Kabanata 14

1644 Words

Dahil sa naramdamang takot, hindi ko na naawat ang sarili. Yumakap na rin ako ng mahigpit kay Sir Danreve. ‘Yong yakap na parang nakahanap ng kakampi. Pakiramdam ko, safe na ako dahil iniligtas niya ako. “Sinaktan ka ba nila. Anong ginawa nila sa’yo?” Bakas ang galit sa boses nito, pero ramdam ko naman ang pag-aalala niya. Paulit-ulit ko lang na pinilig ang ulo ko, bilang sagot sa tanong niya. Mas humigpit naman ang yakap niya sa akin sa puntong dikit na dikit na ang mukha ko sa dibdib niya. “Tahan na, you’re safe now. Wala ng mananakit sa’yo,” sabi niya pa na sumabay sa banayad na haplos sa likod ko. “Bro, tama na ‘yan. Nakatingin ang Nanay, oh. At saka, parang hindi ka na boss, d’yan sa ginawa mo!” Sabay kaming napabitiw sa isa’t-isa nang marinig ang pabulong na sabi ni Sir Onse.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD