumibitaw sa titigan namin "Drink" isang salita lamang ang binitawan nya habang iniaabot sakin ang isang basong tubig pero ang puso ko ay agad nagwala. Mabilis kong kinuha ang baso at inubos ang malamig na tubig na laman niyon. Muli nyang kinuha sakin ang baso at gamit ang likod ng palad nya ay pinunasan nya ang pawis sa noo ko na sigurado akong wala naman kanina. "Let's go inside?" tanong nya saka inilahad ang kamay nya sa akin Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko saka ipinatong ang kamay ko sa kamay nya. Agad naman nya akong iginiya papunta sa direksyon ng pinto ng bahay. Nakita kong nagpatuloy sa pagdidilig sina Jelly at nakatingin naman sa amin si Percy. Naramdaman ko ang mas pagtindi ng init sa pisngi ko dahil nakita kong pinagmamasdan kami ni Percy. Nahihiya ako sa kanya, sa kanila pero dahil sa masarap na pakiramdam ng paglalapat ng balat namin ni Red at mahigpit na pagkakahawak nya sa kamay ko ay tila naglaho ang hiyang nararamdaman ko. Tanging ang malakas na pagpintig ng puso ko ang inaalala ko ang paglalakad namin ni Red habang nakahawak sya ng mahigpit sa kamay ko. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. I think i like him —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD