“Kilala mo, ang babae na gusto niya?” Inosenteng tanong ko kay Daisy na sumabay ang pagngiwi at paglayo niya sa kuya niya. Sekreto yatang kinurot ni Reynan ang kapatid niya na madaldal. “Hindi… hindi ko kilala, pero may hinala ako kung sino,” ngiting-aso ang kasabay ng sagot nito. Nanliit ang mata at kagat-kagat naman ni Reynan ang pang-ibaba niyang labi, habang tanaw ang kapatid na nauna nang umupo, at nag-peace sign sa kaniya. “Ang daldal mo talaga, ‘no!”Gigil na sabi ni Reynan na ngiti pa rin ang sagot ni Daisy. Napailing-iling na lang din ako. Ang saya talaga nilang kasama. Parang bumalik kami sa dati. Kahit kasi limang taon ang agwat ng edad namin, sumasabay pa rin siya sa mga trip namin ni Daisy. Mabait siyang kuya at kaibigan. Kaya nga, crush ko siya dati. “Puntahan mo

