Maang akong humarap kay Sir Danreve. Hindi ko alam kung paano mag-react. Gusto ko siyang kaladkarin palabas at doon kausapin ng masinsinan. Pero alam ko naman na lalo lang magtaka si Nanay kapag ginawa ko ‘yon. Lalo lang siyang mag-iisip ng masama at baka lalo niya pa kaming pagdudahan. Mas lumapit pa ako kay Sir Danreve. “Hindi nga po pwede, sir," madiin at pabulong kong sabi. Kinagat ko pa ang pang ibaba kong labi. Nakakagigil ‘to eh! Inismiran ba naman ako, at pagkatapos ay kumibot ang labi na parang may sinasabi na hindi ko naman maintindihan. Talagang hindi ko siya maintindihan. Grabe ang tago namin sa mga magulang niya sa fake naming kasal. Lahat ng masakit na salita, tiniis ko. Nilunok ko, kahit ang hirap lunukin. Tapos, aamin lang pala siya kay Nanay. Kung hindi ba naman siya b

