((Danreve)) "It looks like we've covered everything; let's wrap up here,” sabi ko kasabay ang pagtayo, at nagmamadali na lumabas ng conference room. Kanina ko pa kasi gustong matapos ang meeting na tungkol lang naman sa mga issues ng bagong mall branch na itatayo. Hindi pa kasi tapos ang pag-process ng mga construction permit, kaya hanggang ngayon ay hindi pa nasisimulan ang trabaho. Mainit na nga ang ulo ko dahil sa panghihimasok ni Onse sa relasyon namin ng asawa ko. Dumagdag pa ang problema sa construction. Kung hindi nga lang inuukupa ni Charmaine ang utak ko, siguradong sermon ang inabot sa akin ng mga department na responsible sa construction. Ang babagal kumilos. “Sir Danreve—” “Cancel all my appointments for today,” agad kong putol sa pagsasalita ng secretary ko na pilit su

