Kabanata 46

1380 Words

“Susugal ka ba talaga sa lalaking alam mong may ibang mahal?” Susundan ko na sana ang asawa ko, kaya lang, nahinto ang paghakbang ko dahil sa tanong ni Sir Onse na ang lungkot pakinggan. Dahan-dahan akong lumingon, at ngayon ay hindi lang pala boses niya ang malungkot. Pati mukha niya ay bakas din ang lungkot. Hindi ko na tuloy alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Napatitig na lang ako sa kanya. “Charmaine, gamitin mo ang utak mo. Pag-isipan mo muna ang bagay na ‘to ng ilang beses bago ka magdesisyon,” dagdag niya pa, kasabay ang dahan-dahan na paglapit sa akin. “Ano, sigurado ka na ba talaga? Nakapag-isip ka na ba?” tanong na naman niya, ngayong nasa malapit ko na siya. Kung kanina ay hindi ko alam kung paano siya sasagutin, ngayon ay tumango-tango na ako ng maraming bese

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD