Chapter 6

1811 Words
Chapter 6 Helleia Demetria's POV "Hmmm" Umungol ako dahil may kamay na tapik ng tapik sa pisngi ko. Sino ba yon? "Young miss, wake up" Dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Bumungad sakin ang mukha ni Lei. Marahan kong kinusot ang mata ko saka bumangon. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako "Hmm bakit? Malelate na ba ko sa school?" tanong ko pero agad din akong natigilan. School. Drianna. Jayson. Totoo ba yon o panaginip? Totoo bang niloloko at pinaglalaruan lang nila ako? Totoo bang miyembro sila ng X Clan? Binalot ng galit ang puso ko sa isiping pinaikot ako ng dalawang naging kaibigan ko. Paano nila ako nagawang lokohin ng ganon? "No. Young miss, hindi ka na papasok sa school. Red told us that we're moving out today" sagot ni Lei. Oo nga pala. Hindi na raw kami safe dito sabi ni Red. Dahil miyembro sina Dri ng X Clan, ano mang oras ay pwede nila kaming sugurin dito. Pero bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang kami inaatake ng kalaban? Simula nung magpasukan ay classmates ko na sina Dri eh "Come on, young miss. Naayos ko na ang mga gamit mo" Napatingin naman ako kay Kei na nasa tapat ng closet ko na kasasara palang nya. Nakita kong nasa paanan nya ang tatlong maleta na siguradong mga gamit ko ang laman Nagdesisyon na si Red at sa oras na magdesisyon sya ay wala na kaming magagawa. Isa pa ay para naman sa kaligtasan ko ang bawat desisyon nya kaya hindi ako tumututol. "Salamat sa inyo ha. Kayo nalang talaga ang natitirang mapagkakatiwalan ko dito" nakangiting sabi ko sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung anong nararamdaman nila, dahil kahit nakangiti sila sakin ngayon ay hindi ko nakikita ang emosyon sa mga mata nila. Katulad ni Percy at Red, hindi nagpapakita ng emosyon sina Jelly, Kei at Lei. Ngumingiti sila, tumatawa. Pero hanggang doon lamang yon Minsan ay hindi ko maiwasang isipin na baka nagpapanggap lang silang mabait sa akin. Na baka kalaban sila at pinapaikot din ako. Pero hindi, lumaki akong kasama sila at si Red. Hindi ko nga alam kung bakit tila hindi tumatanda sina Percy, siguro ay maalaga sila sa katawan at kutis nila kaya ganoon kaperpekto ang mga balat nila. Iwinaksi ko ang isipan ko ang inggit dahil makikinis nilang kutis. Maingat akong bumangon at marahang hinaplos ang gulo-gulo kong buhok. "We're bound to stick with you, young miss. Just like Red, your parents sent us to keep you safe" mas lalo akong napangiti sa sinabi ni Lei. Tama sya! Parang naiiyak tuloy ako. Bakit ba kasi ako naghanap ng ibang kaibigan kung nandito naman sila para maging kaibigan at pamilya ko Kung tutuusin ay sobra-sobra pa ang ibinigay sa akin. Inaalagan nila ako at pinoprotektahan. Wala pa akong natandaang araw na nasaktan ako. Ni lamok nga yata ay hindi nakakadapo sa balat ko dahil sa higpit ng pagbabantay nila sakin. Lalo na si Red "I'm sorry to disturb you but we have to go" napatingin kami sa pintuan. Nakatayo doon si Percy na agad ding pumasok saka kinuha ang dalawang maleta ko sa tapat ng closet. Agad din syang lumabas bitbit 'yon na walang kahirap-hirap. Mukhang mabigat ang maleta ko. Ganoon ba kalakas si Percy at parang bulak lang ang bitbit nya sa paraan nya ng pagbubuhat? "Sandali. Maliligo pa ko e" sabi ko pero biglang pumasok si Jelly at marahang hinila ako patayo "We don't have time, young miss" sabi nya saka ako hinila palabas ng kwarto. Nakita ko pa si Kei na kinuha ng isa pang maleta ko at sumunod na rin sa amin Nang makababa kami ay nakita ko si Red na nakatayo sa may pintuan. Medyo madilim pa pala. Ang aga naman namin masyado. Tumingin sa direksyon ko si Red kaya medyo nailang ako. Nakapantulog pa ko. May suot pa kong medyas at gulo-gulo ang buhok ko Nakakahiya Palapit na kami sa main door nang bigla itong bumukas sa marahas na paraan, nagulat ako at nanlaki ang mga mata. Bigla naman akong hinila ni Jelly at itinago sa likod nya "Where do you think you're going?" Lungkot, labis na panghihinayang at sama ng loob ang naramdaman ko nang pumasok sina Drianna at Jayson. Pareho silang may hawak na tig dalawang baril na nakatutok kina Red Ibang-iba ang hitsura nila ngayon kumpara sa dating Drianna at Jayson na nakilala. Nawala ang masayahing ekspresyon sa mukha ng dalawa at napalitan ito ng nakakatakot na ekspresyon. Ang kanilang mga mata ay tila nagliliyab sa galit. Bakit ganito? Sobrang sakit na makita silang galit na galit at gusto akong patayin "B-Bakit?" Paos at nauutal na tanong ko. Ang bigat sa dibdib. Sobra! Yung mga taong pinagkatiwalaan ko ay hindi pala totoo. Mga plastik na pagkatao lamang pala ang ipinakilala nila sakin. Ano bang ginawa ko sa kanila? Naiintindihan kong maraming galit sa angkan na pinagmulan ko. At maraming taong gustong patayin ako upang mapabagsak ang organisasyon ng mga magulang ko pero hindi ko inaasahang kasama sina Drianna at Jayson sa mga taong gusto akong burahin sa mundo "You're asking, why? Seriously?" Isang sarkastiko at galit na tono ng pananalita ang lumabas sa bibig ni Jayson na sobrang higpit ng hawak sa baril nya na nakatutok na ngayon sakin "Leave, while i'm asking nicely" napatingin ako kay Red. Sobrang sama ng tingin nya kina Jayson at Drianna na hindi manlang natitinag kahit mukhang natatakot sila kay Red. Bakit ganon? Sobrang nakakatakot ang hitsura ni Red ngayon "Tsk. Aalis lang kami, kapag napatay na namin ang babaeng yan!" Gigil at halos pasigaw na sagot ni Drianna habang napakasama ng tingin nya sakin. Tuluyang bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Sobrang sakit. Hindi ko akalaing hindi pa pala ubos ang luha ko. Sa sobrang tagal ng pag-iyak ko kagabi, akala ko ay wala na ang sama ng loob na nararamdaman ko at hindi na ako iiyak pa dahil sa kanila. Pero nagkamali ako. Heto ako ngayon, umiiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko. Niloko nila ako. Dapat ay ako ang galit sa kanila. Pero hindi ko kayang magalit sa mga taong minsan ko nang naging katuwang sa buhay "You'll get through me first before you could even lay a single finger on her" matigas at malamig na sagot ni Red. Kitang-kita ko ang galit sa mga malalamig na mata nya. Alam kong gusto na nyang saktan sina Drianna at Jayson pero pinipigilan nya lang ang kanyang sarili "Ganon ba? Edi unahin na kita" galit na sagot ni Jayson saka itinutok kay Red ang dalawa nyang baril ngunit hindi natinag si Red. Nanatili ang malamig nyang eskpresyon at mga matang walang emosyon. I wish i can be tough and strong like him "Paadaanin nyo kami hangga't hindi pa nawawala sa isip ko na naging kaibigan kayo ni young miss" this time. Kay Percy naman ako napatingin. Just like Red, he's staring blankly at Jayson. I can already feel the tension running between them. Kung kanina ay nasa akin ang buong atensyon nina Drianna at Jayson, ngayon ay nakina Red at Percy na yon "Friend? Wow! Big word. She was never a friend" tila libo-libong patalim ang sumaksak sa puso ko dahil sa sarkastikong sagot ni Drianna. "...never will be!" dugtong nya I bit my lower lip as i keep my tears from falling "Hayaan nyo nalang kaming umalis" pakiusap ko habang nakatingin sa kanila. Matalim ang tingin ni Drianna na biglang ngumisi at umiling-iling sa sinabi ko "Hayaan? Ganon nalang? Alam mo ba kung bakit gusto ka naming patayin? PINATAY NG ANGKAN MO ANG HALOS KALAHATI SA PAMILYA NAMIN!" Halos mapatakip ako ng tenga dahil sa malakas na sigaw ni Drianna. Napailing-iling ako habang umiiyak na ulit. Bakit kailangan kong maranasan to? Bakit palaging ako ang ginagantihan? Dahil ba mahina lang ako? Dahil madali akong patayin? "KAYA DAPAT KANG MAMATAY!" Sigaw naman ni Jayson saka itinutok sa akin ang isang baril nya at pinaputok iyon Napakabilis ng pangyayari. Sa isang kisap lamang ng mata ay nahila ako ni Jelly palayo sa kaninang kinatatayuan namin. Napatingin ako sa kanila. Hawak ni Red ang dalawang braso ni Jayson at itinulak ito sa sahig. Sinipa nya ang baril na hawak nito saka malakas na sinuntok sa sikmura Si Drianna naman ay masama ng tingin kay Percy na ngayon ay hawak ang baril na kanina lamang ay hawak ng babae. May dugo ang gilid ng labi ni Drianna habang nakaupo sya sa sahig at nakatingala kay Percy na tinututukan sya ng baril Napatingin ako kina Lei at Kei na nakatayo lamang sa isang gilid. Tapos kay Jelly na katulad ng iba ay walang emosyo ang mga matang nakatayo sa tabi ko habang hawak ang bewang at braso ko "Leave immediately before i buried the bullets of this gun to your body" malamig na utos ni Red kay Jayson habang nakatutok dito ang baril na hawak nya, pero umiling lamang ito habang hawak ang kanyang nasaktang sikmura. Dumudugo rin ang ilong nito habang si Red ay hawak ang baril na kanina lang ay nakatutok sa kanya "Percy, Red, w-wag nyo silang papatayin" naiiyak na pakiusap ko. Hindi ako nilingon ng dalawa kaya mas lalo akong kinabahan. Baka barilin nila sina Drianna at Jayson. Kahit naman trinaydor nila ako ay naging kaibigan ko pa rin silang dalawa BOGSH BLAG PAAAK Nagulat ako nang hampasin ni Red ng baril si Jayson dahilan para mawalan ito ng malay. Si Drianna ay wala na ring malay matapos sampalin ni Kei ng sobrang lakas. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Ganito ba talaga sa mundo ng mga mafia? Mga brutal at sadista? "Let's go, young miss" hinawakan ni Jelly ang kamay ko saka ako marahang hinila paalis Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ang walang malay na sina Drianna at Jayson. Siguradong masakit ang ginawa nina Kei at Red. Namumula kasi ang parte Walang imik kaming naglakad palabas ng bahay. Iyong Van ang gagamitin namin para kasya kaming lahat, nasa passenger seat si Red, si Percy naman ang driver. Kami ni Kei ay magkatabi sa likod nila at nasa likod naman namin sina Lei at Jelly Nakatulala lamang ako habang si Percy ay nagsisimula nang magmaneho. Tahimik kaming lahat sa sasakyan. Tumigil na rin ako sa pag-iyak. Pero ang sakit at panghihinayang sa pagkakaibigan namin nina Drianna at Jayson ay nanatili sakin "Smile, young miss. It will never erase the pain but it will lessen the burden you're carrying in your heart" munting ngiti at mahigpit na yakap ang isinagot ko kay Kei. Ngumiti rin sya ng malaki pero nanatiling walang emosyon ang mga mata nya Masaya na rin ako kahit papaano. Dahil nandito sila para bantayan at mahalin ako. Kahit hindi ko man kasama ang mga magulang ko, alam kong ligtas ako dahil nasa tabi ko ang limang taong pinagkakatiwalaan ko ng buhay ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD