Kabanata 53

1516 Words

“Cha, saan ka pupunta? Ngayon nga lang ulit tayo nagkita, iiwan mo pa ako agad?” Tampong sabi ni Reynan. Susundan ko na kasi sana ang asawa kong sinumpong na naman ng kasungitan. Nakakainis din talaga siya. Alam niya na malungkot ako ngayon. Alam niya na nag-aalala ako sa kalagayan ni Nanay; dumagdag pa siya. “Cha, akala ko ba na miss mo ako?” dagdag pa ni Reynan. Napabuntong-hininga na lang ako at napayuko. Hindi ko akalain na magagawa akong iwan ni Danreve ngayon. Talagang nagpatuloy siya sa paglalakad, at ni ang lumingon ay hindi niya ginawa. Bakit ba siya gano’n? Siya dapat ang higit na nakakaalam na kailangan ko ng karamay. Kailangan ko ng may magpapagaan sa loob ko, at kasama siya sa mga tao na kailangan ko sa tabi ko. Ang labas ay gusto niya pa akong ilayo sa mga taong ha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD