bc

Game of Death

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
powerful
brave
tragedy
bxg
mystery
female lead
game player
mythology
superpower
spiritual
like
intro-logo
Blurb

kagubatan ang aking bahay na namulatan. Sa murang edad uso ang aking naging kasama at kasangga sa buhay. Naghiwalay ang aming landas ng akoy kunin ng pinuno ng aming angkan.

Ang celebrasyon sa burual castle ang naging dahilan upang ipakuha nila ako at ipada bilang reoresentante ng angkan. Ang game of death ay palaro ng mga diyos. Kung sino man ang mananalo tiyak na makakaakyat ito sa langit at bibigyan ng buong cultibasyon ang magiging ganap na immortal.

Sa kasamaang pakad ako at ang iba ko pang jasamagan ay ipinadala at makikisali sa laro hibdi dahil gustong sumikat nh aming angkan kung hindi gusto nilang mawala kami sa kanilang landas.

Laro ng kamatayan.

chap-preview
Free preview
Proloque
Bitiwan niyo ako. Bitiwan niyo ako. Namamaos na ako sa kasisigaw sa dalawang taong kumuha sa akin sa loob ng gubat. Basta nalang nila akong binitbit habang naliligo ako sa batis kasama ang mga batang lobo. Mabuti nalang at hindi ako hubo't hubad na naliligo gaya ng nakasanayan ko. Sa sobrang takot ko na mapahamak sila at patayin sumama ako ng walang ingay. Alam ko na kapag nag ingay ako pupunta ang mga matatandang lobo upang tulungan at kunin ako sa dalawang ito ngunit ikapapahamak nila 'yun. Ayaw ko silang mapahamak at ang masama mamatay ng dahil sa akin. Ano ba bitawan niyo nga ako. Ano ba ang gusto nyo ha?. Nanahimik na ako sa loob ng gubat ginagambala niyo pa ako. Wala silang sagot sa lahat ng tanong ko ako lang itong madaldal. Para silang bingi at walang dila. Ipinasok nila ako sa isang magarang hall ng bahay at basta na lang itinapon kaya bumagsak ako sa sahig. Hindi na sila naawa sa isang payatot na gaya ko. Buto't balat na nga lang tapos itatapon lang ng ganoon ganon. Bumangin ako at umupo kasabay ng pang angat ko ng tingin upang tingnan ang paligid. Sa hindi kalayuan kung saan ako bumagsak may entablado na hindi kataasan may upuan kung saan nakaupo ang pinuno ng aming angkan. Sa tabi niya may dalawang upuan, sa kaliwa ang anak niya at sa kanan asawa niya ang nakaupo. Salamat at buhay ka pa aking pamangkin. Ang akala namin lahat kinain kana ng mga lobo doon sa gubat. Pero parang naging isa ka na rin sa kanila. Mapang-uyam niyang sabi. Sa ayos mo ngayon masasabi kung hindi ka nila inaalagaan ng mabuti. Paano ka nila aalagaan kung sila nga hindi nila inaalagaan ang kanilang sarili. Hayop sila hindi sila tao wala silang tamang pag iisip. Hindi ako magtataka kung asal hayop ka na rin. Ang dalawang babae sa tabi niya masaya. NAkangiti pa sa kabila ng paglait sa akin ng padre de pamilya nila. Ano ba ang aasahan ko sa pamilya ko daw. Hindi nila ako itinuturing pamilya kaya nila ako itinapon sa gubat. Iniwan kahit nagmamakaawa akong patirahin sa bahay nila kahit katulong ok na sa akin.Masyado pa akong bata ng panahon na iyon at wala akong kaalam alam sa mundo ngunit dahil sa kasakiman nila iniwan niya ako sa gubat at balak talagang patayin. Mabuti nalang, naawa ang isa tauhan ng inutusan niya upang patayin ako. Pinalaya ako at sinabing huwag na huwag lalapit sa kahit na sinong taong pupunta ng gubat. Magrago daw ako kung maari. Mala demonyo akong ngumiti. Unang una sa lahat huwag mo akong tawaging pamangkin dahil matagal mo na akong pinatay diyan sa isip mo. Matagal mo ng kinalimutan ang batang ito. Pangalawa mas mabuti ng mag asal hayop kaysa magkunwaring mabait. Masama naman pala, nagtatago lang sa likod ng mga tauhan niya napaka duwag. Nagkukunwaring magandang ehemplo pero saksakan naman pala ng demonyo. May biglang humampas sa likod ko dahilan upang mapadaing ako dahil sa sakit. Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa sila bumulagta. Nskakamatay na tingin ang ginawad ko sa kanila. Maghinay hinay ka sa mga salita mo bata. Alalahanin mo nasa teritoryo kita. Pagbabata niya. Alalahanin mo rin na hindi ako pumunta dito. Kayo ang kumuha sa akin at sapilitan akong dinala sa teritoryo mo. Kung ayaw mong makarinig ng kahit na anong salita galing sa akin tantanan nyo na ako at huwag ng gambalain pa. Tumayo ako at pinagpag ang damit kong hindi ko na matandaan kung ilang taon ko ng suot. Maliit na siya sa akin kung tutuusin pero wala akong ibang damit na isusuot kapag itinapon ko ito. Pagtatagpi tagpi lang ng dahon ang ginagawa ko kapag nilabhan ko ito. Tumalikod ako upang umalis na sana nang pigilan ako ng dalawang taong kumuha sa akin sa gubat. Hinawakan nila ako sa braso at pilit pinaluhod. Sa katigasan ng ulo ko hindi nila ako napaluhod umupo ako. Hindi sila hari at diyos upang luhuran. Isa lang silang taong mapagsamantala. Dahil wala ka namang silbi sa bayan natin. Pagpatuloy niya. Hindi pa man siya natapos sumagot na ako. Sa bayan mo huwag mo akong idamay. Marami ka pang satsat alam kong isa lang ang hangarin mo ang tuluyan akong mawala sa landas niyo. Tahimik, wala kang respeto sa pinuno ng ating angkan. Sigaw ng asawa nyang ubod ng pangit nakausli ang nguso. Akala mo dumudugo lagi ang labi dahil wala itong kasing pula. Ipapadala ka namin sa Burial Kingdom. Ikaw at ang sampo pang katao ang kasama mo. Kayo ang representante ng ating angkan upang sa gaganaping paligsahan. Ipapapatay niyo lang naman kami yon ang totoo. Representante ba sabi mo, bakit hindi mo kami tinuruang makipaglaban?. Kahit paggamit ng espada o kahit hand to hand combat nalang ng maligtas at maprotektahan ang aming mga sarili hindi niyo tinuro. Tanong ng isang babae na nasa likod ko nakatayo hawak ng dalawang tauhan nila. May kadena sa kamay at paa. Ang sabihin nyo ipapadala niyo kami doon upang ipapatay hindi makipaglaban at maipanalo ang laro. Sagot naman nung isang ganoon din ang ayos. May mga utak pa rin pala kayo. Magaling magaling mabuti at alam niyo ang ibig naming sabihin. Wala naman kayong ambag sa angkan natin kaya mabuti pang mamatay kayo. Nakangiting sagot ng anak ni uncle na walang kasing panget. Magaling magaling ang sinabi mo pangit na prinsesa na isinumpa ng langit. Ikaw may ambag ka?. Manahimik ka Red Vlood. Sigaw ng asawa ng pinuno. Ngumiti ako ng nakakaloko habang nakatingin sa mukha ni Milagros. Galit at hiya ang nakikita ko sa kanya. Parusahan siya. Sigaw niya ulit. Galit na galit ang mukha niyang nakatingin kay Red Vlood. Kinumpas ng clan lider ang kanyang kamay upang pigilan ang dalawang kawal nila na parusahan si Red Vlood. Ihatid nyo na sila sa Burial Kingdom. Huwag na huwag niyo silang saktan o galusan ayaw kong mag pag usapan tayo ng taga Burial. Masisira ang pangalan natin. Maliwanag?. Makakaasa kayo mahal na pinuno. Sabay sabay na tugon ng mga kawal. Pero ama pinahiya niya ako sa harapan ng maraming tao dapat lang siyang parusahan. Gustuhin ko man aking prinsesa ngunit nakalista na ang pangalan nila doon. Hindi pwedeng basta na lang natin bawiin ang numero ng taong ipapadala natin. Huwag kang mag alala hindi sila mabubuhay sigurado yun. Ako ang huling umalis ng grand hall kaya narinig ko ang sinabi ng uncle. Humarap ako sa kanila. Pipigilan pa sana ako ng dalawang kawal, "May sasabihin lang ako". Hindi na sila nag matigas pa at hinayaan ako. Sa oras na makabalik akong buhay dito at malampasan lahat ng pagsubok sa paligsahang iyon. Iligpit niyo na ang mga gamit niyo at kusang umalis at magpakalayo layo dahil kapag naabutan ko kayo dito ipapalapa ko kayo sa mga lobo na nasa gubat. Ipanalangin niyo sa lahat ng demonyo na sinasamba nyo na hindi ko malampasan at mamatay ako sa kalagitnaan ng laro uncle. Pagbabanta iyon. Hindi makatarungan ang pagtrato nila sa mga taong sakop nila. Ginagawa nila itong alipin at kung konting mali lang kamatayan kaagad ang parusa. Hindi lingid sa kaalaman ko ang lahat dahil paminsan minsan pumuslit ako sa bayan ng hindi napapansin ng mga tao. Lahat ng mga taong pinarusahan ng kamatayan doon sa gubat kung saan ako nakatira nila pinapaslang. Walang araw na wala silang taong pinapatay. Araw araw iyun. Gustuhin ko man tulungan ang mga taong pinapatay nila pero wala akong laban. Sa murang edad namulatan ko na ang makakita ng dugo at patay na katawan. Hindi ko na hinintay ang dalawang kawal na nagbabantay sa akin. Tumalikod ako walang lingon kahit na nagbubulong bulungan ang mga tao sa paligid ko. Sumakay sa kabayong ipinadala ng taga burial kingdom para sa aming transportasyon papunta doon. I hope I can survive in this game. I hope that I can win this for me to go back to the family who accepted me despite the differences that we had. Who accepted me wholeheartedly without any thoughts of something bad. Wait for me my wolf family. I will be back. I will do my best to win this f*****g game and also to had a power to protect you from danger. And one more reason is, upang mapatalsik sa pwesto ang aking uncle at ang pamilya niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
82.4K
bc

LEGERDEMAIN ACADEMY: MAJESTIC FLAIR

read
5.9K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.6K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
311.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook