Chapter 7
Helleia Demetria's POV
Tanghali nang makarating kami sa pupuntahan namin. Tahimik ang buong lugar at may ilan-ilang bahay kaming nadaanan na mukhang wala nang nakatira.
Walang tao sa buong subdivision pero mukhang hindi naman ito inabandona dahil kitang-kita ko kung gaano kalinis ang paligid.
Manghang napatingin ako sa paligid, nasa isang hindi kalakihang bahay kami pero sobrang ganda ng paligid. Medyo malamig ang simoy ng hangin dito at langhap na langhap ko ang amoy ng mga bulaklak na nasa paligid ng bahay. Sobrang ganda! Sobrang ganda dito.
Nasa mataas na parte ng lugar ang bahay at may hindi kahabaan na simentong hagdan bago tuluyang makarating sa tapat ng mismong bahay. Ang daanan at paligid ay puno ng mga makukulay na bulaklak at mga berdeng damo, puno at halaman
"Sobrang ganda dito!"
Manghang sabi ko habang nakapikit at nakaspread ang mga braso. Nilalanghap ko ang sariwang hangin na napakasarap sa pakiramdam
Maya-maya ay naamoy ko ang isang pamilyar na amoy. Pabango ito ng lalake na hinaluan ng natural na amoy ng may-ari na sobrang kilalang-kilala ko. Alam kong nasa harapan ko ang taong may-ari ng amoy na nalalanghap ko pero pinanatili kong nakapikit ang mga mata ko habang nakaguhit sa mga labi ko ang napakatamis na ngiti. Ang sarap sa pakiramdam na naamoy ko sya kasama ng amoy ng sariwang hangin at mga bulaklak
"Gusto ko dito, Red. Dito ba tayo titira ng matagal?" tanong ko matapos kong imulat ang mga mata ko.
Tumambad sa paningin ko ang pokeface na mukha ni Red habang diretsong nakatingin sa mga mata ko ang madilim at walang emosyon nyang mga mata
"Yeah. We will stay here for as long as it's safe for you" sagot nya matapos tumango ng dalawang beses.
Pinanatili ko ang ngiti sa mga labi ko at agad ko syang niyakap ng mahigpit. I'm so blessed to have him. He's always there for me
Syempre nagpapasalamat din ako kina Percy, Kei, Lei at Jelly. Kahit hindi man nagpapakita ng emosyon ang mga taong kasama at katuwang ko sa buhay ay naging kaibigan ko na sila at higit sa lahat ay pamilya.
Oo, nasaktan ako nang malaman kong niloko ako nina Drianna. Pero kakayanin ko na wala akong kaibigan, basta nandito sina Red
"Thank you, Red" sinsero at mahinang bulong ko sa kanya habang mahigpit akong nakayakap sa kanya.
Ang pisngi ko ay nasa dibdib nya habang nakangiti pa rin ako
Hinaplos nya ang buhok ko habang ang isang kamay nya ay nasa likod ko at bahagyang nakayakap sya sakin
Malakas ang pagpintig ng puso ko at labis ang labang nararamdaman ko ngayong mahigpit akong nakayakap sa kanya pero parang ayokong bumitaw dahil sa magaang pakiramdam at kiliting nararamdaman ko sa puso ko.
I just want to hug him everyday
"Anything for you, my queen" mas lalong lumapad ang ngiti ko dahil sa sinabi nya.
My queen.
Napakasarap sa pakiramdam. Ramdam ko ang halaga ko. Ramdam ko ang kaligtasan ko at higit sa lahat, ramdam ko ang mas malakas na pagpintig ng puso ko at ang paglala ng mumunting kiliti sa tyan ko.
If i am his queen, then he should be my knight. Because i don't need a king who will give me everything i need. I want a knight who will protect me until my very last breath
"Let's get inside. I'm sure you're already starving"
Humiwalay sya sa yakap ko saka hinawakan ang braso ko at iginiya ako paakyat sa hindi kahabaang hagdan hanggang sa makarating kami sa main door. Percy opened the door for us at ako ang una nilang pinapasok
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng bahay. Wala syang second floor, pero napakaganda, napakapresko at napakarelaxing ng paligid. Isang simpleng bahay lamang ito na kahit kailan ay hindi ko pagsasawaang pagmasdan.
Para itong isang simpleng palasyo na punong-puno ng buhay at pag-asa
"Red" tinawag ko si Red na nakaupo sa isang single couch.
Si Percy ay ipinapasok ang mga gamit namin at dinadala sa mga kwarto
"Hmm?" Isang kalmadong ungol lamang ang isinagot nya bilang tugon.
Lumapit ako sa kanya at naupo sa mahabang couch habang nakaharap sa kanya. May dalawang hakbang kaming pagitan pero ang kakaibang kuryente sa kalamnan ko ay ramdam na ramdam ko
"Kaninong bahay to?" Tanong ko.
Kasi naman, ang bilis nyang makahanap ng malilipatan namin. Parang kahapon lang sinabi nya na lilipat kami tapos ngayon ay nandito na kami agad-agad
"This is my property" sagot nya na ikinagulat ko.
Hindi ko alam na may ganito pala syang property—i mean, palagi syang nasa bahay kasama namin nina Percy, ilang taon na rin kaming magkakasama pero ni minsan ay wala syang binanggit na may ganito syang bahay. Oo mayaman sya pero ko akalaing ganito sya kayaman, i mean, walang ibang tao sa buong subdivision at halata namang ang tinutukoy nyang pag-aari nya ay ang buong subdivision
Pero sa bagay, wala naman kasi akong alam tungkol sa kanya maliban sa pangalan nya. Ni hindi ko nga alam kung saan sya nanggaling. Paano sya naging mafia reaper at kung Red Falcon ba talaga ang totoong pangalan nya
"Uhmm..Red, anong favorite color mo?" Maya-maya ay tanong ko.
Great, Helleia, san nanggaling 'yon?
Tumingin sya sakin ng diretso na para bang binabasa nya kung ano ang nilalaman ng isip ko. Well, I just want to know him more. Ako kasi, halos lahat na yata ng bagay tungkol sakin ay alam nya. Samantalang ako, ni edad nya hindi ko alam. Hindi naman kasi nya sinasabi, saka hindi naman ako nagtatanong kaya siguro hindi nya sinasabi
"Red and Grey" tipid na sagot nya dahilan para mapangiti ako.
He's willing to let his guard down infront of me. Sinasagot nya ang mga tanong ko at sa tingin ko ay okay lang naman na magtanong ako ng magtanong sa kanya
Is this the beginning? Makikilala ko na ba sya ng husto? I'm hopinh
"Bagay sayo ang red at grey..uhm, ilang taon ka na?" muling tanong ko saka kinagat ang pang-ibaba kong labi
Sana naman ay hindi sya magalit sa mga tinatanong ko. Gusto ko lang naman syang makilala pa e
"Thanks!" pasasalamat ko kay Jelly at Lei na silang nagdala ng pizza at juice sa akin. Inabutan naman ni Lei ng kape si Red.
Sinilip ko ang kape ni Red, black coffee iyon at natatakam ako. Hindi pa ako nakakainom ng purong kape dahil puro gatas ang ibinibigay sakin nina Kei. Hindi naman ako nagrereklamo kaya siguro nakasanayan na rin nilang gatas ang ibigay sa akin
"I'm 20 years old" tipid muli na sagot nya.
Nagulat ako. 20 years old palang sya? Sabagay, mukha naman talaga syang bata pa. Kung ganon mas matanda nga talaga sya sakin. Pero paanong naging isang businessman at mafia reaper sya sa murang edad?
Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero hindi ko alam kung paano itatanong
"Kain kayo, Jelly, Lei" alok ko kina Jelly saka sumimsim ng juice.
Si Red naman ay sinimulan nang higupin ang kape nya. Gusto ko talaga ng black coffee, parang ang sarap sa lalamunan at nakakarelax
"Sa kusina nalang kami kakain, young miss" ngiti at tango lamang ang isinagot ko kina Jelly saka muling hinarap si Red
"Uhm..kailan ka nagtwenty?" tanong ko nanaman.
Hindi kaya, sapakin na nya ko dahil sa katatanong ko? Hindi naman sana
"Just now" sagot nya dahilan para manlaki ng husto ang mga mata ko.
Mabilis kong kinuha ang cellphone ko na nakalagay sa bulsa ng pantulog na suot ko at tiningnan ang calendar. Today is November 4. November 4 ang birthday nya. Sana pala ay matagal ko na syang tinanong tungkol dito para naman kahit papaano ay nakabili ako ng regalo para sa kanya
"Bakit hindi mo sinabi? I should have bought you a gift" sabi ko habang medyo nakasimangot.
He stared at me for a second saka ibinaba ang tasa ng kape nya na kanina'y puno at umuusok pa pero ngayon ay wala nang laman. Ang bilis nya makaubos ng kape. Umuusok pa yon kanina ah
"You already gave me a gift. A very special gift" sagot nya habang matamang nakatitig sa mga mata ko.
His emotionless yet expressive eyes are drowning me everytime he stare at me like this. How could he possibly made my heart skipped a beat?
"Huh? Anong gift? Wala pa akong ibinibigay sayo eh" naguguluhang sagot ko sa kanya.
He remained staring at me and i tried to give back the same intensity of stare he has for me but i just can't
"The tight, warm hug a while ago"
My cheeks automatically heated upon remembering our moment a while ago. The picture of me hugging him tightly suddenly flashed in my mind.
Gosh! Nakakahiya pala yung ginawa ko kanina. Pero sana naisip ko yon bago ko sya niyakap ng mahigpit. You're so stupid, Helleia!
"Don't think too much. You're already burning red" sabi nya dahilan para mas makaramdam ako ng kahihiyan.
Yumuko nalang ako at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Hindi na rin ako nagtanong pa
—
"Jelly, pakiabot naman nung candle!" Sabi ko habang nakangiting nakatingin sa cake na ginawa namin nina Jelly.
E diba nga birthday ni Red ngayon, dapat may regalo naman kami sa kanya kahit papaano. Pero dahil hindi nga kami pwedeng lumabas dahil delikado ay nakapagdesisyon ako na magbake nalang ng cake at magluto ng konting handa sa tulong ni Jelly, Kei, Lei at Percy
"Uhm Percy, nasan na sya?" Tanong ko kay Percy na nasa bungad ng kusina.
Sya kasi ang inatasan kong bantayan si Red para naman hindi nya mahuli ang surprise namin
"Still in his room, young miss" tinanguan ko si Percy saka ipinagpatuloy ang paghahanda ng mga pagkain sa lamesa
"He's coming!" Sabi ulit ni Percy.
Tumakbo ako palapit kay Percy at nakita ko si Red na kalalabas lang ng kwarto nya. Mukhang kagigising palang nya. Sakto! Siguradong gutom na sya
"Percy, Kei, Lei, Jelly, yung pinraktis natin kanina ha!" Excited na bilin ko kina Percy. Ngumiti naman silang apat saka tipid na tumango
Ayan na! Naririnig ko na ang yabag ni Red na papunta dito sa kusina. Hawak ko ang cake habang sina Jelly ay nasa likuran ko. Malaki ang ngiti na naglalaro sa mga labi ko habang hinihintay ang pagpasok ni Red dito sa kusina
"HAPPY BIRTHDAY TO YOU~ HAPPY BIRTHDAY TO YOU~ HAPPY BIRTHAY HAPPY BIRTHDAY...HAPPY BIRTHDAY TO YOU" Sabay-sabay na kanta namin nina Jelly nang pumasok si Red sa kusina.
Nakita kong bahagya syang nagulat pero agad ding nakabawi. Tumingin sya sa amin saka sa cake na hawak ko at sa mga pagkain sa lamesa
Nakatitig sya sakin habang naglalakad palapit. Ako naman ay nanatiling nakangiti sa kanya. Alam kong masaya sya, kahit walang ekspresyon ang mukha nya ay alam ko..ramdam ko na masaya
"Happy birthday, Red" muling bati ko habang nakangiti sa kanya nang makalapit sya sakin.
Nanatili syang nakatitig sakin hanggang sa unti-unting tumaas ang gilid ng labi nya
Gulat at nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa labi nya. Tipid at saglit lamang ang ngiti nya pero tumibok ng napakalakas ang puso ko dahil doon. Sobrang gwapo nya pag nakangiti kahit tipid lang yon
"Thank you"
Natauhan ako nang magsalita sya. Wala na ang ngiti nya. Bumalik na ang expressionless nyang mukha pero sobrang saya ko pa rin
"Blow the candle" nakangiting sabi ko sa kanya.
Bahagya syang yumuko at hihipan na sana ang kandila pero agad ko syang pinigilan nang may maalala ako
"Ah wait!" Tumingin sya sakin.
Nakayuko pa rin sya. Kapantay ng mukha ko ang mukha nya kaya naman agad kong naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko
Ang lapit namin sa isa't-isa
"Make a wish muna" nakangiting sabi ko matapos iwaksi ang kilig na nararamdaman ko.
Medyo kumunot ang noo nya saka tumayo ng tuwid. "Do i really need to make a wish?" tanong nya.
I pressed my lips together and nodded continuously
"Hmm" he hummed and slowly close his eyes.
Pinagmamasdan ko lamang sya hanggang sa magmulat syang muli ng mga mata at mabilis na hinipan ang kandila
Matapos nyang hipan ang kandila ay kinuha nya ang cake sakin saka iniabot kay Percy na agad naman nitong kinuha. Humarap syang muli sakin saka ako hinapit palapit sa kanya
Isang mahigpit na yakap ang ibinigay nya sakin. His head rested on my shoulder as my face touched his chest. Naririnig ko ang mahina pero mabilis na pagtibok ng puso nya. Mas lalo akong napangiti. In his arms, i really felt secured and comfortable
"Thank you" mahinang bulong nya pero sapat na para marinig ko.
Sapat na rin para magwala ang buong pagkatao ko dahil sa kakaibang pakiramdam na ipinararamdam nya sakin habang nakakulong ako sa mga bisig nya
This is my home. Red, Percy, Jelly, Kei and Lei are my friends, my partners, my family, my home
And i couldn't ask for more.