((Charmaine)) Gusto ko lang naman sanang e-surprise ang asawa ko, kaya naglakas loob ako na magpunta rito sa opisina niya, kahit nahihiya akong makita ng mga emplayado niya. Bukod sa pamilya ni Danreve at mga kaibigan namin, wala pa kasing ibang may alam na may asawa na itong my heart ko na may edad na nga, pero ngayon pa umastang bata. Ang expected kong makita ay matamis niyang ngiti dahil sa pag-surprise ko sa kanya. Kaya lang, ako pala ang ma-su-surprise dahil sa naabutan kong away nila ni Sir Onse. Hindi nga agad ako naka-kilos. Nagulantang ako. Nagpalipat-lipat na lang ang tingin ko sa kanila habang um-acting naman ang dalawa na okay sila at nagka-katuwaan lang sila na magsakalan. Pero kahit anong acting pa ang gagawin nila, hindi nila ako maloloko. Alam kong may problema sila;

